Umiling na lang ako. "Wala."
"Wala pero hinalikan ka, wow naman." Sarkastikong sabi ni Kenji. "Pwede rin ba kitang halikan." Dagdag niya at ngumuso, pinitik ko nga ang bibig niya.
"Ay, ewan ko ba sa lalaking 'yon." Ani ko, "dapat ikaw ang kiniss no'n eh! Tutal ikaw naman nakaisip no'n!" Inis na sabi ko kay Eiya.
"Eh 'di nasa hospital na ang lalaking 'yon kung ginawa niya 'yon." Si Vance ang sumagot na siyang nagpakunot sa noo ko.
Nakapagtataka lang ha!
"Bakit?" Nanghihinalang tanong ko.
Nginisian niya si Eiya, ang babae naman ay nakayuko at nagpipigil ng ngiti.
"Wala, kalimutan mo na lang." Sagot ni Vance at kumain.
Kinalbit ako ni Kenji at bumulong. "Penge mo 'kong chocolates mamaya." Sabi niya.
Umiling ako, "ayoko nga."
"Kapag nanalo tayo sa deal bibigyan mo 'ko."
"Pa'no kapag hindi?"
"Bibigyan mo pa rin ako."
"Ayon tayo eh, mautak kang nilalang ka!"
"Ehem." Pang aagaw ni Adriel sa atensiyon namin.
Napalingon ako sa kaniya, nakaupo siya sa lamesang katabi ng amin. Seryoso lang ang mukha niya habang tinitignan ako.
"Mamaya na raw bibilangin ang kita, para sa deal..." Aniya at nag iwas ng tingin. Mahina niyang tinatambol ang lamesa gamit ang mga daliri niya.
Kumikibot-kibot ang labi niya, mukhang may gustong sabihin pero ayaw palabasin sa bibig. Hindi ko na lang 'yon pinansin at nagpatuloy na sa pagkain.
"Dito na magkakaalaman!" Sigaw ni Xavier at tumawa ng pandemonyo.
Nagpapahinga na muna kasi kami, tapos na lahat kaming kumain, nasa iisang lamesa na lang kami dahil pinagdikit namin ang dalawa.
Nasa gitna naming lahat si Lola Nersiles, kakauwi niya lang kanina bago mag alas sais, kapalit niya naman si Alexis para magbantay kay Tita Alecia.
"Nasan ang chocolates ko." Sabi ni Kenji, napalakas yata kaya naman tumingin sa 'kin ang mga abnoy.
Nag iwas lang ako ng paningin sa kanila, kunwari ay wala akong narinig. Kung saan-saan na nga lang ako tumingin, ultimo butiki na nasa kisama ay nakita ko, kinain niya nga ang lamok eh.
Nilagay ko sa mata ko ang dalawang mata ko para hindi ko makita ang masasamang tingin nilang ipinukol sa 'kin. Gusto kong sabunutan si Kenji ngayon hanggang makalbo.
Kahit pa puro itim ang nakikita ko ay nararamdaman ko ang paglapit nila. Isang iglap ay nahablot na ng mga animal ang bag ko sa likod ko.
"Hoy! Ibalik niyo 'yan!" Sigaw ko at tumayo.
Nakita kong hawak 'yon ni Kayden at tinataas sa ere, agad naman akong lumapit sa kaniya at tumalon-talon para abutin 'yon.
"Ibaba mo na dali!" Sabi ko, dahil matangkad siya at mahaba ang mga kamay niya ay hindi ko pa rin abot yon kahit anong pagtalon ko.
"Sinong inuto mo?" Aniya at ngumisi.
Hinampas ko siya sa braso, padakol 'yon, parang suntok na 'yon pero ako lang ang nasaktan, tigas ng muscles niya. Tumalon ulit ako at hinila ang kamay niya pababa ang kamay niya pero hindi ko 'yon nagawa.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 63
Magsimula sa umpisa
