Natakpan ko naman ang ibaba ko gamit ang bag ko. Ang sa 'kit no'n!
From: Momiyuuuh
Gu2pitn qta!
(Gugupitan kita!)
Napahawak naman ako sa buhok ko. Huwag! Ang haba na ng shining shimmering splendid na buhok ko tapos gugupitan mo.
From: Momiyuuuh
Yng mga chocolates mo s ref ipmi2gy q!
(Yung mga chocolates mo sa ref ipamimigay ko!)
Do'n na 'ko nagreply, mas natakot ako sa huling banta niya, baka totohanin niya. Parang hindi ako anak kung gan'yanin niya ko!
To: Momiyuuuh
Uuwi na po!
Nakatakot pala magbanta si mommy pati pagkain ko idadamay, kalbuhin mo na si Kio't lahat-lahat huwag mo lang pamigay ang pagkain ko! Manghihina ako!
From: Momiyuuuh
Good. 😉
From: Momiyuuuh
Nue gawa m sa hosp?
(Ano gawa mo sa hospital?)
Ang dami naman yata niyang pangtext, ang dami niya atang load. Daig niya pa 'ko, ako sampong piso na lang yata ang balance para pangtext.
To: Momiyuuuh
Magnanakaw ng strings.
Ay mali!
To: Momiyuuuh
Syringes pala!
Pangloloko ko sa kaniya. Itatanong pa kung anong gagawin sa hospital, malamang may bibisitahin. Tuntanda na talaga si mommy oh.
From: Momiyuuuh
Itu2rok q syo lht 😊😊😊😊
(Ituturok ko sayo lahat.)
Grabe naman!
To: Momiyuuuh
Puntahan po namin yung mama ni
Alexis (^.^)
From: Momiyuuuh
Ge. Ingats.
Do'n na natapos ang usapan namin. Hindi ko na siya nireplyan, baka bantaan niya na na naman ako. Lumalala na talaga si mommy, nasobrahan na yata siya sa amoy ng restaurant.
Sa hospital kami dumeretso. Nakaramdam ako ng tao sa likod ko kaya nakita ko si Eiya at si Kenji na nakadungaw sa cellphone ko. Mukhang binabasa ang pinag uusapan namin ni mommy.
Pinagtaasan ko sila ng kilay nung hindi pa rin nila ako nililingon, nakatutok pa rin sila sa cellphone kahit pa nakapatay na 'yon. Dahan-dahan silang lumingon sa 'kin at nagpeace sign.
Pagdating sa hospital, nagpauna ng lumabas yung dalawa. Hindi pa nga yata maayos na nakaparada ang sasakyan tumalon na sila. Hinintay ko muna si Xavier na makaparada tsaka kami sabay na lumapit sa mga kasama namin.
"Sa room 185 tayo." Sabi ni Alexis.
Pinipigilan pa nila ang tawa nila dahil may ginawa silang kalokohan. Bawal pala ang 15 years old below dito sa hospital. Muntik pa ngang humagulgol si Kenji dahil hindi siya pinayagan ng guard.
Ang ginawa nila ay nagcompressed sila at nilagay nila sa gitna si Kenji, hindi naman siya halata kasi maliit siya. Panay ang bati nila sa guard at sa mga nurses hanggang sa makapasok sila sa hospital.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 67
Start from the beginning
