Nag appear-an pa sila dahil success ang plano nila. Proud pa talaga silang nakagawa sila ng paraan para lusutan ang guard. Gago lang.

Naglakad lang kami saglit nawala na agad yung tatlo sa paningin ko. Wala si Kenji, Vance at Xavier. Sa'n na ang mga 'yun?

Akala ko didiretso kami sa nilalakaran namin. Pero bigla silang huminto sa tapat ng elevator. Hinila ni Eiya ang braso ko at nagsalita.

"Dito ka lang, takot ako sa mga elevator sa hospital baka may multo."

Natawa ako ng malakas sa sinabi niya. May multo ba raw eh ang liwanag tapos ang dami pa namin dito.

Nakita ko yung tatlo na pinaglalaruan ang wheelchair. Nakasakay si Vance tapos nakakandong sa kaniya si Kenji habang si Xavier ang tagatulak nila.

Natampal ko na lang ang sarili kong noo nung makita ko ang isang pilay na may saklay na nakaturo sa kanila habang nakahawak sa pader. Hindi siya makapagsalita dahil may benda ang buong mukha niya.

"Weeeeeh!" Sigaw pa ni Kenji habang papalapit sa 'min, nakataas pa ang dalawang kamay niya sa ere.

"Hoy! Gago! Baba, kanino niyo na na naman ninakaw 'yan?" Tanong ni Alexis.

Nasa tapat kami lahat ng elevator, hinihintau namin na bumukas ang pinto no'n. Ang tagal naman kasi neto.

Hindi ito ang hospital na pinagdalhan sa 'kin dati nung mahimatay ako. Medyo may kalayuan 'to kaysa sa naunang hospital. Malaki naman 'to, mga nasa apat na palapag siya, tapos malawak, maraming doctor at nurse ang nagkalat.

Malinis ang buong lugar, wala ka ngang makikitang alikabok. Tapos pati yung sa labas ng room ay may aircon. Bale air-conditioned ang buong hospital. Magkano kaya ang kuryente nila buwan-buwan? Ang laki yata.

"Ang harsh mo naman!" Sagot ni Vance kay Alexis.

"Hindi namin 'to ninakaw!" Singhal naman netong bata, kumibot-kibot pa ang bewang. Para siyang bulateng inasinan o kaya naman manok na nagchichicken dance.

"Hiniram kaya namin!" Sagot naman ni Xavier.

Tumikhim si Aiden. "Kanino naman?" Tanong niya.

"Do'n sa lalaking yun." Ako na ang sumagot. Itinuro ko ang lalaking hirap na hirap sa paglakad.

Narinig ko naman agad ang panenermon at panimigaw ng iba sa kanila.

"Gago kayo pilay na 'yon."

"Lasag na nga yata ang katawan no'n tapos kinuhanan niyo pa ng wheelchair."

"Baka hindi na makalabas ng hospital 'yon mga ulowl kayo."

"Hindi na nga yata makapaglakad king ina niyo."

"Sira ulo ba kayo?"

Sabay-sabay nilang sabi kaya napatakip na lang ako ng tenga. Puro mura lang ang nasabi nila sa tatlo.

Tumunog ang bell ng elevator. Pero dahil marami kami hindi kami nagkasya buti na lang at dalawa ang elevator dito, magkatabi pa. Sa isang elevator kami sumakay kung saan sumakay si Alexis. Malay ko ba kung anong floor ang kwarto ng mama niya.

Nang makarating kami sa 3rd floor ay sumunod na lang kami sa pinupuntahan ni Alexis. Kasabay ko pa 'tong tatlong abnoy na nakawheelchair.

Naalala ko lang na wala pala kaming dala kahit prutas man lang, sa lahat ng bumibisita sa hospital kami ang walang dala.

Pumasok kami sa room 185 kung saan apat na tao ang nakaadmit. Nasa unang hospital bed ang mama niya.

Nahiya ako nung makitang halos mapuno ang buong room dahil sa dami namin, ni isa sa 'min ay walang dalang pagkain para sa pasyente. Pinagtitinginan tuloy kami ng iba dahil sa kaingayan nila.

"Kamusta po?" Magiliw na tanong ni Trina.

"Heto, nakaratay at nanghihina." Nakangiting sagot ng mama ni Alexis pero ramdam mo ang lungkot sa kaniya.

"Pasensiya na po, wala kaming dala." Sabat naman ni Alzhane.

"Nako, ayos lang iyon, mabuti nga't nakarating kayo."

"Sana po bumuti na po ang pakiramdam niyo." Sabi ko at ngumiti.

"Sana nga, nakakahiya naman kung lagi niyo kaming tutulungan."

"Wala po 'yon ayos lang po 'yon."

"Sana nga ma, nakakasawa sa paningin ang pagmumukha nila." Ani Alexis tsaka tumawa ng malakas.

Sumama naman ang mukha ng iba.

"Ayaw mo na ba kaming makita?"

"Ang harsh mo!"

"Masama ang tabas ng dila mo 'dre."

"Ipalunok ko kaya sayo lahat ng tray na binuhat ko?"

"Isaksak ko lahat ng stick sa barbecue-han!"

Mas lumakas ang tawanan namin dahil sa kanila. Pati ang ibang mga pasyente ay nakitawa na rin. Parang clown kami dito ah. O kaya jollibee, bida ang saya.

"Salamat pala at nakabisita kayo." Maya-maya'y sabi ng mama ni Alexis.

"Ayos lang po 'yon, Auntie!" Hataw na hataw talaga si Kenji nung sabihin niya 'yon.

"Galing ka rin ba rito sa hospital," tanong niya kay Kenji, umiling naman ang hapon. "Eh, bakit ka nakawheelchair?"

"Tinatamad po akong maglakad, ang lawak po ng hospital."

Napailing na lang ako dahil sa sagot niya. Nagkwentuhan pa muna kami, nagpasalamat sa 'kin ang mama niya dahil kung hindi raw sa 'kin ay walang makakatulong sa karinderya nila. Sinabi ko lang na wala lang 'yon. Ngumiti naman siya.

6:30 P.M nung magpaalam kami. Bawal daw kasi kaming magtagal dahil masyado kaming marami sa loob, nakakabulabog na rin daw ang boses nila kasi hanggang sa labas ay rinig nila.

At isa pa, alas syete na akong pinapauwi ni mommy, ewan ko ba do'n, iba-iba ang desisyon. Nung una sabi niya alas otso tapos nagtext siya kanina na alas syete naman daw. Excited yata siyang makita ako eh.

Hinatid ako pauwi ni Xavier gaya ng ginagawa niya noong makaraang araw.

"Salamat." Sabi ko.

"Una na 'ko!" Sabi niya.

Kumaway ako sa kaniya at sinabing, "ingat ka."

Nung makapasok ako sa gate ay do'n ko lang naaalala yung bike ko, naiwan na na naman sa parking lot. Wala na na naman ako netong sasakyan bukas.

"Mommy, nandito na po ako!" Sigaw ko habang tinatanggal ang mga sapatos ko.

"Magbihis ka na muna! Tapos kakain na tayo pagkababa mo!" Sigaw niya mula sa kusina.

Sumunod naman ako sa kaniya. Umakyat ako sa kwarto, binuksan ko ang ilaw at do'n ko napansin ang isang kahon na kulay puti.

Lumapit ako do'n tsaka binuksan 'yon. Araw-araw na lang yata akong may natatanggap na regalo ah. Hindi ko naman birthday, hindi rin naman pasko. Walang okasyon. Kanino naman kaya 'to galing.

Namangha talaga ako nung makita kong isang dress na kulay black 'yon. May nagkikintabang mga sequins at may parang may mga bato at dyamante. Kumikinang 'yon. Nakakatakot hawakan, mukhang mahal, baka masira. Wala akong pambayad.

May nakita akong note sa loob ng kahon kaya binasa ko 'yon.

"I know this dress is beautiful and you're beautiful so it's suitable for you. Wear it to your acquittance party. Let your character change outfits."

- Anonymous

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now