"Kumain kayo?" Tanong naman ni Eiya.

Umiling ako, "nasa hagdan kami naghihintay, akala ko naman lalabas kayo." Napasimangot na lang ako sa kanila.

"Nagmamadali ka kasing lumabas kaya hindi mo narinig ang sinabi ni Alzhane."

"Ano yun?" Tanong ko.

May meeting pala sila pero hindi man nila ako sinundan o kaya naman, hindi man lang nila ako tinawag. Ngumuso ako sa kanila.

"Practice. Magpapractice tayo." Sagot ni Vance.

Nagtaka naman ako. "Para sa'n?" Tanong ko.

Wala naman kaming performance task na gagawin para magpractice kami. Kung sa P.E naman, sigurado akong sa court kami magpa—.

"Sabog ka ba?" Tanong ni Alzhane.

Kumunot pa lalo ang noo ko at ngumuso, muntanga ako neto sa itsura ko. Lahat sila ay nakatingin sa 'kin, naghihintay ng sagot.

"Hindi, uy!"

"Hindi pala, baka may amnesia ka na?" Patanong na sabi ni Timber.

"Baka ulyanin." Gatong naman ni Xavier.

"Hintayin niyo, loading pa ang mga brain cells niya." Sabi naman ni Mavi.

Natampal ko na lang ang sarili kong noo dahil sa pinagsasabi nila. Anong nakain ng mga 'to at bakit sila gan'yan? Nakahithit ba kayo?

"Para sa'n ba yung practice?" Tanong ko na.

Baka kasi ako lang ang walang alam dito. Hindi nila ako iniinform!

"Gaga ka 'te! Malamang sa acquittance party!" Malakas na sagot ni Trina.

Tumango naman ako. Oo nga pala, may performance pala bawat section. May practice na pero hindi naman namin alam kung kelan ang mismong date no'n.

"Sinong kakanta?" Bulong sa 'kin ni Adriel.

Ngumisi ako, nakaisip kasi ako ng pwedeng ganti sa pang aasar niya. Alam ko namang papayag siya kapag pinilit na namin.

"Si Adriel ang kakanta, diba?" Tanong ko.

Nakita ko naman ang pagkalaglag ng panga niya, umayos siya ng upo bahang umiiling sa 'kin. Nginitian ko lang siya ng matamis!

"Nice. Magaling yang mag-gitara!"

Mukhang alam din ni Vance ang kalokohan ko dahil ngising-ngisi siya habang nakatingin kay Adriel. Sinamaan naman siya ng tingin ng isa.

"Okay." Sagot niya at kinuha ang gitara kay Trina.

Lumapad naman ang ngiti ko dahil sa pagpayag niya. Sabi na eh! Hinayaan muna namin siyang iistrum ang gitara, hinahanap niya yata ang tamang tono para sa kakantahin niya.

"Nasa'n si Lucas?" Biglang anas niya at ngumisi sa 'kin, pinandilatan ko naman siya, gantihan lang yata ang nagaganap sa pagitan namin.

Pero nahiya rin ako nung marinig ko ang tawa, bungisngisan at pang aasar ng iba habang inuulit-ulit ang pangalan ni Lucas. Nakakabwisit naman!

"Ah, bumili siya ng pagkain NAMIN." Pinakadiinan pa ni Eiya ang sagot niya.

"Bakit niyo inutusan, baka sakalin kayo ni He— ni ako." Pag iiba ng sagot ni Adriel, pinangkitan ko kasi siya ng mata at kinurot sa tagiliran.

"Adi..." Tawag ni Vance, nag angat naman ng tingin ang isa. "Yung feelings by Ollie, alam mo?"

Tumango naman siya, mas nabuhayan ako dahil alam ko rin ang kantang 'yon.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now