"Punta tayo mamaya kay Auntie Alecia!" Pag-aanunsyo ni Kenji.
Wow, auntie.
Sumang-ayon naman ang lahat. Natapos ang klase ng maayos. Hindi pa muna kami pinauwi dahil may sasabihin raw si Sir Almineo.
Nang makapasok ay umupo siya sa upuan niya, pinagsiklop niya ang mga darili niya tsaka ipinatong sa lamesa bago magsalita. Himala dahil nakikinig ang lahat sa kaniya.
"Good afternoon, students." Panimula niya. Bumati rin kami sa kaniya. "This will be the final announcement." Dagdag niya at huminga ng malalim. "Sa Thursday ang inyong acquittance party, kinabukasan no'n ay walang pasok. Sa lunes na ang continuation ng klase." Aniya, napa-yes naman ang lahat. Basta kapag walang pasok ang bibilis nila. "Inaasahan kong pupunta kayo." Do'n natahimik ang lahat.
Nagseryoso ang mga katabi ko, nagtitinginan pa nga sila. Pinapakiramdaman ang bawat isa. Nung tumango ang leader nila ay saka sila sumagot ng..
Napakaseryoso ni Xavier nung magsalita siya. "Sige ba, sir. Basta kami lang ang pupunta, wala ng iba."
Ay gago!
Akala ko naman seryoso ang sagot niya dahil seryoso ang itsura niya tapos isisingit niya ang kalokohan niya. Siraulo ang gago.
"Biro lang sir." Bawi niya nung hindi sumagot si sir sa kaniya.
"Mabuti kung gano'n. So.. I hope that your decision is final na. Bawal ng magdalawang isip. Magsaya naman kayo habang highschool kayo."
Natawa ako ng pilit. Magsaya raw pero pinaglilinis yung iba kapag araw na ng pagsasaya. Tapos kapag normal na araw naman naglilipana ang mga estudyanteng walang magawa sa buhay. Masaya nga, sir. Napakasaya.
Tumayo na agad kami nung umalis sir sir. Nag iingayan na nga ang iba dahil sa sinabi niya.
"Pupunta talaga tayo?"
"Final na raw eh."
"Wag na lang kaya?"
"Bawiin niyo na lang ang sinabi niyo kay sir. Gawa na lang tayo ng sarili nating party!"
"Gago! Nakapagpractice na nga tayo, aatras pa yang bayag mo, tangina mo!"
Hindi ko na mapigilan ang pagtawa ko dahil sa mga pinagsasabi nila. Nagdadalawang isip pa pala sila. Pwede namang pumunta tapos tumakas sa paglilinis.
"Lahat ba tayo pupunta ng hospital?" Nag aalangang tanong ko.
Sigurado kasi akong mag iingay ang mga 'to. Hindi pa naman nila mapigilan ang mga bunganga nila. Baka nga mabulabog pa anh mga nasa morgue.
Gaya ng nangyari dati, baka sakyan nila ang mga wheelchair, o kaya yung hospital bed. Baka nga iswero pa nila ang bawat isa. At sa itsura nila, baka nasa pinto pa lang ay palabasin na agad kami.
"Oo! Gusto raw kayong makita ni mama." Si Alexis ang sumagot.
"Papasukin kaya kayo sa hospital?" Natatawang tanong ko.
"Grabe ka naman! Syempre bibisita tayo, malamang papapasukin tayo." Tinuktok pa ni Xavier ang ulo ko.
"Baka idala kayo sa mental hospital." Singit ni Eiya tsaka tumawa.
"Sige ba, basta kasama ka. Ikaw yung leader namin." Si Vance naman ang tumawa.
Napailing na lang ako. Lumabas kami ng room ng hindi naglilinis. Hindi pa naman makalat, puro alikabok lang naman ang nasa sahig. Kahit araw-araw yata kaming magwalis at magpunas dito kinabukasan maalikabok na na naman. May dala yatang buhangin ang mga paa ng mga 'to eh.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 66
Start from the beginning
