Lumapit ako kay Kayden na nakapewang lang habang pinapanood ang mga depungol.

"Kuha ka." Utos ko sa kaniya, nakalahad sa kaniya ang isang plastic na nakabukas na.

Umiling lang siya, "okay, sige." Sabi ko, akmang aalis na 'ko ay pinigilan niya ang braso ko.

"Akin na." Anas niya at kumuha.

Bahagya akong napangiti dahil sa kaartehan niya, hindi rin pala siya makakatiis.

"Halina kayo para agad tayong matapos at makauwi na kayo." Tawag ni Lola Nersiles, nasa harap niya ang dalawang kaha ng mga kinita namin.

Teka! Pinapauwi mo na kami, la? Ayaw mo na sa pagmumukha namin?

"Sinong nanalo, la?" Talagang determinado si Vance nung itanong niya iyon.

"Wala pa, eto at bibilangin ko pa lang, ano ba't may deal-deal pa kayong nalalaman, alam ko namang gagawa lang kayo ng kalokohan." Sabi niya habang na kay Kenji ang paningin, malakas kaming natawa nung napakamot batok ang bata.

"Ang gastos ko sa inyo pareho ay isang libo." Panimula niya. "Kung sa ihawan ay dapat nasa tatlo hanggang apat na libo lamang ang sumatotal ng kinita nila." Nagsulat siya sa papel. "Sa fishballan naman ay gano'n din, depende na lamang sa inyo kung bumili kayo ng panibago." Dagdag niya.

Doon nabuhayan ang dibdib ko, parang nagkaroon ako ng kumpyansa na mananalo kami, walang parusa, *BWAHAHAHA*

"Ang kabuuang kinita ng ihawan ay 4,125 pesos." Aniya, "at sa fishballan ay nasa 4,163 pesos lang, ang panalo sa inyo ay ang ihawan." Pagdedeklara ni lola.

Naghiwayan naman ang mga abnoy, kami naman ay nakasimangot na nakatingin sa kanila. Dapat kami ang panalo! Madaya!

"Siya, maiwan ko na muna kayo, papatulugin ko muna si Maren." Paalam ni lola at tumayo.

"La, pakibigay po kay Maren." Pasuyo ko sa chocolates na itinabi ko talaga para sa bata.

"Nako ha, inispoil mo ang aking apo, baka pagkamalan ka niyang nanay niya." Biro niya, ngumiti lang ako.

Tinulungan siya ni Jharylle na buhatin ang mga kaha ng pera, hinintay muna namin silang makaalis bago kami umupo ulit sa mga upuan namin.

"Pa'no ba 'yan, talo kayo?" Nagyayabang na sabi ni Vance, baka bahagya pa siyang nakapalad sa ere.

"Akala ko talaga kami ang matatalo." Sabi naman ni Alzhane.

"Ang gagaling niyo po, mga kuya." Magalang na usal ni Hanna, sumama naman ang mukha nung tatlo dahil sa pagtawag niyang ‘kuya’

"So, what's the deal?" Tanong ni Eiya, parang naiinip na.

"Bawat isa sa inyo ay may deal." Pinanlakihan pa kami ng mata ni Aiden.

"Ano 'yan, 'dre?" Tanong ni Xavier, ay hindi kana talaga makapaghintay?

"Ako ang magbibigay kay Kenji," ani Hanna tsaka tumawa.

"Sa 'kin si Zycheia, I mean... I will be the one to give a deal to Zycheia." Nag iwas ng tingin si Elijah matapos niyang madulas sa sariling salita. Natawa na lang kami sa kaniya.

"Ako ang kay Xavier." Ngumisi si Adriel matapos niyang sabihin 'yon.

Sumabat naman si Alzhane. "Ako ng bahala kay Timber." Taas noong sabi niya.

"Ako ang magbibigay kay Yakie." Tumawa si Vance ng pandemonyo, parang nasasapian ang animal.

"Go lang." Walang pake na sabi ni Xavier, dinamdam niya ata ang pagkatalo niya.

"Zycheia... you are not allowed to be courted with while we are schoolmates." Nanguna na si Elijah, walang makapagsalita dahil sa sobrang seryoso niya.

Bawal daw magpaligaw? Patay ka, Eiya.

"Timber, ikaw ang tagasulat ko ng isang linggo." Sabi naman ni Alzhane. "Ang ganda ng sulat mo, bes."

"Asa ka naman!" Reklamo nung isa.

"Sige, dalawang linggo na lang."

"Yong kanina na lang, badtrip!"

Tumawa naman ang babae dahil nainis niya na si Timber.

"Kenji, hindi kana pwedeng magpalibre kay ate Heira ng dalawang linggo hihi." Anang Hanna naman, gustong umangal ni Kenji pero hindi niya magawa dahil kinurot ko ang kamay niya.

"Yakie naman."

"Talo tayo, wag kang magreklamo."

"Ash...  iwasan mong magkape sa loob ng tatlong araw." Ngising-ngisi pa si Adriel habang inaasar ang kaibigan.

"What?!"

"That's the deal."

King inang deal 'to, kami lang ang gagawa tapos sila hindi, parang parusa lang. Dapat pala hindi na kami pumayag eh!

"Heira Yakiesha Sylvia..." Tawag ni Vance.

Wow, buo.

Sumeryoso siya. "Bawal kang magka-boyfriend habang highschool pa tayo..."

"HA?!"

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now