Ngayon ko lang napansin na wala si Shikainah, hindi nila siya kasama.

"Jaxon.. makinig ka muna." Pakiusap naman nung iba. "Yang Heira na 'yan ang nanakit sa 'min, gumaganti lang kami!"

"Liar!" Sigaw ni Mavi sa kanila.

"Manahimik kang bansot ka!" Gusto kong matawa dahil sa sinabi niya pero hindi akma sa sitwasyon kung gagawin ko 'yon. "..Lumipat siya ng 23rd section para landiin si Lucas!"

Hindi ako sumagot. Kung makapang akusa siya akala mo naman ay alam niya ang buong kwento. At isa pa, hindi ko nilalandi si Lucas, kung nakikita nila kaming magkasama ay dahil 'yon sa magkakaklase kami. Kitid naman ng utak ng mga 'to. Putangina!

May lumipad na kung anong kahoy sa ere kaya naman napabaling ulit ako kina Asher, patuloy pa rin sila sa pakikipag away sa higit bente yatang mga estudyante rin. Bugbog sarado na ang iba, ang iba naman ay nakatayo pa pero halatang nahihilo na.

Si Kenji naman ay parang may pasa na at may bukol na yata ang noo. Putok na ang labi niya. Gano'n din si Mavi. Wala namang sugat o daplis man lang si Asher at Adriel.

"Bitawan mo nga siya!" Sigaw ni Porpol sa lalaki, hinampas niya pa sa braso.

Pero parang walang narinig ang lalaki. Sumenyas siya kay Asher at tumango. Mukhang alam na ni Asher ang ibig sabihin no'n, sinapak niya pa ng isang beses ang lalaking hawak niya bago ako lapitan at hinila papalayo sa lugar.

Sumunod naman yung tatlo sa 'min. "Sino 'yon?" Tanong ko habang naglalalakad takbo. Ang laki kasi ng mga biyas niya kaya hindi ko masabayan ang mga hakbang niya.

Umiling lang siya at hindi na sumagot. Pumasok kami sa room na hinihingal.

"Oy..." Kalabit ko kay Adriel. Tumingin naman siya sa 'kin. "Sino 'yun?" Tanong ko ulit.

Nag iwas siya ng tingin. "I... I d-dont.. know." Aniya at saka dumeretso sa upuan niya.

Hindi na 'ko nangulit, mukhang totoo namang hindi nila kilala 'yon. Kung magkakilala sila ay sigurado akong tatawagin nung lalaki si Asher sa pangalan niya, hindi senyas, hindi tango.

Hindi ako dumeretso sa pwesto ko, nilapitan ko si Kenji na ngayon ay nakadukmo sa armrest. Mukhang nahihilo. Pinitik ko ang tenga niya. Ngayon kitang kita ko na sa malapitan ang mga sugat niya.

"Buhay ka pa?" Nakangiwing tanong ko, ngumiti siya at nag approved sign lang siya.

Tumayo ako at naghanap ng first aid kit sa kabinet. Nung makahanap ako ay binalikan ko si Kenji. Kumuha ako ng bulak at nilagyan ng alcohol. Agad siyang umatras nung inilapit ko sa sugat niya ang bulak.

Ngumuso siya, "masakit 'yan!" Sabi niya at pilit na inilalayo ang bulak.

"Ipapainom ko sa'yo 'tong alcohol na 'to." Banta ko at pinakita sa kaniya ang isang bote ng alcohol.

Mangiyak-ngiyak siyang tumango sa 'kin. "Aray!" Daing niya dahil siguro sa hapdi.

"Ayan, gago ka! Kapag sa suntukan hindi ka umaaray!" Sermon ko. Nakita ko naman ang pagtulo ng luha niya.

"Masakit kasi." Aniya at suminghot.

Kinaltukan ko siya, "nung pumutok ang labi mo, hindi mo sinabing masakit, kaya huwag kang magreklamo!" Inis na sabi ko.

Pinagpatuloy ko lang ang paglilinis sa mga sugat niya, panay ang pag-iyak at pagsigaw niya kapag dinidiinan ko ang pagdampi ng bulak sa sugat niya. Tumatawa naman ang iba habang tinitignan siya.

Lumapit sa 'min si Trina, "napa'no 'yan?" Natatawang tanong niya habang nakaturo kay Kenji.

Kinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari habang ginagamot ko 'tong isa. Ngumuso ako nung sabihin niyang dapat gumanti man lang ako kay Queen Bobowyowg.

Pati yung pagdating nung lalaking hindi ko kilala at yung pambabaligtad nung mga clown ay ikukwento ko, gusto niya ngang sugurin ang mga 'yon pero pinigilan ko.

"Ang tigas kasi ng ulo mo! Sa sobrang tigas hindi ka na natakot makipagbasagan ng bungo!" Sermon ko ulit kay Kenji nung matapos ko siyang gamutin.

Kumamot siya sa ulo at ngumuso. "Ikaw na nga lang ang tinulungan, rereklamo ka pa." Sabi niya.

Nainis ako, pumunta ako sa likod niya at pinalupot ang isang braso ko sa leeg niya.

"A-ray!"

"Siraulo ka! Ako pa sisihin mo."

"N-nasasakal ako, Yakie."

"Sasakalin talaga kita."

"B-bitaw na, joke l-lang 'yon. H-hindi na mauulit."

"Buti naman." Sabi ko at binitawan siya.

Ilang saglit lang ay nagring na ang bell. Gano'n pa rin naman ang takbo ng klase, mataray at terror na teacher, walang kwentang pagsagot ng mga nasa paligid ko, at ang quiz na hindi ko alam kung sasagutan ko ba o hindi dahil wala akong kaalam-alam.

Habang nasa klase kami ng Chemistry ay may papel na tumama sa ulo ko. Hindi ko na lang pinansin 'yon dahil nagfofocus ako sa klase ni Sir Raquesta. Baka laklakin ako neto kapag hindi ako nakasagot.

Ilang saglit lang ay tumama ulit, do'n na 'ko inis na lumingon, pero lahat ng nasa likod ko ay parang may sariling mundo. May kaniya-kaniya silang ginagawa. Tumingin na lang ulit ako sa harap.

“Thomson's discovery of the electron completely changed the way people viewed atoms. Up until the end of the 19th century, atoms were thought to be tiny solid spheres. In 1903, Thomson proposed a model of the atom consisting of positive and negative charges, present in equal amounts so that an atom would be electrically neutral. He proposed the atom was a sphere, but the positive and negative charges were embedded within it. Thomson's model came to be called the "plum pudding model" or "chocolate chip cookie model".” 'Yon ang narinig ko mula kay sir bago ko maramdaman ang panibagong papel.

Hinigpitan ko ang hawak sa ballpen ko at inis na lumingon sa likod. Nakita kong nakangiti sa 'min si Adriel habang nakapeace sign, pinagtaasan ko siya ng isang kilay at ngumiwi.

May iniabot siyang isang papel, nagtaka pa 'ko nung una, pwede naman kasing magsalita, bakit sa papel pa sasabihin. Uso pa ba ang mga sulat ngayong panahon na 'to?

Sa huli ay kinuha ko rin 'yon at binasa.

“Partner tayo sa acquittance party :)”

                   — Adi.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now