Halos humagalpak kami sa tawa dahil halos matatandang babae ang humahalik sa pisngi ni Kenji, aliw naman niyang tinatanggap ang mga 'yon.

Swerte ni Eiya dahil halos batang lalaki ang mga humahalik sa kaniya, panay ang yuko niya para maabot siya ng mga 'yon. Bilang lang sa kamay ang mga kasing edad naming humahalik sa kaniya tapos mamumula.

Hindi na 'ko nagtaka, ang ganda ni Eiya, mabunganga nga lang. Maraming may crush sa kaniya pero hindi niya naman gusto ang mga 'yon, ngayon alam ko na kung sino ang gusto niya.

Naalibadbaran ako sa masamang tingin ni Elijah kay Eiya, halos malukot na ang hawal niyang karton na ginagamit pamaymay, walang emosyon ang mukha niya pero ramdam mo ang inis. Siguro nga kung may hawak siyang stick baka nasaksak niya na sa lalaking katabi niya ngayon, si Vance 'yon na pinagtatawanan siya habang nakatingin din kay Eiya.

"Dito ka muna oh, timpla lang ako ng juice." Sabi ko sabay abot ko kay Xavier sa syanse na hawak ko.

Hindi ko na siya hinahayaang magsalita dahil pumasok na 'ko sa loob. Ngayon ko lang napansin na hindi pala nakalatag ang lamesang ginamit  kahapon pang patong sa mga galon.

Kaya nga napansin ko rin na wala palang juice na tinitinda, kailangan namin ngayon no'n dahil baka makakain ang mga bumibili ng dynamite na may buto, sa 'min na sila bibili ng inumin.

Marketing strategy 101.

Biro lang, siraulo kasi si Kenji eh, akala ko pa naman matino ang kalalabasan ng gagawin niya dahil sineryoso niya ang paggawa ng mga 'yon, hindi naman pala.

Kinuha ko ang dalawang galon at sinalinan ng tubig, naglagay din ako ng dalawang yelo para lumamig 'yon. Tinunaw ko muna sa tasang may mainit na tubig ang choco flavor, hinintay ko munang malusaw 'yon bago ihalo sa tubig. Gano'n rin ang ginawa ko sa melon flavor.

"Ako na." Bulong ng nasa likod ko.

Nagulat pa 'ko nung makita kong si Lucas 'yon, pa'no napunta rito 'to? Ni hindi ko man lanv napansin ang presensiya niyang pumasok dito.

"Hindi na." Tanggi ko, "kaya ko na." Sabi ko, gano'n na lang ang pagkadismaya ko nung naramdaman ko ang bigat ng mga galon, parehas ko pang binuhat, naibaba ko ang mga 'yon dahil parang humiwalay ang braso ko.

Narinig ko ang pagtawa ni Lucas kaya sinamaan ko siya ng tingin, binuhat niya na lang ang mga 'yon at hindi na nagsalita.

Natapos ang buong araw na panay usok, mantika, street foods lang ang nakikita ko. Salamat naman at naubos ngayon ang mga tinitinda namin ng hindi kami nagkukulangan ng supply.

Nasa alas dos ng hapon kami dinagsa kami ng mga tao, buti na lang at nakakain pa kami ng tanghalian. Dahil sa free kiss ni Eiya at Kenji ay nagkagulo ang mga tao. Pati mga bakla ay excited na halikan ang makinis na balat netong hapon. Pinanggigigilan pa nga nila 'yon. Sigurado akong mamaya, lamog na ang mukha niya.

Si Eiya naman ay mga bata lang ang nakakahalik sa kaniya, ang mga susubok na halikan siya ay agad na umaatras dahil nasa tabi niya si Elijah, nakacross arm siyang binabantaan ang mga lalaki gamit ang mata niya.

Magliligpit na sana kami ng may kotseng tumapat sa mismong cart, alas sais na rin kaya sigurado akong huling customer na naming sila o sila.

Halos malaglag ang panga ko nung makita ko si lalaking nasa soccer field na bumaba ng kotse at lumapit sa 'min.

"Bukas pa ba?" Tanong niya.

"Hala! Bakit na nandito?" Tanong ko, ngumiwi ako sa sarili kong tanong. Tanga ka, Heira! Malamang bibili siya.

"Bawal ba? Bibili sana ako, am I late?" Nakangiting tanong niya.

Umiling ako, sinabi niya sa 'kin ang gusto niyang bilhin, pinakyaw niya ang mga natirang dynamite at tatlong footlong. May sumunod sa kaniyang babaeng matangkad, maganda, wavy hair siya tapos mestiza. Lumilitaw ang kagandahan niya.

Napalingon ako sa mga kasama ko dahil nakita ko ang pagtigil nila. Lahat sila ay nakatingin sa dalawa lalo na si Kayden na parang pinapantasya ang babae.

Teka! Pamilyar 'tong babae na 'to eh.

Nung matapos kong lutuin ang mga order niya ay agad kong iniabot sa kaniya ang mga 'yon at sinabing, "thank you for buying, sir Nicholai." Para akong siraulong tumango sa kaniya.

Akmang tatalikod na sila nung tumingin ulit siya sa 'kin, "where's my free kiss?" Tanong niya na ikinalaglag ng panga ko.

"Ha?"

"My free kiss, I thought you're accommodating free kiss para sa mga bumibili." Aniya at ngumiti, "pero pwedeng ikaw na lang ang magbigay no'n?" Dagdag niya na mas ikinanganga ko.

Ibig ba niyang sabihin ako ang hahalikan niya?

"Ah, eh... sige na nga!" Sagot ko na lang dahil naiinis na ang kasama niyang babae, mukhang suplada, napapapadyak pa.

Lumabas ako sa cart at lumapit sa kaniya. Iniharap ko ang pisngi ko, unti-unting lumapit ang pisngi niya, biglang nabuhay ang kaba ko sa katawan. Kulang na lang ay dasalan ko ang lahat ng santo para lang matigil 'to.

Mas ikinagulat ko ang paghawak niya sa baba ko at bigla akong hinalikan sa labi...

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang