"Kaya pala magkatabi kayo kanina." Sambit ni Trina pero yung tono niya naman ay nang aasar.

"Sabi ko kasi turuan niya ko, ang ganda kaya ng language nila!" Pagmamayabang ko. "Marami na nga akong alam eh." Dagdag ko pa.

"Hindi namin tinatanong." Pambabara ni Eiya.

"Sinasabi ko lang, hindi niyo naman kailangan magtanong para sumago ako." Tsaka ako ngumisi.

"Daming alam." Pagpaparinig ni Kenji. Siniko ko naman siya.

"Ji, nagreview ka?" Tanong ko sa kaniya.

Meron nga pala kaming long quiz mamaya sa history. Hindi pa naman ako nag-aral kagabi. Novel kasi ang binasa ko kagabi hindi lesson.

"Oo naman." Sagot niya bago pasimpleng kumurot sa manok ko. Tinampal ko naman ang kamay niya.

"Tabi tayo mamaya, pakopyahin mo 'ko." Bulong ko sa kaniya.

Bulong lang yun, baka kasi marinig ng iba tapos isumbong pa 'ko. Marami oa namang galit sa 'kin dito, baka ilaglag ako. Iba pa naman ang takbo ng utak ng mga ito.

"Hindi pala ako nag-aral, kalimutan mo na yung sinabi ko." Aniya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Bigyan kita ng chocolates." Pang uuto ko sa kaniya.

Biglang lumapad ang ngiti niya sa mukha, sigurado akong nagsasaya na ang mga bituka niya dahil sa narinig niya.

Inakbayan pa niya ako gamit ang payat niyang mga kamay. Tumili pa ang gago. "Sige, Yakie! ‘Wag kang maingay, baka manghingi yung iba." Sumenyas pa siya, nilagay niya ang hintuturo niya sa labi niya.

Kinurot ko ang kamay niya, wala namang sandalan ang kinauupuan ko kaya nangangalay ako sa ginagawa niya.

"Bitaw na, bigat ng kamay mo." Reklamo ko sa kaniya. "Isa!" Nagbabanta na ang boses ko, hindi pa rin kasi niya binibitawan ang likod ko.

Ginawa niyang patungan, akala niya ata sandalan ang likod. Nakakangalay din kaya kapag matagal na nakapatong ang kamay sa likod tapos lahat ng bigat niya nilalagay niya sa likod ko.

"Dalawa!" Tumaas na ang boses ko. Pati kasi mukha niya at sinisiksik niya sa likod ko, mukha ba 'kong unan para ibaon mo 'yang mukha mo ha?

"Ayaw! Ang bango mo!" Parang batang sabi niya, sininghot-singhot pa ang damit ko sa likod.

"Tatlo!" Pagkatapos no'n binitawan ko ang hawak kong kutsara, hinila ang buhok niya para maiharap sa 'kin. Inipit ko ang leeg niya gamit ang isang braso ko.

"A-aray!" Daing niya. Pumapalag pa. Ilang beses niyang hinampas ang braso ko.

"Ke bigat-bigat ng kamay mo, tapos ayaw mo tanggalin, ayan magdusa ka." Sabi ko tsaka sumubo ng pagkain habang hawak ko siya.

"S-sorry na... hahaha... a-aray!" Sigaw niya nang mas diinan ko ang pagkakaipit ko sa kaniya.

Bahala kang masakal d'yan!

"Masakit ba?" Tanong ko.

"O-oo!" Sagot niya.

Sumubo pa muna ako ulit bago ko siya paulanan ng sunod-sunod na kaltok at kutos. Panay ang pag-aray niya.

"Hahahaha!" Pagtawa nung apat.

"Mukha ka ng kamatis na malapit mapisa, Kenji!" Pang-aasar ni Hanna.

Pulang-pula kasi ang mukha niya, pati ang tenga niya namumula na rin. Para nga siyang mapipisa dahil dumuduwal na ang mga mata niya, lumaki pa ang butas ng ilong niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now