Wala yata 'to sa sarili eh. Tumulong nga, palpak naman. Nasapo ko na lang ang noo ko. Ang ginawa niya kasi, hinati niya ang sili pero hindi pahaba,  gamit ang kamay niya ay hinati niya 'yon sa dalawa tapos tinataktak niya ang mga buto sa tubig.

"Ay, hindi ba?" Binitawan niya ang sili tsaka tumawa. "Pa'no ba? Hindi ako marunong eh." Dagdag niya pa.

Inambahan ko siya ng suntok, magkaharap kasi kami, nasa gitna namin ang lamesa. Nakahilera kaming lahat. Bumalik na rin sa kusina yung cook namin... este si Trina tsaka Jharylle.

Umatras siya at tumawa. "New version ng dynamite, hayaan mo na." Aniya pa.

"Loko! Kung gan'yan ititinda mo, lugi ka na gago!" Singhal sa kaniya ni Alexis.

"Gwapo naman nagtitinda."

"Anong konek no'n?" Tanong ni Kenji.

"Gwapo ang nagtitinda, maraming bibili."

"Di mo sure." Umiiling si Kenji habang  sinasabi 'yon.

"Ang daldal niyo, anong oras na oh." Sabat ni Hanna, may dala siyang kutsilyo at sangkalan.

Kumuha na lang ako ng panghiwa ko. Binuksan ko ang isang plastic at kumuha ng kasakmal na sili. Marahan kong hinati sa gitna, pero hindi siya dapat maputol, parang bubuksan lang siya ganon, kumuha ako ng kutsara sa kusina at ginamit 'yon pangtanggal ng buto.

Napabuntong hininga na lang ako bago mapait na ngumiti. Nagtatawanan kasi ang mga kasama ko ngayon habang humihiwa ng kaniya-kaniyang sili.

Natatandaan ko, noong bata ako ay gan'to rin kami nina daddy, mommy, at Kio. Ako dati ang nanghihiwa ng cheese para maging stips iyon, saktong magkakasya sa loob ng sili. Habang hinahati ko no'n 'yon ay pinapapapak ko. Hindi naman nila ako pinapagalitan no'n. Tumatawa pa nga sila kasi raw halos maubos ko na.

Nagtatawanan kami dati kapag inaasar ni daddy si mommy, tapos aaluin niya rin. Parang tanga. Charot.
Si Kio ang naghahati ng ham. Pasimple rin siyang pumapapapak no'n kaya mas natawa kami.

Tinuturaan naman kami ni mommy kung paano namin babalutin ang mga 'yon, kung paano ilagay ang ham at cheese, kung paano irolyo, at kung paano isarado.

Iyon ang bonding namin nung bata kami, hindi ko na nga matandaan kung kailan kami huling gumawa ng dynamite ng sama-sama at mukhang hindi na mauulit 'yon.

Take me back to those good old days again. Oh, english 'yan. Ang galing ko na.

Si daddy ang nagturo sa 'kin... sa 'min ni Kio kung paano namin iluluto 'yon, kung paano magprito. Kaya nga pagprito lang ang alam kong gawin minsan sunog pa. Kahit hindi ako marunong magluto, atleast marunong akong kumain.

Sabi niya, “cooking is like love, you need the right time to cook it even more until you find the right mixture, it takes the right time to love the person, at the right time you will find the right person. Love and food can wait.” Sinasabi niya 'yon habang nakatingin kay mommy.

Right person daw pero hindi nagkatuluyan, false alarm din si daddy eh.

Natigil lang ako sa pagmumuni-muni ng magsalita si Maurence. "Wala ng buto 'yan, kinukutsara mo pa, pati ba balat tinatanggal mo na?" Aniya.

Napatingin ako sa hawak ko, nawala na nga yung kulay puting parte ng sili,  naging manipis na nga 'yon at tanging balat na lang ang makikita. Tumawa ako dahil sa kagaguhan ko.

"Gan'to ang paghahati, 'dre." Ani Xavier, dahan-dahan niya pang hiniwa ang gitna ng sili, tinuturaan niya yata si Vance, sumunod naman sa kaniya yung isa. "Ayan gan'yan." Paglalahad niya sa ginawa niya. "Ikaw yata ang taong bundok!" Dagdag niya habang tumatawa.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now