"Nakalimutan ko na eh." Napakamot pa siya sa ulo niya.
"Ibig sabihin no'n, you don't know me." Sarkastikong sabi ko.
Kilala raw ako tapos hindi alam ang pangalan ko. May gano'n ba? Nasabihang college na pero pangalan lang hindi pa mamemorize.
"H-helena?!" Tanong niya.
"Gago, sinong Helena naman?"
"You're name is Helena, right?" Kinindatan pa 'ko ng loko.
Hindi ko siya sinagot, nilagpasan ko lang siya at nanguna ng naglakad. Malapit na 'ko sa gate oh, natigil pa dahil sa bwisit na lalaking 'yun.
Naramdaman ko ang pagsunod niya sa 'kin. Wait! Huwag niyang sabihing dito rin siya nakatira? Dito sa subdivision na 'to?!
Nang makalabas ako ng subdivision ay nagpara ako ng tricycle, gano'n din ang ginawa niya. Gaya-gaya ampota.
"Dalawa ba?" Tanong ng driver na huminto sa harap namin.
"Pwede naman po, basta ba sa gulong ang isa." Sagot ko, puno na kasi ang tricycle niya. Iisa na lang ang pwedeng sumakay, sa likod pa.
Mukhang nainis ang driver kaya iniwan kami, kahit isa sa sa 'min wala siyang isinakay.
"Ayun ang susunod na tricycle." Pagngunguso niya. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita hanggang makalapit sa 'min ang driver.
Buti na lang ay walang sakay na iba si manong drayber kaya nakasakay kaming pareho. Siya sa likod, solo ko ang loob.
Nang makarating kami sa campus ay agad akong tumalon. Hindi pa nga nakakahinto ang sinasakyan ko ay bumaba na 'ko. Kailangan kong makita yung bike ko, baka wala na yun sa parking lot.
Nagbayad na lang ako, hindi ko na pinansin ang isa pang nakasakay. Tumakbo agad ako papuntang parking lot, sa lugar kung saan nakaparada ang bisekleta ko.
Good thing nando'n pa naman 'yon, kung paano ko iniwan kahapon, gano'n din ang itsura ngayon. Nakahinga ako ng maluwang. Sino ba naman kasi ang magkakainteres sa bike ko eh ang gaganda ng mga sasakyan dito.
Pumasok na lang ako sa loob ng campus. As usual maraming nagkalat na estudyante, ang iba nga ay masama ang tingin sa 'kin. Tusukin ko mga mata niyo!
Naalala ko ang yung kapon, sino kaya yung lalaking 'yun? Imbis na ako ang magalit kay Madison siya pa ang nainis. Hindi ko naman siya kilala para ipagtanggo ako.
Nagkibit balikat na lang ako. Bago pa 'ko makalampas sa main building ay may humila sa braso ko. Oh, shit! Here we go again.
Ayan na na naman ang hila braso effect, tapos mamaya sasabunutan na 'ko o kaya sasampalin. Hindi talaga nagsasawa si Madison a.k.a Queen Bobowyowg sa pagmumukha ko—.
Nanigas ang katawan ko nung maramdaman ko ang isang labing nakalapat sa labi ko. Hindi ako makagalaw!
Shit! Shit! Shit! Shit! Shit! Shit!
Nasa likod kami ng main building. Nakasandal ako sa pader habang ang dalawang kamay niya ay naka magkabilang side ko. Lock! Kahit gusto kong kumawala ay hindi ko magawa, may harang.
Putangina!
Halos magwala ang sistema ko nung makita kong si Kayden 'yon, nakapikit siya. Magulo ang buhok at amoy alak.
Ang puso ko ay kumakawala sa ribcage ko! Kinakabahan ako sa ginagawa niya. Namumuo na rin ang pawis ko.
Gusto ko siyang itulak ko pero hindi ko magawa! Para akong naparalisa, naninigas ang buong katawan ko. Galaw, Heira, galaw!
أنت تقرأ
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
أدب المراهقينPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 69
ابدأ من البداية
