"Tuturuan mo ba 'ko?"
"Basta ba ilibre mo 'ko mamayang lunch."
Ay, may kapalit pala.
Nagdalawang isip pa 'ko pero kalaunan ay tumango rin ako.
"Anong kapampangan ng ‘ang panget mo’?" Tanong ko. Humarap pa 'ko sa kaniya, gano'n din ang ginawa niya magkaharap kaming dalawa.
"Katsura mo." Sagot niya tsaka tumango.
Ano raw? Katsumago? Japanese yata yun eh.
"Ulitin mo nga." Inis na sabi ko.
"Kat-su-ra mo." Pagdidiin niya.
"Katsura mo?"
"Oo, yun! Katsura mo, ang panget mo." Aniya tsaka sumenyas sa ere.
Katsura mo. Okay. May isa na 'kong alam ba word.
"Eh yung ‘mamaya na lang’?"
"Pota na."
Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "Minumura mo ba 'ko?" Pang aakusa ko.
Pota raw eh.
"Hindi." Aniya tsaka tumawa. "Pota na, means mamaya na lang. Pota - mamaya."
"Ah, akala ko, minumura mo 'ko eh."
Handa na sana yung pangganti ko. Potangina mo rin.
Katsura mo, ang pangit mo. Pota na, mamaya na lang. Myghadness! May alam na 'kong mga kapampangan words!
Achievement 'to uy!
"Eh yung ‘ang ingay mo’?"
"Tinutukoy mo ba ang sarili mo?" Biro niya kaya hinampas ko siya. Napalakas ata yon kaya na-aw siya. Aso lang?
"Ano nga?"
"Kasigla mo." Sabi niya.
Kasigla? Hindi ba masigla yon? Kapag hindi siya matamlay, nasigla siya. Pinagloloko ata ako netong lalaking 'to eh.
"Kasigla mo." Tumango ako.
"Kung sasabihin mo yan sa sarili mo, sabihin mo ‘kasigla ko’." Natatawang sabi niya.
Sige tawa pa. Tanggalin ko ang esophagus mo d'yan. Nawawala naman ang mata niya kapag tumatawa.
"Ano naman ang kapampangan ng ‘ang takaw mo’?"
"Bakit lagi mong tinutukoy ang sarili mo?"
"Sapak, gusto mo?" Inambahan ko siya.
"No. Ang takaw mo. Kapampangan nun ay ‘katako mo’."
Tumango naman ako. May word na 'kong alam na pwedeng sabihin kay Kenji kapag inuubos niya ang pagkain ko. Atleast kapag sinabi ko sa kaniya ang ‘ang takaw mo’ sa kapampangan, hindi niya maiintindihan.
Bwahahaha. *evil laugh.*
"Magtanong ka pa." Parang naiinip na sabi niya.
Nag-isip pa muna ako. Kailangan yung mahirap na word para mas magandang gamitin sa iba.
"Anong kapampangan ng ‘ang bigat mo’?"
"Kabayat mo."
"Mas mabayat ka." Ganti ko.
Naks! Ang galing ko naman. Nakakapagmemorize na 'ko ng simpleng mga words. Proud talaga ako sa sarili ko.
"Anong kapampangan ng ‘ang ganda mo’?"
"Aba malay ko, ikaw ang kapampangan sa 'ting dalawa, bakit mo sa 'kin itatanong." Sagot ko.
Itanong ba raw kung anong kapampangan ng ang ganda mo. Kaya nga ako nagpapaturo para matuto ako, tapos ngayon siya naman ang magtatanong.
"Tss. Kalagu mo." Sinserong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Parang nag-init naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ako ba ang sinasabihan niya? Ang akala ko naman itinranslate niya lang, bakit may pagano'n?
"Don't blush." Bawi niya. "Kapampangan 'yon ng tinatanong ko." Sabi niya.
Akala ko ako na ang sinasabihan eh! Hindi man lang marunong magsinungaling, agad na binawi.
Ilang salita na ba ang natutunan ko?
Ang panget mo - katsura mo.
Mamaya na lang - pota na.
Ang ingay mo - kasigla mo.
Katako mo - ang takaw mo.
Ang bigat mo - kabayat mo.
Ang ganda mo - kalagu mo.
"Ano naman yung 'Jo'?" Lagi ko kasing naririnig yon sa iba.
"Endearment. It's a kapampangan endearment." Sagot niya.
Kaya pala puro magjowa ang natatawagan ng ganon. Maghihiwalay din kayo, huwag niyo ng gandahan ang tawagan niyo. Kahit mura na lang ang endearment, pwede na yon.
Ayun! May pumasok na salita sa utak kong natutulog.
"Anong kapampangan ng ‘mahal kita’?"
"Mahal din kita."
"Ha?!" Takang tanong ko.
Nakakabigla naman kasi ang pagsagot niya. Ang bilis. Isang tanong, isang sagot gano'n ba yun?
Muling nagflashback sa utak ko ang sinabi niya.
Mahal din kita...
Mahal din kita...
Mahal din kita...
"Huwag kang mag imagine d'yan, biro lang yun." Bawi niya tsaka tumawa.
Buti naman.
"So ano nga ang kapampangan no'n?"
"Kaluguran daka." Seryosong sagot niya.
Bakit parang iba... bakit parang iba pa ang pananalita mo? Bakit parang hindi na 'to ang translation lang? Bakit parang may ibang laman ang sinabi mo?
Erase!
*****
(A/N: Don't forget to vote, comment and share! 😚 )
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 70
Start from the beginning
