"Say ah." Sabi niya at tinutok sa harap ko ang kutsarang may lamang pagkain. Ngumanga na lang ako at kinain na lang 'yon. Huwag ng choosy!
Nakita kong konti na lang ang pagkain niya, hindi siya mabubusog kung makikihati ako sa kaniya. Lumayo ako sa kaniya at kinalbit si Adriel, nakayuko siya at iniiwas ang paningin sa mga kumakain. I feel you! Nakakagutom sila.
Naalala ko na may pagkain ako sa bag! Pwede na muna 'yon pantawid gutom. Mamaya na lang hapunan ako babawi ng kanin!
Kinuha ko ang bag ko at nilabas do'n ang isang balot ng biscuits at marshmallows. Buti na lang dalawa ang dinadala kong chuchie. Kung hindi ay baka maghati pa kami sa isa.
Umupo ako sa isang upuan sinenyasan ko si Adriel na umupo sa tabi ko. Umupo naman siya. O diba, sunod-sunuran lang. Shinake ko ang isang chuckie at binigay sa kaniya. Gano'n din ang ginawa ko sa isa, para sa 'kin 'yon!
Binuksan ko ang pack ng biscuits at nilagay sa lamesa.
"Eto na muna, hati tayo, kesa naman sa magutom." Sabi ko at kumuha ng isa. Hindi siya gumalaw, nakatingin lang siya sa 'kin. "Mabubusog ka ba sa kakatitig sa 'kin? Walang lason 'yan kaya kumuha ka na." Utos ko.
"Sigurado ka ba? Mukhang sa 'yo pa lang ay kulang na 'yan eh." Usal niya habang nakaturo sa biscuits.
Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. Ikaw na nga ang binibigyan ikaw pa ang nagrereklamo! Nanlait pa ang gago.
"Sikmuraan kaya kita?" Banta ko, tumawa naman siya atsaka kumain.
"Hindi ka naman halatang mahilig sa chocolates 'no?" Tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain. "Tsokolate na kinakain, tsokolate na biscuits, at tsokolate na inumin." Dagdag niya pa.
Ngayon ko lang napansin na chocolate flavored biscuits nga ang kinakain namin. Baka maumay kami neto dahil sa tamis ng mga kinakain namin.
"Yakie, pahingi!" Biglang sumulpot si Kenji sa harap ko.
Mabulunan pa 'ko dahil sa pagkabigla. Umubo-ubo ako ng ilang beses, uminom pa muna ako para matanggal ang bara sa lalamunan ko.
Pinunasan ko ang bibig ko. "Bakit ba, para kang kabuteng bigla na lang sumusulpot ha?!" Inis na sabi ko sa kaniya.
"Nagsosolo kayo, penge!" Aniya at pumalad.
Kinuha ko ang biscuit, niyakap ko 'yon at iniiwas sa makamandag na kamay ni Kenji. Tumawa naman 'tong isa.
"Layo! Kanina ako yung nanghihingi sa inyo! Tsaka nakakain kana eh!" Sabi ko, tinampal ko pa ang kamay niya nung sinubukan niyang abutin ang hawak ko.
"Gutom pa 'ko ih, Yakie naman!" Reklamo niya.
Umiling ako. "Atras! Bili ka ng sa'yo."
"Wala akong pambili! Bigyan mo na lang ako hehehe." Nagpacute pa ang gago.
Hindi naman ako titigilan ng lalaking 'to kung hindi ko siya bibigyan. Baka nga matapos ang oras ng lunch time ay hindi kami matapos sa pagkain.
"Upo ka na lang dito." Turo ko sa isa pang upuan sa tabi ko. Sumunod naman siya.
Nilapag ko ulit ang biscuit, kumain na lang kami hanggang matapos ang oras. Dahil nga tatlo kami ay agad ding naubos ang pagkain namin.
Kahit na nagugutom pa 'ko ay tiniis ko. Wala na 'kong pagkain sa bag. Hindi na rin ako makakabili. Napahawak ako sa ulo ko nang sinubukan kong tumayo para sana itapon ang pinagbalatan namin. Bigla kasing sumakit 'yon.
"You okay?" Inalalayan ako ni Adriel na umupo ulit. Hinawakan niya ang siko ko.
Siya na ang nagtapon sa pinagbalatan. Hinilot-hilot ko ulit ang magkabilang sentido ko. Siguro nga gutom ako kaya nahihilo na 'ko. Hindi talaga mabuti sa 'kin ang nagugutom. Kaya nga lagi akong kumakain eh. Now I know.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 66
Start from the beginning
