Kanina mosh tapos ngayon love. Iba-iba ang call sign? O iba-iba ang babae?
Napalingon ako sa katabi ko, nakadukmo na rin siya ngayon. Mukhang inaantok din. Pero hindi siya nakapikit. Nakatabingi ang ulo niya tsaka deretsong nakatingin sa 'kin.
Okay, dumukmo ulit ako. Medyo malamig ngayon dahil umaaga pa lang. *HIKAAAAB!* *YAAAWWWNN*
Hindi pa 'ko nakakadukmo, nakaamba pa lang ako eh! Ang kaso tumunog ulit ang cellphone ni Jharylle. Ang lakas pa naman ng ringtone niya.
Tinignan ko siya at pinaninkitan. Tatawa-tawa pa ang gago habang nakatingin sa 'kin. Nung magring ulit 'yon ay nagpeace sign siya sa 'kin.
"Yes, babe?" Malanding saad niya, may pakagat labi pa amputa. "Good morning... nakatulog ka ba ng maayos? Yeah sure... see you tommorow... one aggressive night." Ngumisi siya, parang may naisip na nakakaloko.
Hinintay kong matapos ang tawag bago ako magsalita. Nanggagatal ang mga palad ko.
"Halika dito." Sumenyas ako kay Jharylle.
"Bakit?" Tanong niya.
"Basta. Lapit ka dito." Mas madiing utos ko.
Sa una ay nagtaas siya pero lumapit naman siya. Nung makalapit ang ulo niya sa 'kin, isang malakas na kutos ang binigay ko sa kaniya.
Istorbo ka!
"Aray!" Daing niya tsaka umatras. "Para sa'n yun?"
Ang lakas ng ringtone mo, gago!
Gusto kong isigaw sa kaniya 'yon pero hindi ko itinuloy, pwede na yung isang malakasang kutos.
Tinapik ko ang balikat ni Adriel. Nakapikit na pala siya. Buti pa siya nagawang maidlip kahit maingay 'tong isa.
"Bakit?" Tanong niya tsaka umayos ng upo. Inayos niya pa ang uniform niya.
Himala, complete uniform ang suot niya. Dati kulang-kulang eh. Mas bagay talaga sa kaniya kapag kumpleto ang suot, hindi siya mukhang tambay sa kanto.
"‘Wag ka ng natulog, hindi ka naman makakaidlip dito." Sabi ko.
"Hindi talaga, ang lakas ng boses mo ih." Aniya.
"Uy! Hindi ako ang malakas ang boses ah." Depensa ko. "Siya!" Turo ko kay Jharylle. "Siya ang sisihin mo."
Umiling lang siya at ngumiti. Kinuha niya ang isang libro sa bag niya. Nasa likod niya lang kasi ang bag niya. Hindi yata siya dumeretso sa pwesto niya.
"Mahilig ka pala sa pocket book?" Tanong ko.
"Tss. Hindi naman 'to pocket book eh." Napakamot siya sa ulo. "Sci-fi 'to." Pinakita niya sa 'kin ang libro niya. Oo nga, science fiction nga yun.
Ngumuso ako. Wala akong magawa dahil wala naman akong libro. Wala pa kasi si Eiya kaya wala akong mahiraman. Bakit nga ba, wala pa yun? Dati mas nauuna pa siya sa 'kin.
Mukhang nakatunog naman 'tong isa kaya ibinalik na lang niya ang libro sa bag niya tsaka tumingin sa 'kin.
"Turuan mo nga akong magkapampangan." Sabi ko.
Namamangha kasi ako sa salita nila. Parang ang lalim ng kahulugan niya. Ang gaganda ng mga salita. Para naman hindi lang tagalog ang alam kong lenggwahe.
Parang ang gandang pakinggan kapag nagsasalita ang mga kapampangan. Yung tipong sa sobrang ganda kaya hindi mo na maintindihan.
"Sige. Ano bang gusto mong malaman?" He asked.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 70
Magsimula sa umpisa
