"Sige, tawa pa."

"Tara, lunch." Anyaya ko sa kaniya at tumayo. Inalok ko pa ang kamay ko sa kaniya, inabot niya naman 'yon at tumayo. "Libre mo 'ko." Dagdag ko kaya ngumiwi siya.

"No way." Agad na tanggi niya.

"Mabait ka naman diba, tara na."

Ngumiti siya ng nakakaloko. "Crush mo 'ko 'no, bakit inaaya mo 'ko." Pang aasar niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at pinangkitan ko siya ng mata bago nag iwas lang ako ng tingin sa kaniya. Para siyang siraulo sa sinabi niya.

"Kain na tayo." Sabi ko at ngumuso.

Binunggo-bunggo niya ang braso ko gamit ang braso niya.

"Aiiiiieeeeeh!!!" Sabi niya pa. "Crush mo talaga a—."

Hindi ko na siya pinatapos, agad kong hinampas ang braso niya para manahimik na siya. Feeling ko talaga hindi ako titigilan neto. Wala naman siyang mapipigang sagot sa 'kin dahil hindi naman totoo ang sinasabi niya.

"Sinong crush mo, si Lucas?" Biglang usal niya kaya naman natigilan ako. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi kaya yumuko ako ng bahagya.

"Wag ka nga." Inis na sabi ko.

"Lucas ka pala ah..." Aniya pa.

Hinampas ko ulit siya sa braso. Ang lakas pala mang asar ng animal na 'to. Tumawa siya ng malakas at bilang ganti ay hinampas ko ulit siya ng malakas.

"Luc—!" Natakpan ko ang bunganga niya nung bigla siyang sumigaw.

Dahil sa gigil, sinakmal ko ang buhok niya at inalog-alog ang ulo niya ng ilang beses. Nakakagago ang putangina. Hindi ko siya tinigilan hangga't hindi siya nagmumukhang nahihilo. Nung mapagod ako ay ako na mismo ang bumitaw.

"Ang sakit sa anit!" Reklamo niya habang kinakamot ang ulo niya.

"Gago ka kasi!" Inis na sagot ko at nilampasan siya.

Bumalik ulit ako sa room, kanina ko pa kasi sila hinihintay pero ilang minuto na yata ay hindi pa sila lumalabas. Wala yata silang balak kumain. Kung wala silang balak edi sana hindi na 'ko lumbas, hindi ko sana nakita 'tong hinayupak na 'to.

"Akala ko ba kakain tayo?" Biglang sumulpot sa gilid ko si Adriel na inaayos ang buhok niya.

"Wag na, ayaw kitang kasama, bwisit ka!" Inis na sagot ko at pumasok ng room, narinig ko pa ang pagtawa niya kaya mas nainis ako, para akong nagmamartsa habang naglalakad.

Nasa pinto pa lang ako ay nakita ko na ang iba na nakaindian sit sa lapag, nasa gilid lahat ng mga upuan. Nakapabilog sila habang nagkukwentuhan. Naramdaman ko si Adriel sa likod ko.

"Anong mero'n d'yan?" Bulong niya.

Nagkibit balikat ako. "Nagriritwal yata." Bulong ko rin.

"Sali tayo, soul searching."

"Gago ka?"

Soul searching daw pero ang aga, sa tingin niya ba, lalabas ang mga multo sa gan'tong oras ng araw? Dapat gabi. Siraulo!

Hinila niya ang braso ko at dumeretso sa mga kasama namin. Umupo ako sa tabi ni Eiya, tumabi naman sa 'kin ang hinayupak. Natatawa pa nga siya eh pero pinipigilan niya dahil sa masama kong titig sa kaniya.

May hawak na gitara si Trina. "Sa'n kayo galing?" Tanong niya.

"Sa labas." Sagot ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant