Napakamot siya ng ulo tsaka sumimangot. "Tch! Basta libre hindi mo makalimutan!" Sabi niya bago ilapag ang hawak na tray.
"Syempre!" Taas noong sabi ko, "pinromise mo 'yon eh! Tuparin mo!" Dagdag ko.
"Wala akong pinromise ‘no! Ulyanin!" Sabi niya at tumawa.
"It is easy to make promises but it's hard to keep it and fulfill it." Biglang sumulpot si Kenji sa harap namin. Nag english pa.
"Anong kadramahan 'yan?" Tanong ni Mavi sa kaniya.
"Nabasa ko lang 'yon, supot."
"Hindi ako supot! Bansot ka!"
Ayan na, nag uumpisa na na naman ang sagupaang hindi makatarungan at walang kwentang palitan ng mga salitang maaaanghang.
"Sa'n mo naman nakuha 'yang sinabi mo?" Tanong ko sa kaniya.
Anong sabi niya ulit? It's easy to make promises tapos? Hindi ko maintindihan ang sinabi niya, ang bilis niya pagsalita tapos nabubulol pa.
Ilang saglit pa bago lumapit sa 'mim. "Tara na?" Bungad niya. Naka bestida siyang may iba't ibang kulay.
"Papa'no po 'tong karinderya niyo, ang dami pa pong kumakain oh." Turo ni Trina sa mga customers.
Lumapit muna silang lahat sa 'min. Itinigil lahat ng kanilang ginagawa.
Ngumiti siya sa 'min. "Nand'yan naman ang mga pamangkin ko, nandito rin ang mga pinsan ni Alexis. Sila muna ang bahala." Sabi niya.
"Edi tara na?" Pang aaya ni Vance.
Sumakay kami ulit sa kotse ni Xavier, gano'n rin ang ginawa nina Eiya at Kenji. May dalang sariling sasakyan si Asher tsaka si Adriel. Solo flight naman si Kayden. Ayaw niya yata ang may istorbo sa kaniya.
Pinaandar na nila ang kotse nila kaya sumunod kami. Habang nasa byahe kami naalala ko na na naman ang libre ko kay Vance! Nakatakas na na naman siya! Nagoyo ako do'n ah! Sayang ang isang styro'ng palabok!
Biglang nag-beep ang cellphone ko kaya tiningnan ko 'yon. Nagtext si mommy.
From: Momiyuuuh
Uwi kna ng als syte, my ipkikita aq syo!
(Uwi kana ng alas syete, may ipapakita ako sayo!")
Ilang beses ko pa munang binasa, ang gulo kasi ng typings niya. Parang kahapon ka lang ipinanganak, ma. Ibalik kita sa matres ni lola.
Nagtipa ako ng reply sa kaniya.
To: Momiyuuuh
Ayaw! Punta kami hosp. >.<
Pero kahit na gan'yan ang sagot ko, uuwi pa rin ako sa oras na sinabi niya. Sayang ang chismis niya 'no. May pagkain pa, kailangan kong bumawi baka mangayayat ako.
Nag-beep ulit kaya tingin ulit.
From: Momiyuuuh
Aahtin k kily mo kpg 2log kna
(Aahitin ko kilay mo kapag tulog kana.)
Grabe naman si mommy kung makapagbanda. Napahawak ako sa kilay ko. Wag naman, ma. Ano kayang itsura ko kapag wala akong kilay?
From: Momiyuuuh
Krutin q shingit m!
(Kurutin ko singit mo.)
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 67
Start from the beginning
