Nag umpisa ng manghila ng costumer sina Eiya, pinapatawa muna nila sila at may kung ano-anong ritwal ang sinasabi nila sa mga dumadaan kaya napapabili na lang sila sa 'min.
Nag approved sign siya sa 'min, tumingin ako sa kasama niyang sumasayaw ng otso-otso, mukha siyang batang nirarayuma. Natawa na lang ako sa kanila.
"Alam ko na ang gagawin!" Sigaw ni Eiya nung lumapit siya sa 'min.
"Ano naman 'yon? Sigurado kang legal 'yan ha?!" Si Xavier ang sumagot habang nagbibilang ng kikiam at inalalagay sa baso.
Simula nung magtinda kami dito ay mas naging close sa 'min yung iba. Nasanay na kami sa presensya nila dahil araw-araw sila naming kasama. Komportable kaming nag aasaran at nagkakasakitan, hindi ko alam kung pagkakaibigan na ba ang tawag dito.
"Free kiss!" Sagot ni Eiya, nakapamewang pa siya habang tuwid na tuwid ang pagkakatayo niya, taas noo pa siya. Mukha siyang wonderwoman.
"Ha?!" Sabay-sabay na tanong nina Xavier, Kenji at Timber.
"Oo, free kiss, sa cheeks lang naman, hindi naman sa lips." Sabi ni Eiya, tumingin siya sa 'kin parang nagmamakaawa.
"Huwag mo 'kong idamay d'yan, kung gusto mo ikaw na lang hehehe." Agad na sagot ko, alam ko na kasi ang iniisip niya, ako na na naman ang ilalagay niya sa 'free kiss' kuno, gaya ng ginawa niya dati nung bata kami.
Nagtinda kasi dati ang mama niya ng halo-halo at nachos sa harap ng Sta. Luiciana nung bata kami. Pinagsigawan niyang may free kiss daw ang mga bibili kaso ako ang nilagay niya sa harapan at nilagay sa damit ko ang isang papel na may nakasulat na 'free kiss'.
Sumimangot siya, "sige ako na lang, hoy Xav ikaw yung para sa mga babae 'no." Turo niya kay Xavier.
"Bakit ako? Ayan si Timber, siya na lang." Sagot niya.
"Ikaw ang sinabihan, bakit ako na na naman? Ibabaling mo sa 'kin ang gawain mo eh!" Singhal naman nung isa.
Lahat sila ay ayaw na makisama sa gusto ni Eiya, mukhang gagana naman ang suhestyon niya ang kaso ay walang gustong sumunod sa kaniya. Wala akong alam na pwedeng isuhol sa kanila kung hindi ang...
"Bibigyan ko ng chocolates ang pumayag." Sabi ko ng hindi nakatingin sa kanila.
"Sige ako na lang."
"Ipinasa mo na sa 'kin kaya ako na, pahinga ka na lang d'yan."
"Zycheia, ako na, mas dadayuhin nila tayo."
"Ako na, mas gwapo naman ako sa inyo."
"Ako na, d'yan na lang kayo."
Natawa na lang ako, sabi na eh, basta pagkain ang bilis nilang sumagot at pumayag. Nag aaway pa. Nagmumurahan na sila kaya naman sumabat na 'ko.
"Si Kenji na, tulungan niyo na lang akong dalawa." Sabi ko, nakita ko naman ang pagsimangot nung dalawa. Nagmake face naman si Kenji sa kanila.
Tumakbo si Eiya pabalik ng karinderya, pagkabalik niya ay may hawak na siyang karton na may nakasulat na "libreng halik sa bibili ng pabalik-balik" tsaka niya yon hinahawakan sa harap.
Pumunta na rin si Kenji palapit sa kaniya, hindi pa sila nakuntento, lumapit pa talaga sila sa mga tao at sabay na kumanta ng ♪♪halina mga suki, presyong abot kaya, pwedeng sampo, bente trenta at marami pa!♪♪ Hindi ko alam kung may gano'n bang kanta o gawa-gawa lang nila ang mga 'yon.
Saglit lang na minuto ay dumami na ang mga bumibili, nasa harap na lang yung dalawa at tinatanggap ang halik ng mga bumibili, tinatakpan nila ang mga labi nila, takot na mahalikan ng lips to lips.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 62
Start from the beginning
