Kumuha ako ng upuan para sana abutin 'yong bag ko kaso ang animal, mautak din, naglakad ba naman siya habang hawak-hawak ang bag ko, tinawagayway niya pa 'yon, madali lang para sa kaniyang gawin 'yon dahil magaan lang naman ang bag ko.
Parang tanga ampota.
Narinig ko naman ang tawanan ng mga kasama namin. Chinicheer pa talaga nila ang animal na 'to. Ngising-ngisi naman ang gago.
"Nasa'n na nga 'yan!" Inis na sabi ko.
"Asa ka!" Sabi niya.
Hindi ko inaasahan ang susunod na ginawa niya, nung tumalon ako ay hinigit niya bigla ang bewang ko dahilan para magkalapit ang katawan namin. For the nth time, jusme! Para akong kinukuryente!
Grabe ang kalabog ng dibdib ko nung tumitig siya bigla sa mata ko pababa sa ilong, tumigil 'yon sa labi. Napalunok na lang ako ng ilang beses habang tumitingin sa ilong niyang matangos.
"Hoy! Ano na, yung tsokolate, tunaw na!"
"Parang magbebe ang mga punyeta."
"Mauuna pa kayong matunaw kaysa sa chocolate!"
"Tigil-tigilan niyo 'yan, ang pangit niyong tignan!"
"Mas pangit ka raw!"
Sigawan ng mga kasama namin kaya agad na tinulak ko ang katawan niya sa katawan ko. Nakakabwisit naman kasi eh! Bakit may pagano'n pa?
Tumalon ako sa abot ng makakaya ko, success naman 'yon dahil nahablot ko ang bag ko mula sa kamay niya. Binelatan ko sila at nagmake face.
Kung hablutin nila ang bag ko parang snatcher lang. Isa pa yung gagong master na leader na hari na prinsipe na hindi ko alam kung anong tawag sa kaniya, isa siyang animal kung gano'n.
"Yakie, pahingi!" Umiiyak na sabi ni Mavi at lumuhod pa sa paa ko, niyakap niya pa 'yon.
"Ako rin!" Gumaya na rin sa kaniya si Kenji, mukha silang batang yagit sa harap ko, umiiyak ba sila dahil sa chocolate?
"Ayaw!" Pagmamatigas ko, matapos nila akong pagtawanan at pagtripa hihingi sila, asa pa ka—!
"Heira, pahingi na!" Lumuhod na rin sa harapan ko si Timber at Vance. Kunyari pa silang humahagulgol, puro tunog lang naman ang maririnig, walang luha.
"Why are you making them kneel down?" Tanong ni Kayden na ngayon ay nakapoker face na, nawala na ang nakangising mukha niya.
Teka nga! Anong sinasabi niyang pinapaluhod ko sila! Ulowl! Sila ang lumuhod, aba'y lintek, kasalanan ko pa? Sisihin niyo ang bag ko, king ina.
Okay tama na, naparami na ang mura.
Nakakainis naman kasi!
Nakaisip naman ako ng kalokohan, tutal ilang beses niyo na 'kong pinagtripan, time to it's time for vengeance. Bwahaha *evil laugh.*
Dahan-dahan kong binuksan ang bag ko at kinuha ang chocolates na dala ko, sinenyasan ko si Asher na lumapit, ginawa niya naman 'yon.
"Gusto mo?" Tanong ko, agad naman siyang tumango.
Tinanggal ko ang wrapper no'n at hinati sa dalawa. Yung kalahati akin, ang kalahati naman ay kaniya. Madrama kong kinain yong chocolates, para namab silang asong naglalaway, si Kenji nga ay humagulgol na.
"Sarap?" Tanong ko pa kay Asher, tumango naman siya ulit at umalis na.
"Hmm, talap-talap." Sabi ko habang nakatingin sa kanila. Pumikit pa 'ko para mas asarin sila.
Nung maubos ko ay do'n ako naawa na sa kanila. Halos halikan na nila ang paa ko para lang mabigyan ko sila eh. Nilapag ko lahat ng chocolates sa lamesa at hinayaan na sa kanila. Yung isang balot ay nasa bag ko, alam ko namang hindi na 'ko titirhan ng mga 'to.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 63
Start from the beginning
