Pinitik ko muna ang ilong niya bago ko siya binitawan. Umiiyak naman siyang humarap sa 'kin habang hawak ang ulo.

"Tsakit! Bad!" Reklamo niya, animo'y isang batang edad apat.

"Ikaw kasi eh!" Natatawang sabi ko.

"Sumandal lang ako ih." Sabi niya tsaka suminghot dahil malapit ng tumulo ang sipon niya. "K-kapag ikaw ang s-sumasandal sa l-likod ko hindi a-ako nagrereklamo." Sumbat niya pa sa 'kin tsaka humagulgol.

Pinagtitinginan naman kami ng iba, napalunok ako nung makitang nakaharap sa 'kin ang hintuturo ng apat, parang inaakusahan nila ako sa nangyari.

Naawa naman ako dito sa batang hapon kaya niyakap ko siya. Kaso ngalang ang gago, sa uniform ko umiyak ng umiyak kaya naramdaman ko ang pagkabasa ng damit ko. Suminga pa siya.

"Ji, kadiri ka, hindi naman panyo ang uniform ko para gawin mong singahan." Sabi ko habang hinahagod ang likod niya.

Lumayo naman siya sa 'kin tsaka pinunasan ang luha. Pagkatapos no'n ay ngumiti siya sa 'kin. Ngiting tagumpay, ngiting nakakaloko.

"Ang lambot ng ano hehehe!" Aniya habang nakatingin sa dibdib ko.

"Siraulo ka!" Pagmumura ko sa kaniya, sa dibdib ko nga pala siya kanina sumandal nung umiiyak siya. Ginawang unan.

Sa isip ko ilang beses ko na siyang inumpog dito sa lamesa. Bastos ang king ina. Kaya pala aliw na aliw sa pag-iyak dahil do'n.

"‘Wag mong murahin, buti nga may naramdaman siya, akala ko wala ka nun eh." Pagtatanggol ni Trina.

"Hindi mo lang halata, pero meron ako 'no!"

"Maliit nga lang." Singit ni Kenji. Hinampas ko nga ulit ang braso niya.

Bumalik din kami kaagad ng room pagkatapos naming magpalit ng gamit sa lockers. Ilang minuto lang ay nagring na ang bell. Si Sir Almineo ang pumasok. Siya rin ang Filipino teacher namin.

"Good afternoon..." Panimula niya. "I have an announcement." Dagdag niya bago tumikhim. "Bukas ng umaga ay wala kayong pasok—."

"Yown!"

"YEEEESSS!"

"Good news!"

"Thankies sir!"

"Ayos! Makakapagdate kami ni babe, baby, love, at mosh."

Hindi na natapos ni sir ang sinasabi niya ng magreak agad ang mga kumag. Talagang nagsasaya sila kapag walang pasok. Pati na rin ako.

Naghihiyawan pa sila, ang iba nga ay nagsukbit na ng bag, akala mo naman ay uuwi na. Hinahampas pa ni Xavier ang armrest ng upuan niya.

"Ehem!" Pang-aagaw ni sir sa atensiyon namin. "‘Maaari ko na bang ituloy?" Tanong niya, tumango naman kami. "Bukas ng alas sais ng hapon ay dapat nandito na kayo." Anunsyo niya kaya naman natahimik ang lahat. "Kailangan niyong magsuot ng appropriate attire. Kahit na ano pa yan basta disente." Paalala niya. "At ang panghuli, wag sana kayong magdala ng gulo bukas." Seryosong sambit niya.

"Eh, sir, hindi naman kami ang nagdadala ng away." Depensa ni Vance.

"Gumaganti lang kami, sir, self defense ba." Gatong naman ni Xavier sa kaniya bago ngumisi.

"Kahit ano pa 'yan, kung ayaw niyong masira ang party, ako na ang nakikiusap, magsaya kayo at huwag makikipagbasag ulo."

Sir? Sa'n mo nakuha yang mga salitang 'yan? Basagan ng ulo... away. Sanay na siguro si sir sa mga 'to kaya gan'yan siya makapagsalita.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now