"Huy!" Napatingin ako kay Adriel nang bigla niya akong alugin. Natatawa pa ang gago.
Isa ka pa eh!
Siya ang nakakita kahapon sa 'min. Hindi man lang ako inalalayan. Pinanood niya pa 'ko kung paano ko gantiha si Kayden, tapos tinatawanan pa ang kaibigan.
Iniwan nila akong makatutunga dun sa lugar na yun. Ika-ika ngang lumakad ang demonyong kulapo, hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya, hindi ko naman sinipa ang paa niya, hindi naman din siya natapilok.
"Bakit?" Tanong ko matapos ang isang mahabang oras ng imagination.
Pengeng krimstik, para imagination mo ang limit.
Ay, tama ba?
"Bakit mo naman sinasabunutan yang ulo mo?" Natatawang tanong niya.
Napansin ko lang na nasa ulo ko na pala ang dalawang kamay ko at sinasabunutan ang sarili ko. Kaya pala ang hapdi ng anit ko.
"Wala, wala... hehe oo, wala!" Pinanlakihan ko siya ng butas ng ilong. Pati mata ko ay pinalaki ko na para maniwala siya. Humalakhak naman siya.
Ano na author? Pagtawa lang ba ang role netong lalaking 'to?
(A/N: Gusto mo bang mawala na siya?)
Joke lang.
"Mukha kang baliw sa ginagawa mo!" Sabi niya.
Ngumiwi naman ako sa kaniya. "Alam, Adi.. gawin ko kayang adidas yang mga paa mo?" Banta ko habang nakatingin sa paa niya.
Wow, long legged.
Itinago niya ang mga paa niya sa ilalim ng upuan. "‘Wag mong pagdiskitahan ang mga binti ko."
Porke mahaba ang biyas, confident talaga 'no. Lumpuhin kaya kita? Ay wag na, sayang naman, wala ng maghahatid sa 'kin kapag nasira ang bike ko.
Nag-unat unat ako tsaka humikab, napuyat kasi kakabasa. Hindi ako makatulog dahil bawat pagpikit ko, nakikita ko ang demonyong kulapo.
Ayoko na ngang! Isipin yun! Ang sakit sa utak.
*Sniff*
Suminghot ako dahil pakiramdam ko ay may sipon na tumutulo sa ilong ko. Nagluluha na rin ang mga mata ko dahil ilang beses na akong humikab.
7:00 A.M pa lang, 8:30 pa lang ang klase namin. Pwede pa 'kong matulog, habang tahimik ang lugar.
Bakit ba wala pa ang iba? Ano, late sila ngayon? Ang aga ko yata talagang pumasok. Excited much. Ako nga lang mag isa dito kanina eh. Hinintay ko pa muna si Kayden dahil siya ang may hawak sa susi.
Luminga-linga ako sa paligid. Clear. Walang maingay. Hintayin ko muna ang mga kuliglig para magkaingay. Idlip muna ako saglit. *YAWWWWNNNN!*
Dumukmo ako sa lamesa at pumikit.
3 seconds.
3 seconds lang akong nakapikit dahil biglang may nag ingay.
"Oo, mosh! Hindi! Wala akong kasamang babae. Oo... nandito na 'ko sa room... wala nga akong babae, love este mosh." Nag angat ako ng ulo, nakita ko si Jharylle na papasok ng room, gusot-gusot ang suot, hindi pa nakaayos ang buhok niya. May kausap siya sa phone. Binaba niya 'yon nung makaupo siya sa pwesto niya.
Dumukmo ulit ako. Sumasara talaga ang mga talukap ng mga mata ko. Pagkapikit ng mata ko, nag ring naman ulit ang phone niya.
"Hello, love.. oo.. yeah.. good morning din.. kita tayo mamaya... oo.. sige... I love you.."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 70
Start from the beginning
