Uwi na kayo Kio. Kailangan ko ng kachicmisan dito. Medyo busy na si mommy ngayon dahil lumalaki na ang negosyo nila. Pakiramdam ko tuloy ako lang ang nakatira sa bahay.

Dumeretso ako sa kusina. Sakto namang naghahanda na si mommy kasama si Aling Soling. May hinanda pa siyang tig- iisang chocolate ice cream na nakalagay sa mangkok. May kanin na parang sinangag pero mas special siya kasi may iba't ibang sahog.

"Mukhang masarap mommy ah!" Papuri ko habang kinukumpas ang kamay ko sa hangin, pinapasok ko ang amoy sa ilong ko.

"Wala namang hindi masarap sa'yo, hija." Sabi ni Aling Soling tsaka mahinang tumawa.

Ang sakit mo magsalita, Aling Soling.

"Ngayon na lang ulit ako nakapagluto, kaya sinarapan ko talaga!" Pagmamayabang ni mommy.

Tinanggal niya ang suot niyang apron tsaka inilugay ang buhok niya. Feeling teenager talaga kung umasta. Mommy, ilang taon ka na 'no!

"Tapos na po? Nagugutom na po ako." Sabi ko at hinimas ang tyan ko.

Totoo naman kasi. Hindi nga ako nakapaglunch ng maayos kanina tapos hindi pa 'ko nakapagmiryenda, kaya ngayon parang kumakalam ang tyan ko.

Tumawa muna si mommy bago magsalita. "Umupo ka na muna, marami tayong pagkukuwentuhan!" Aniya.

Ilang araw o sabihin na nating ilang linggo na kaming hindi nakakakain ng sabay. Hindi na nga kami halos mag usap dahil sa dami ng nangyayari.

Lumalaki at lumalawak ang negosyo nila kaya mas nagiging busy siya. Naiintindihan ko naman 'yon. Nasanay na ang sarili ko ro'n. Minsan nga hindi na kami nagkakaabutan sa bahay. Kung maabutan ko man siya sigurado akong natutulog na siya o kaya naman tutok sa laptop niya.

Naupo naman ako sa pwesto ko. Sinabihan din ni mommy si Aling Soling na sumabay na sa 'min. May chicken pastel at may pork chop na nasa harap ko. Si mommy pa ang naghain sa 'kin ng kung ano-ano pa. Pinagsandok niya rin ako, hindi mawala ang ngiti niya kaya ngumiti na rin ako.

Nung maipagsandok niya na 'ko ay tahimik akong sumubo. Muntik pa 'kong mapapikit dahil sa sarap! Parang hindi ko na alam kung kela ako huling nakakain neto.

Nakita ko ang pag-upo nina mommy at Aling Soling sa harap ko. Naglagay sila ng kani-kanilang mga pagkain sa sariling plato.

Hindi muna ako nagsalita, hindi naman nila ako kinakausap kaya hindi muna ako sasagot sa kanila. Talo-talo muna ngayon dahil gutom ako.

"May tatlong branch na ang restaurant!" Masayang sabi ni mommy.

Ngumiti naman ako. "Naks! Masarap yata ang luto niyo!" Ngumiti ako sa kaniya.

Totoo'ng masaya ako sa bagong achievement niya, sino ba 'ko para hindi maging masaya? Pero hindi ko pa rin maiiwasan na isipin na sigurado akong mas magiging busy siya dahil do'n.

"Syempre! Nanay mo yata 'to." Aniya. "Ang dami ngang customers nung opening nung isang branch, halos mapuno pati ang mga chairs sa labas!" Dagdag niya.

"Patikim naman ako ng nasa menu niyo! Para hindi na po ako dadayo sa restaurant niyo, para makalibre na rin." Sabi ko tsaka tumawa. Tumawa rin sila.

"Sige ba! Basta ubusin mo."

"Ako pa." Sabi ko habang puno pa ang bibig ko ng pagkain.

Isa kasi sa mga nagluluto o sabihin na natin chef si mommy sa restaurant nila ng kasosyo niya. Siya ang may gawa ng ilang recipes sa menu nila.

Sabi niya kasi, dati raw siyang nag-aral ng culinary arts and science pero sa pangatlong taon ay nag-iba siya ng course, business management naman 'yon. Kaya nga hanga ako sa kaniya! Biruin mo, maganda na, magaling ng magluto tapos business woman pa.

Ang swerte ko lang dahil natitikman ko ang mga luto niya ng libre, hindi tulad ng iba na gagastos pa ng ilang daan para lang makakain.

"Teka mommy, tawagan natin si Kio!" Napapatiling sabi ko.

"Wala ba siyang pasok ngayon?" Tanong ni Aling Soling.

Oo nga 'no! Baka alas syete na ng umaga sa kanila. Baka may klase pa nga siya.

"Subukan lang po natin!" Pamimilit ko. "Mommy, pahiram ako ng cellphone!" Sabi ko, nakita ko kasi ang cellphone niya, nakapatong sa lamesa.

Nasa taas kasi ang cellphone ko, hindi ko na dinala dito dahil wala naman akong inaasahang tawag o kaya text. Punta na lang sila dito sa bahay kung importante ang sasabihin nila. Basta ako may pagkain sa plato ko!

Kinuha niya naman ang cellphone niya tsaka inabot sa 'kin. Wala namang password yon kaya nabubuksan ko.

Lumiit ang mata ko dahil tumambad sa 'kin ang mataas nitong brightness. Hininaan ko 'yon at pinindot ang Skype. Kahit gusto kong magbasa ng mga text ay wala akong mababasang kaaya-aya. Puro kasi tungkol sa business ang mga katext niya.

Minsan nagtetext ang mommy ni Eiya, sinasabi niya na pinapatong ni Eiya kung nakauwi na ba ako.

Napangisi ako nung makita kong nakaonline pa si Kio. Pinindot ko ang call button at hinintay na mag ring 'yon.

"Online siya! Sabi sa inyo eh!" Ani ko.

Pinatong ko sa lamesa ang cellphone. Parang may stand kasi ang case no'n kaya pwede mo siyang itayo kahit hindi hinahawakan.

Ilang saglit lang ay sinagot niya na. Tumambad sa 'min ang mukha niyang bagong ligo. Pinupunasan pa niya ang ulo at walang pang itaas na damit.

"Ang pangit ng katawan mo, loko!" Pagbibiro ko sa kaniya.

Pinagtaasan niya naman ako ng isang kilay. Nakita ko siyang umupo sa kama niya tsaka nagsuot ng sando.

["Nahiya naman ako sa coca-cola body mong kulang na lang pang 1.5 na!"] Ganti niya. Malakas naman kaming natawa sa kaniya.

Hindi muna ako nagsalita, kumain na lang muna ako, binigyan ko ng chance si mommy na kausapin si Kio.

"Hi, baby!" Sabi niya, kumaway pa.

Ngumiwi naman ako, baby? Baby damulag 'kamo.

["Good morning, mom."] Aniya.

Sumingit naman ako. "Gabi na dito bobo!" Sinabunutan naman ako ng mahina ni mommy kaya napasimangot ako.

Kinuha ko na lang ang chocolate ice cream at sumubo ng malaki ro'n. Rocky road yata ang flavor niya kasi may mga mani at marshmallows na malilit. Napahawak ako sa ulo ko, sumakit kasi yon dahil sa lamig.

["Ayan, matakaw!"] Singhal ng nasa screen.

Pabiro ko siyang inirapan. "Huwag kang uuwi rito, hindi talaga kita tatanggapin!" Sabi ko.

Tumawa naman sila ng malakas. Pinagtutulungan talaga ako netong dalawa'ng ‘to!

["Ikaw pa ang palayasin ko d'yan, kaya enjoyin mo na, kapag umuwi ako sa labas ka matutulog."]Banta niya pero nagmake face lang ako tsaka ko siya binelatan.

"May sasabihin si mommy."

["What's that."]

"May boypren na raw siya."

["What?!"] Natawa ako dahil parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Pinitik naman ni mommy ang noo ko. "Huwag kang maniwala d'yan, may bagong branch na ang resto!" Masayang sabi niya kay Kio.

["Congratulations, mommy! Ipagluto mo 'ko kapag umuwi ako ah!"]

"Thank you! Sige ba, ipagluluto ko kayong dalawa ni Heira."

["Ako lang, mom! Hayaan mo na si Yakiesha, lagi namang kumakain 'yan!"] Sabi niya tsaka tumawa ng malakas.

Simaan ko siya ng tingin at inambahan siya kahit sa screen lang. Tawa ng tawa ang putcha!

["Lumalaki na ang katawan mo! Puro pagkain yata ang nasa ulo mo eh."]

Huwag kang uuwi dito, masasakal kita!

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang