Ang daming alam ni Aling Soling ah, parehas pala kaming chismosa.
"Gano'n po ba, kanino po galing yung box na... yung box po na nasa kwarto ko?"
"Pinadala dito kanina, tinatanong ko nga kung kanino galing pero hindi sinabi nung delivery boy. Basta pinapirma niya lang ako at umalis na." Sagot niya.
Nagtaka naman ako, saan naman kaya galing 'yon o kanino... Wala naman akong boyfriend para padalhan nila ako ng gano'n, wala rin naman akong aasahan sa mga kaibigan ko, lalo na kay Eiya.
Hindi ko ba binubuksan 'yon kaya hindi ko alam kung anong laman no'n. Baka bomba na 'yon tapos hindi ko pa alam. O kaya naman baka brand-new car 'yon, brand-new car na laruan. O baka naman pasabog 'to ni Kio dahil gusto niya 'kong sorpresahin?
Psh.
"Sige po, salamat po, akyat na po ako."
Umakyat ako sa kwarto, agad ko namang kinuha ang blade sa kabinet ko, ang hirap pala kapag isa na lang ang magulang na kasama mo tapos hindi mo pa siya nakikita, laging nagkakasalisi, laging walang oras sa isa't isa kaya gusto ko ng wakasan...
Gusto ko ng wakasan ang kahibangan ko, kung ano-ano nang pumapasok na kalokohan sa utak ko. Punyemas naman kasi.
Binuksan ko ang box dahil halata namang para sa 'kin 'yon, kulang na lang ang apelido ko para kumpletuhin ang pangalan ko na nakasulat. Hindi naman Heira maganda ang pangalan ni mommy.
Kung sino mang nagbigay nito, bakit alam niya ang pangalan ko? May stalker ba 'ko? Hala, hala, hala!
Laking gulat ko nung makit kong isang stuff toys ang laman ng box. Si Stitch 'yon tsaka si Lilo. At meron pa! Ang daming chocolates, mukhang mamahalin, alam na alam na galing sa abroad, may chuckie pa! Alam na alam talaga nung nagpadala ang paborito ko oh! Kung sino ka man, pwede na kitang pakasalan.
Charot.
Niyakap ko ang Stitch at sininghot-singhot 'yon. Ang bango! Amoy imported. May kapatid na si Tantalog. Siya si Tantalog II, tapos si Lilo, pangalan niya ay Lilo'ng hambog na sumobra sa hamog.
Joke.
Nilabas ko sa kahon ang mga chocolates, may pabilog, may hugis trayangulo, may parihabang kulay lila, may kulay itim at kulay puti. May mga maliliit din na parang mga gamot.
Drugs ba 'to?
Nung buksan ko 'yon ay tumambad sa 'kin ang iba't ibang kulay no'n, may letrang 'm' sa bawat piraso no'n. Tumikim ako ng isa, at para akong nasa ulap! Ang sarap! Tumikim pa 'ko ng isa hanggang sa nagsunod-sunod na. Ubos na ang isang pack!
Buti na lang ay may tubig ako sa tabi ng kama ko, uminom ako at hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako ng walang ligo, walang sepilyo, walang hilamos, magulo ang gamit, at hindi nakakumot. Hindi ko nga rin nabukasan ang aircon o kaya ang electic fan man lang kaya nung malingat ako ay halos maligo ako sa pawis.
"Anak, Heira... gising na."
Nagising ako sa pag aalog ni mommy sa 'kin, tumatama na rin ang sikat ng araw sa paanan ko kaya ramdam ko ang init no'n. Parang isang oras pa lang akong natutulog kaya hindi ako sumagot sa kaniya, nanatiling nakapit ang mga mata ko.
"Heira... wake up baby." Pag uulit niya pero pagdaing lang ang sagot ko at dumapa.
"Heira may naghahanap sa'yo."
Napabalikwas ako pagkakahiga nung sabihin niya 'yon, kinusot ko ang mata ko at pilit na minumulat ang mata ko kahit bumabagsak ang nga talukap no'n.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 60
Start from the beginning
