"We can't promise." Biglang nagsalita si Kayden.
Lumingon ako sa kaniya, nakapoker face lang siya habang nakacross arm at deretsong nakatingin kay sir.
"Excuse me?" Parang hindi makapaniwalang sambit ni sir.
"Hanggat wala namang nanggugulo sa 'min wala kaming guguluhin. Hindi kami ang nagsisimula ng gulo, sir." Halos mangilabot ako dahil sa lamig ng boses niya.
"Siya, basta tandaan niyo na lang ang mga paalala ko sa inyo." Parang sumusukong sagot ni sir bago magklase.
Hinintay na lang naming matapos lahat ng klase ngayon, parang walang gana, parang hindi kami nageexist. Matapos ang usapan namin nina sir parang may tensyon na sa loob ng room.
"Mommy! Nandito na po ako!" Sigaw ko nang makauwi ako.
Nagbike na 'ko pauwi, alangan namang mag tricycle pa 'ko eh nakuha ko na ang bike ko.
Gaya ng dati ay pinaghanda muna ako ng miryenda ni mommy, kinuwentuhan niya 'ko ng kung ano-ano. Hindi naman ako nakikinig sa kaniya dahil abala ako sa pagkain.
Mamaya ko na po papakinggan ang chicka mo, mommy. Replay na lang natin.
Umakyat na 'ko sa room ko pagkatapos no'n. Ginawa ko ang mga gawain ko sa banyo. Naligo, nanghilod, nagsabon at nagsepilyo.
Dapat malinis!
Pinatuyo ko lang ang buhok ko bago natulog. Hindi ko alam pero parang ang daming nangyari kaya parang pagod ang katawan ko.
Oo, parang lang. Baka kasi inaantok lang talaga ako dahil gabi na. Buti na lang talaga walang pasok bukas, sigurado akong bangag ako kapag nagkataon.
*ZzzzzzZzzz* *ZzzzzzZzzz*
Alas singko.
Oo, alas singko akong nagising dahil sa alarm ko. Ewan ko nga kung sinong nagset no'n. Hindi naman ako dahil sinabi ko sa sarili kong matutulog ako hanggang alas dies.
Napahawak ako sa ulo dahil sa sakit no'n. Parang binibiyak. Pati yata bungo ko masakit... pumipintig! Siniksik ko ang ulo ko sa mga unan ko tsaka yinakap si Tantalog.
Pain! Sakit! Ng! Ulo! Ko!
Sobrang aga pa kasi para bumangon, alas singko? Talaga lang ah! Alas sais ang normal na pagbangon ko ih!
Pumikit ako para sana makatulog ulit pero hindi na kinaya ng diwa ko. Sumakabilang diwa na. Sino ba kasing hayop ang nagset ng alarm na yun. Ibabalibag ko lang.
Hinila ko ang kumot ko tsaka nagtalukbong. Pinatong ko na sa mukha ko ang mga unan ko. Sarap amuyin! Ang bango ng sabong panlaba ni Aling Soling.
Pero agad ko ring tinanggal yon dahil hindi ako makahinga. Carbon dioxide ay mali! Oxygen pala. Tinanggal ko ang mga yon sa mukha ko tsaka tumayo.
Inis akong pumunta sa banyo para maghilamos at nagtoothbrush habang nakapikit. Inaantok pa 'ko ih!
Pagkatapos kong gawin ang lahat sa banyo ay nagpalit ako ng damit tsaka nag-jogging pants.
Aano ako?
Magyoyoga.
Char.
Mag-jo-jogging ako malamang! Tahimik pa ang buong bahay, natutulog pa siguro sila. Hindi na 'ko nag-abalang gisingin sila. Mamaya na lang ako mag-aalmusal. Makakapaghintay naman ang pagkin. Ang tyan ko lang ang hindi.
Lumabas ako ng bahay ng walang ibang dala kung hindi sakit ng ulo. Nakakatatlong hakbang pa lang ata ako parang gusto ko ng umatras.
Napalunok ako dahil madilim pa tapos ang layo pala kung tatakbuhin ko ang kalahati ng subdivision. Para akong manggagatas sa ginagawa ko. Buti na lang nakajacket ako dahil humampas sa katawan ko ang malamig na hangin.
Bahala na nga.
Nag-jogging ako, hindi gano'n kabilis para hindi agad ako mapagod. Yung mga kuliglig lang ang naririnig ko kaya kinikilabutan ako. Buti na lang talaga may nakikita akong nagjojogging din sa di kalayuan.
Aattend ba 'ko mamaya? Nakakaano kasing magdress. Tapos sabi ni mommy memake-upan niya raw ako. Sure akong gagawin akong coloring book no'n. Kahit hindi naman ako maganda makakapunta ako do'n.
Pwede naman siguro akong tumakas ngayon diba? Punta muna ako sa mall, magpapalamig lang. Wala naman akong dalang pera, kaya sulutin na lang ang free air-condition do'n, takas lang ako sa acquittance party na yun tapos mamayang gabi na lang ako uuwi.
Mas excited pa nga si mommy kaysa sa 'kin. Baka nga siya na lang ang make-up-an ko tsaka bihisan ko para umattend sa party na yon. Payag naman siguro si Adriel na maging partner si mommy. Wag na choosy di naman you yummy.
O kaya kidnappin ko muna si Adriel, wag na kaming umattend pareho, nakakahiya naman kung wala siyang kapartner kaya huwag na lang siyang pumunta diba? Easy pitsy.
May pagkain kaya do'n? Gabi pa naman yon, baka may midnight snack? Kung meron, sige pupunta na—!
"AAAAAAHHHH!"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 71
Start from the beginning
