Yung puso ko, lumalabas sa ribacage!
Kinakabahan ako habang nararamdaman ko ang balat niya sa braso, parang may kuryente na mainit na hindi ko alam kung ano 'yon, basta alam ko, kinakabahan ako.
Halos mahugot ko na ang hininga ko nung hinigit ko pabalik ang braso ko, "o-oo, g-gagawin ko na." Kabadong sabi ko.
Hinila ko ang braso ni Eiya at ang braso ni Asher, nagmadali akong pumunta sa kusina habang hila ko sila. Hindi na sila nagreklamo, nagpatinaanod na lang sila sa 'kin hanggang marating namin ang kusina.
Hinihingal ako nung makapasok ako sa kusina, pinapaypayan ko ang sarili ko damit ang mga palad ko. Pinagpawisan yata ako ng malamig dahil do'n.
Tumingin ako sa dalawang natatawa, tinakpan pa nila ang mga bibig nila at nag-iwas ng tingin.
"Nasa'n yung dynamite... yung sili pala." Nauutal na tanong ko.
Tumawa ng malakas si Eiya. "Kalma, Isha, baka siling labuyo ang ibalot mo," sinabi niya 'yon habang tumatawa.
"Sige ba, basta yung inalis kong buto, kainin mo." Sinikap kong magbiro pero hindi kinaya ng sarili ko. Bumaling ako kay Asher. "Wag kang tatatawa-tawa d'yan, nasa'n na yung sili?"
"You sure? Marunong ka?"
"Ako pa? Nang malaman mo, nasa'n?"
Kinuha niya ang isang supot sa ref. Hindi pala isa kundi tatlo. Tatlong supot ng siling pampaksiw. Kinuha niya rin ang ham at cheese, 'yon kasi ang ilalagay sa loob n sili.
"Here." Abot niya. "Pwede na ba 'to?"
"Ang dami naman niyan?" Tanong ko, ang dami kasi no'n, siguro kung tatantyahin ay nasa limang liko siguro 'yon, hinarvest niya ba 'to?
May sarili ba siyang farm?
"Maraming bibili, kaya dinagdagan ko na." Aniya bago kumuha ng palanggang may tubig.
"Tawagin ko lang yung iba, matatagalan tayo neto." Sabi ni Eiya, nakatingin lang siya sa plastic ng sili.
Umiling ako. "Hindi na, sa labas na lang tayo gumawa niyan, hindi tayo kakasya dito 'no." Sabi ko.
Medyo maliit kasi ang kusina ni Lola Nersiles, sakto lang iyon pang luto at panghugas ng plato, wala ng ispasyo para sa ibang gawain.
Tumango siya, dala ko ang dalawang supot, dala niya naman ang isa, pati yung keso at ham ay dala niya. Si Asher naman ang nagdala ng palanggana, nakalublob do'n ang mga kutsilyo.
"Tulungan niyo nga kami sa mga 'to." Ani Eiya at binagsak ang plastic sa lamesa.
"Ayoko nga!" Agad na reklamo ni Vance.
"Edi don't!" Singhal sa kaniya ni Eiya. "Hindi naman ikaw ang tinanong ko!" Dagdag niya pa.
"Ay hindi ba? Sabi mo kasi "niyo" kaya akala ko kasali ako." Ngising-ngisi pa ang gago.
"Pahiram ng kutsilyo, gilitan ko lang 'to." Banta ni Eiya.
Nanlaki naman ang mata ng lalaki, naghugas siya ng kamay, gano'n din ang ginawa ng iba, tsaka siya kumuha ng sili. "Tutulong naman ako, hindi ka naman mabiro." Aniya.
Tumawa kami ng malakas dahil do'n.
"Takot mo pala 'no?!" Pang aasar ni Trina sa kaniya, binunggo niya pa ang braso ni Vance.
"Shut up, balik ka sa kusina, tinatawag ka na ng mga anak mong kaldero!" Sagot ni Vance.
"Gago! Hindi gan'yan!" Saway ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 61
Start from the beginning
