Pinaupo niya ako sa isang upuan. Nakaharap ako sa salamin na may nakakabit na mga bumbilya. May kung ano-anong make up at koloretr si mommy na nakapatong sa lamesa niya.

Kinuha ko ang isa do'n tsaka binasa. Mascara raw. Binuksan ko yun tapos nakita ko ang brush niya, parang ang kati yata neto kung ipapahid mo sa mukha mo 'to tapos gagawing mascara. Parang hindi ko pa nakita si mommy na gumamit neto. Laging puti ang mukha niya eh.

Kinuha ni mommy ang hair dryer niya tsaka isinaksak 'yon. Hinahayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin. Hindi ako nagreklamo kahit mainit sa anit ang hangin ng blower.

Sinuklay niya 'ko at inayos ang buhok ko. Ang dami niya pang ginamit na clip, may ginamit pa siyang spray net, pampatigas daw ng buhok para hindi bumuwag ang pagkakapusod.

Nakita ko siya kung pa'no niya ipaikot, suklayan, at ipitan ang buhok ko. Bawat lagay ng clip pumipikit ako dahil parang tinutusok ang bumbunan ko.

Ang bigat pa naman ng kamay ni mommy, konti na lang mababali na ang leeg ko kakatabingi no'n.

Siguro mga kinse minutos lang natapos na siya sa pag-aayos sa buhok ko. Pabulaklak siya tapos may parang hinulog na ilang hibla ng buhok sa mukha ko. Design daw. Ang daming alam.

Sunod naman ang mukha ko. Wala naman dapat ayusin eh. Papagandahin niya lang ako. Gagawin niya kong coloring book.

"Itikom mo muna ang mga labi mo." Sabi niya, sinunod ko na lang.

May nilagay siyang kulay brown na parang cream. Pwede bang kainin 'yon? Gamit ang sponge, ikinalat niya 'yon sa buong mukha ko. Para tuloy akong white lady.

May powder pa siyang nilagay bago niya 'ko minake-up-an ng kulay lavender sa pingi. Parang violet yun pero mas light ang kulay niya. Pati yung nasa talukap ng mata ko kulay violet rin pero hindi buo, parang nag fe-fade. Smokey eye saw.

Usok?

Hindi naman makikita yun eh! Gabi kasi.

Liptint ang huling nilagay niya. May inispray pa siyang hindi ko alam kung ano 'yon pero pangit ang lasa. Natikman ko kasi nung may ilang patak na tumalsik sa labi ko.

"Done!" Masayang sabi niya.

Sabi na eh! Mukha akong coloring book ngayon. Pero atleast maganda naman ang pagkakakulay no'n. Pero hindi ko bet, makati sa mukha.

"Isuot mo yung dress, dali! Dali!" Sabi ni mommy. Hinila pa 'ko hanggang makarating kami sa kwarto ko.

Kinuha niya ang dress tsaka ako tinulak papuntang banyo. Wala akong nagawa kung hindi ang magbihis na lang. Hindi naman 'to dress! Gown siya! Long gown! Ano 'to pageant ba ang pupuntahan ko?

Inis kong sinuot 'yon. Off-shoulder siya na gown pero may parang manipis na manggas na hinuhulog sa braso. Parang lace nga lang yun, design lang.

Hindi ko pa tuluyang naisusuot yon ng tawagin ko si mommy, ang hirap pala netong suotin.

"Ma, pagtulong po!" Sigaw ko. Agad naman siyang pumasok ng banyo.

"Sa'n?" Tanong niya.

"Ang daming tali sa likod, ma, patali po."

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now