Ngumiti ako sa kanila, pilit na ngiti, "hindi ako gumagawa ng sarili kong linya, dinala niyo 'ko dito kaya magsasalita ako. At isa pa, may dila ako, tanga kayo?!" Hindi ko na mapigilan ang bunganga ko, kapag ako hindi nakapagpigil kakalbuhin ko ang mga kilay ng mga 'to.
"Did you call us tanga?" Nanggigil na tanong nung isang babae'ng clown, nakaturo pa ang daliri niya sa mga kasama niya. "...How dare you to call us—."
"Hindi ko kayo tinawag na tanga, tinatanong ko kayo." Sarkastikong sabi ko.
"Madison, tama na 'yan!" Sigaw ulit ni Asher, ramdam mo talaga yung galit.
Naglakad si Madison papunta sana sa gawi ni Asher, pero nadapa siya. Una ang nguso niya. Hindi ko naman sinasadyang nakabukaka ako at nakaharang ang paa ko, hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya.
"What the hell!" Sigaw sa 'kin ni Porpol. "MADISON!" Tawag niya at lumapit sa kasama niya, tinulungan niyang tumayo.
"How dare you to do this to me!" Sigaw ni Madison habang pinanapagpagan ang suot.
"Hindi ko sinasadya." Sinserong sabi ko.
Malay ko ba kasing pupuntahan niya pala si Asher. Kung alam ko lang sana edi sana ay tumabi ako.
"You don't mean that?! Really?" Galit na sabi niya at lumapit sa 'kin.
Narinig ko ang suntukan ng iba kaya napalingon ako sa kanila. Nandon si Adriel habang sinasapak ang isa, si Asher na hawak sa kwelto ang isang binatilyo, si Kenji at Mavi na parang pinaglalaruan lang yung lalaking sinisipa nila. At si ewan ko kung sino 'yon, basta lalaki rin siya na medyo matangkad at mukhang mas matanda sa 'kin.
Lumapit siya kay Madison at agad na kinuwelyuhan. Mahigpit niyang ginawa 'yon, halos masakal niya na si Madison.
Sino siya?
'Yon ang isang tanong na umiikot sa isip ko ngayon. Hindi na 'ko makagalaw dahil pinapanood ko kung anong gagawin ng lalaki kay Madison.
"Sinasaktan mo si Heira?" Gigil na tanong nung lalaki.
Bakit alam niya ang pangalan ko?
"Hindi... Jaxon." Garalgal na sagot niya.
Nakita ko ang pinanggiliran ng luha si Madison. Mukhang takot sa ginagawa ng lalaki. Hindi ko alam pero naiinis ako sa lalaki dahil para siyang kabuteng sumulpot at bigla na lang nangunguwelyo. Baka magkagulo rito at ako ang madiin.
Habang hawak siya sa kwelyo ng lalaki ay bigla siyang isinandal sa pader. Narinig ko pa ang kalabog ng pagkakasandal niya. Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Madison, hindi ko alam pero naawa ako sa kaniya dahil sa ginawa ng lalaki. Mukhang masakit kasi ang naranasan niya.
"Jaxon!" Tawag ni Violet, ngayon ko lang naalala ang pangalan niya. Sa kaniya naman ako bumaling.
Pilit niyang tinatanggal ang braso ng lalaki sa dami ng babae. "..Maniwala ka, hindi totoo 'yan, yang babaeng yan ang nagsimula." Duro niya sa 'kin.
Napalunok ako nung lingunin ako ng lalaki, napaatras pa 'ko dahil sa sama ng titig niya pero sa hindi ko malamang dahilan ay parang lumambot din 'yon at naawa sa itsura kong mukhang aswang.
"Siya ang nagsimula ng lahat!" Sigaw naman nung isang clown.
Ngayon ko masasabing mga nambabaligtad sila. Hindi ko nga alam kung anong kinagagalit nila sa 'kin. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang panggagalati nila at gan'to nila ako tignan. Para bang may nagawa akong labag sa pagkatao nila.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 64
Start from the beginning
