Umalis muna ako sa harap nila at dumeretso sa kusina para kunin yung mga ititinda, oras na kaya kailangan na naming ilabas ang mga 'yon, nakita kong nando'n din si Kayden.
Poker face pa rin siya, may dala siyang plato at pamaypay. Tumingin siya sa 'kin, nahulog ang tingin niya sa kamay ko. Tinago ko lang 'yon sa likod ko at nilampasan siya.
Pero hinigit niya ang braso ko dahilan para matigilan ako. Ayon na na naman ang pakiramdam na parang kinukuryente ang buong katawan ko.
"What happened?" Tanong niya pero seryoso pa rin ang itsura niya.
"Ah, wala, maliit na sugat, ang tanga nung kutsilyo kaya nahiwa. Sige ha, mauna na 'ko." Tuloy-tuloy na sabi ko, hindi ko na siya magsalita dahil hinigit ko na ang braso ko at nilampasan siya.
Kinuha ko ang mga natirang paninda kahapon, napansin ko lang na dumami pa ang mga 'yon, mukhang bumili si Lola Nersiles ng panibagong supply, baka umuwi siya kagabi. Nakita ko kasi siya kanina, sumakay ng tricycle at may hawak siyang bayong.
Deretso ako sa cart nung pagkalabas ko, inaayos na namin ngayon ang mga gamit. Pinalitan din namin yung mantika, baka kasi mag iba ang lasa ng mga iluluto namin kung gamitin ulit namin yung ginamit namin kahapon.
Maaga pa masyado, pang almusal pa lang ang pwede ngayon hindi miryenda kaya wala pang dumadayo rito para bumili sa 'min.
May inilatag na lamesa ang mga nag iihaw, dalawa 'yon at may apat na upuan bawat lamesa. May hawak na pamaypay si Hanna at Alzhane. Si Elijah ang nagsasalansan ng mga iiihaw nila. Mukhang masarap nga eh. Gusto kong bumili sa kanila at tikman 'yon kaso baka sabihan akong disloyal ng mga kasama ko.
Bukas na lang, ililibre pa naman ako ni Vance.
"Ate, footlong." Anang isang lalaki kaya sa kaniya ko binaling ang paningin ko.
Ngumiti ako, "ilan?" Tanong ko.
Nasa seven years old siguro siya, medyo payat, maputi, singkit at pabilog ang mukha. Kamukha niya si Kenji, hindi kaya magkapatid 'to?
Hindi eh, kahit bata 'tong kaharap ko, mukhang mas matured pa siya kaysa kay Kenji.
"Isa lang po." Aniya at inabot sa 'kin ang bayad niya gamit ang maliliit niyang kamay.
"Totoo nga yung sinabi nilang barya lang po sa umaga." Bulong sa 'kin ni Xavier.
Tinignan ko naman ang mga hawak kong pera, ngumiti ako ng pilit sa bata, puro piso kasi ang binayad niya, mukhang binutas niya pa ang alkansya niya para makabili sa 'min ah. Very good ka boy.
Tumawa si Xavier kaya naman sinamaan ko siya ng tingin, pati bata talaga hindi pinalampas.
Ako na mismo ang gumawa ng footlong na binibili ng bata, pinakaluto ko ang hotdog, dahil siya ang unang customer namin kaya dinagdagan ko ang cheese na nilagay ko sa tinapay niya.
"Alas onse na pero wala pa ring bumibili." Nakasimangot na sabi ni Eiya.
Totoo ang sinabi niya, kung anong dami ng bumibili kahapon sa 'min ay siyang konti naman ngayon. Kaninang alas dies pa kami naglatag pero sampo pa lang yata ang bumili sa 'min.
"Ang pangit mo raw kasi kaya ayaw nilang bumili." Pang aasar ni Timber sa kaniya.
"Putangina mo!" Sagot sa kaniya ni Eiya, nagulat pa 'ko sa pagmumura niya. Lutong.
Hinila ni Kenji si Eiya papunta sa mga dumadaang tao. Malapit lang dito ang simbahan, linggo ngayon kaya may misa kanina lang, patapos na ang second mass kaya naman marami ang dumadaan.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 62
Start from the beginning
