"Bakit ba tinutulungan namin kayo, baka kayo pa ang manalo sa deal neto eh!" Reklamo ni Aiden.
"Ituloy niyo na, naumpisahan niyo na tapos nagrereklamo pa kayo!" Si Eiya ang sumagot.
Napakamot na lang sa ulo si Aiden at pinagpatuloy ang ginagawa. Tiklop ka 'no.
"Paabot nung mga cheese." Pakiusap ko kay Kayden, siya naman malapit do'n eh.
"You can do it by yourself." Masungit na sabi niya, walang emosyon ang mukha niya.
Nagmake face lang ako sa kaniya, si Adriel ang nag abot sa 'kin no'n, buti pa siya maaasahan, samantalang yung gwa— pangit na kaibigan niya, napakatamad!
Binuksan ko 'yon at hiniwa sa maliliit na pahaba, tatlong malalaking keso ang binili niya, yung pabalat na pangturon ay napakarami rin. Si Lucas ang naghihiwalay ng mga 'yon.
Ang lambot at ang gaan ng galaw niya, yung bawat paghila niya sa mga 'yon ay napakaswabe. Talagang nasa ginagawa niya ang atensiyon niya, wala kang makikitang pabalat na nasira o napunit. Kung may sira man 'yon ay iilan lang at sigurado akong sumobra ang pagkakadikit no'n sa isa.
Halos mapasigaw ako nung mahiwa ko ang daliri ko. Bigla kasi siyang nag angat ng tingin, tapos sa mata ko agad tumama 'yon, nagulat ako kaya hindi ko na napansin na daliri ko na pala ang ready sa kutsilyo.
"Aray..." Bulong ko, napatingin sa 'kin si Asher, siya kasi ang katabi ko sa kanan, sa kaliwa naman si Eiya. Agad kong itinago sa likod ko ang kamay ko at nagpilit na ngiti, sigurado akong mukha ako netong tanga habang umiiling-iling.
Nakahinga ako ng maluwang nung tumingin ulit siya sa ginagawa niya, may pabalat na siya sa harap niya at nagbabalot niya, hindi ko alam kung sinong nanghiwa ng ham dahil nasa harap niya na rin 'yon at nilalagay niya na sa loob ng sili.
Pasimple kong piniga ang daliri ko sa likod, napangiwi ako dahil sa hapdi no'n, gamit ang apron na suot ni Eiya ay pinunasan ko ang dugo mula do'n, hindi niya naman 'yon napansin kaya hindi ako kinabahan.
Hinay-hinay kong hinihiwa ang cheese gamit ang isang kamay, baka kasi mahaluan ng dugo yung cheese, magkaextra flavor pa.
Nahinto ako sa panghihiwa nung may humila sa braso ko, hindi ko na nagawang higitin ang braso ko pabalik dahil sa pagkabigla, hinila niya 'ko papunta sa kusina, deretso sa lababo.
"L-lucas..." Tawag ko, seryoso kasi siyang hinuhugasan ang sugat ko, pinisil niya 'yon. "Aray, gago!" Hindi ko na napigilan ang bibig ko dahil sa sakit. Inulit niya pa 'yon hanggang mawala yung lumalabas na dugo.
Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang kamay ko. Pagkatapos no'n may dinukot siya sa bulsa niya, band-aid 'yon, malumanay niyang ikinabit sa daliri kong may sugat.
Huminga siya ng malalim bago magsalita. "next time, don't stare at me while you're holding a knife so you don't get cut." Makabuluhang sabi niya bago lumabas ng kusina.
Naiwan akong pakurap-kurap at nakanganga dahil sa ginawa niya, nakatayo pa rina ako at inaabsorbed ang mga ginawa at sinabi niya.
Hays!
Wala sa sariling bumalik na lang ulit ako sa mga kasama ko. Wala naman na yata silang nakitang kakaiba kaya hindi na sila nagtanong.
Makalipas ang ilang minuto ay nagbabalot na lang kaming lahat, may mga plato kaming pinagpapatungan ng mga nabalot na, ngayon ko lang napansin si Kenji na tuwang-tuwa sa pagkain ng cookies habang pinapanood kami.
"Huwag mong papakin, baka magkulangan tayo." Sita ni Asher sa 'kin, marami naman kasi 'yong nahati ko kaya pasimple akong pumupuslit no'n. Sayang nahuli ako.
"Sarap eh." Sagot ko at kumain ulit no'n, umiling lang siya at tumawa. Labas pa ang dimples niya. Chinito rin siya, ngayon ko lang napansin 'yon ah.
Sinubukan namin ni Eiya na magluto ng sampo para tikman ang mga ginawa namin. Deep-fried ang mga 'yon para sure na tunaw ang cheese sa loob, pinanggawa na rin kami ni Trina ng sawsawan para do'n. Bait naman talaga niya.
"Patikim... patikim!" Nangunguna pa 'kong lumapit kay Eiya nung maluto niya ang mga 'yon. Kumuha ako ng tissue at binalot do'n ang isang dynamite.
Dizizit pancit! Ilang taon na rin nung huli akong makatikim neto, bukod sa bonding namin sa paggawa ay namiss ko rin 'yong lasa neto.
Lumabas kami ng kusina at dinala sa labas ang mga naluto para ipatikim sa iba. Hinipan ko ang hawak ko at kumagat ng malaki.
Nakadalawang nguya pa lang ako ay nagkagulo na agad ang taste buds ko.
"TUBIG!"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 61
Start from the beginning
