"Wala bang pangalan o sulat man lang sa naunang box?"

"Meron po!"

"A-ano ang n-nakasulat?" Nanggagatal na tanong niya. Nararamdaman ko ang kaba at takot sa kaniya.

Pero bakit?

Wala naman siguro akong dapat ikatakot sa mga reaksyon ngayon ni mommy, hindi ba? Hindi lang nagpakilala sa 'kin ang nagbigay pero nagmagandang loob naman siya kaya wala akong dapat ikakaba gaya ng ginagawa ni mommy.

Umasta akong nag iisip. Hinawakan ko ang baba ko habang nakatingala. Nakacross arm pa 'ko. Inaalala ko kasi ang nabasa kong sulat sa naunang box, naitapon ko na kasi 'yon kahapon kasabay nung box. Nilagay ko lahat sa ref ang mga chocolates.

"I hope you liked it, I know these stuff are you're favorite, Heira Yakiesha. Take care always. Hope I see you soon, yon! Ayun po ang nakasulat." Inaalala ko pa kung meron pa bang ibang nakasulat pero alam kong wala na. "Tapos po may nakalagay na anonymous sa huli." Dagdag ko.

Namemorize ko na yata ang buong nakasulat dahil ilang beses kong binasa 'yon. Hand written 'yon kaya iniisip ko kung kanino bang kamay ang nagsulat non. Pero sa huli ay umiling na lang ako dahil hindi talaga pamilyar 'yon.

"Walang pangalan?"

"Wala po," Sinserong sagot ko.

Wala naman sigurong 'anonymous' na pangalan. Nakapakaunique naman siguro kung merong ganong pangalan.

Tumango siya bago ako talikuran. Hinarap niya ulit ang niluluto niya. Amoy pa lang alam ko ng chicken pastel yun. Hindi talaga nakakalimutan ni mommy ang paborito ko.

Narinig ko ang malakas ng buntong hininga tsaka nagsalita. "Maligo ka na, amoy araw ka." Sabi niya habang natatawa.

Binigyan ko siya ng nandidiring itsura kahit pa hindi niya ko nakikita. Inamoy ko ang sarili ko, mas nandiri ang mukha ko dahil amoy araw nga ako. Asim.

Umakyat ulit ako sa kwarto, mahigpit ang hawak ko sa hawakan ng hagdan baka mahulog ako ulit, siguradong pabaligtad na, una ulo.

Saglit akong tumingin sa dress bago kinuha ang twalya tsaka pumasok sa banyo. Naligo ako at nagsipilyo. Talagang pinakahilod ko, sayang ang puti ko.

Nagsuot lang ako ng panjama at t-shirt na malaki, pang tulog lang. Nagsuklay ako saglit bago lapitan ang dress.

Dahan-dahan kong hinawakan 'yon. Parang haplos ang ginawa ko, baka kasi matagtag ang mga sequins, sayang naman ang design niya. Ang kikinang ng mga diamonds na nakadikit do'n, kahit pa fake lang 'yon sobrang kintab.

Pulido ang pagkakatahi no'n tapos may nakaburdang letter H at Y. Parang pinasadya talaga siya.

Ngayon lang ako nakakita at nakahawak ng gan'to kagandang damit. Lagi kasi akong nakapantalon o kaya shorts, hindi rin naman ako mahilig sa party. Kung may kasama lang sana ako, baka pwede pa.

Sinara ko ang box tsaka ipinatong 'yon sa maliit na study table ko sa gilid ng kama. Mas mabuti pang dito muna 'to, parang wala nga akong balak gamitin 'yon.

Bumaba ulit ako. Ngayon ko lang talaga nadama ang katahimikan ng bahay. Parang walang buhay kahit may nakatira. Parang walang kulay kahit kami ang mga krayola. Ang tahimik hanggat hindi kami nagsasalita.

Hindi gaya ng dati naming bahay. Kahit pa medyo luma 'yon masaya at maingay naman ang mga nakatira ro'n. Nakakamiss din pala.

Kung pwede lang ibalik ang oras ginawa ko na. Babalik ako sa oras kung saan buo pa kami. Masaya pa kami... magkakasama pa kami.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now