Si Xavier ang naglagay no'n sa mga triangular plastic bago niya iabot sa bumibili ay nagsalita siya.
"Ate mahilig ka pala sa hotdog?" Tanong niya.
"Po?"
Nakita ko ang pagtataka sa mata nung babae, pinagtitripan siya ni Xavier kaya bahagya kong sinuntok ang tyan niya, tumawa naman siya. Kinuha ko ang hawak niya at binigay sa babae.
"Pasensiya na po, kakalabas lang po sa mental niya." Sabi ko.
Naiilang na tumawa ang babae bago iabot sa 'kin ang bayad niya. Hinarap ko si Xavier at kinurot ang tagiliran niya.
"Gago ka, pati mga bumibili pinagtitripan mo." Sabi ko.
Tumawa siya ng malakas. "Hindi ah, tinatanong ko lang naman siya, ang dami niyang binili eh." Sinasabi niya 'yon habang tumatawa.
Hinampas ko lang siya at hindi na nagsalita, time runs smoothly, marami pa ring bumibili kahit palubog na ang araw. Mala kahel ang kulay sa paligid, isama mo pa ang mga maberdeng kulay ng mga puno, ang sarap pagmasdan ng tanawin.
Ang ganda sa mata.
Hindi ko alam na may parte pala ang Manila na ganto kaganda, akala ko mga buildings at mga sasakyan lang ang makikita. Madalas ay puro polusyon ang makikita sa hangin ngayon ay iba. Masaya at maaliwalas ang lugar, malinis at napakaganda.
The sun does not shine for a few trees and flowers, but for the people's joy and lives.
Mag aalas sais y media nang magsara kami, hindi man namin napaubos ang binili namin ay nangalahati naman 'yon, higit pa 'yon sa inaasahan naming maibebenta namin sa konting oras na ginugol namin. Bukas na namin ibebenta.
Nakita ko rin si Alexis na pababa sa isang tricycle. Masaya siya pero malamlam ang mata, pagod siguro siya. Halata sa kaniya na may problema siyang pinagdaraanan.
"Kamusta kayo? Pasensya na ha, dapat tumulong ako sa inyo." Aniya ng makalapit siya sa 'min, ngumiti siya sa 'min ng pilit.
Bunuhat ko ang kawali bago sumagot, "ano ka ba, nag eenjoy kami 'no, kamusta pala si tita... ibig kong sabihin, yung mama mo."
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay pumasok ako sa loob, naramdaman ko naman na sumunod siya sa 'kin.
"Nag iimprove naman na raw siya sabi ng doctor, sobrang baba raw ng platelets siya nung unang linggo niya sa hospital pero ngayon ay umaayos na." Sagot niya bago umupo.
"Sana gumaling na siya, nakakasawa pala ang pagmumukha ng mga kasama natin." Pabiro kong sabi, natawa naman siya.
"Anong nakakasawa, aba! Napapalibutan ka ng mga gwapo tapos magsasawa ka?" Sabat ni Vance na nasa likod ko na pala.
"Araw-araw ko ba namang makita ang mahangin niyong pagmumukha sinong hindi magsasawa?"
"Ang sama ng bunganga mo, babe."
"Mama mo babe."
"Sexybabe." Pangungumpirma niya tsaka ako kinindatan.
Pumasok ako sa kusina at nilagay do'n ang mga gamit. Tumulong na rin ako sa paghuhugas sa mga plato, kawawa naman kasi si Jharylle mukhang nangungulubot na ang mga balat niya sa kamay dahil sa pagkakababad.
"Kain muna tayo bago kayo umuwi." Anyaya ni Alexis. "Libre 'yon, kahit 'yon na muna ang kapalit, wala akong pampasweldo dahil masyado kayong marami." Dagdag niya, natawa naman kami sa kaniya.
Kumain nga kami, panay ang pagpuslit ni Kenji sa pagkain ko, panay ang tuhog niya sa baboy na nasa plato ko. Tinampal ko ang palad niya nung mahuli ko ulit siya.
Siya na halos ang nakaubos eh.
Napagkukwentuhan namin ang deal 'kuno habang kumakain kami, bukas daw ang bilangan ng kita. Determinado pa ang iba na sila ang mananalo. Nasabi rin nila na bibisita kami sa hospital sa lunes pagkatapos ng klase, pumayag naman kami.
"Vance, bukas na lang yung libre ko." Sabi ko nung palabas kami ng karinderya, pauwi na kami.
Napakamot siya sa ulo. "Oo nga pala, tch!"
"Akala mo nakalimutan ko 'no, nevah!"
"Edi wow." Sagot niya na lang.
Si Xavier ang naghatid sa 'kin, sumabay na rin si Eiya dahil tamad daw siyang magpasundo sa driver nila. Panay ang pagbunganga niya habang nasa byahe kami, ako naman ay nasa labas ang paningin ko.
Madilim na, nakabukas na ang night market na nadaanan namin. May mga bata pa rin sa kalsada kahit gabi na. May mga tao pang nagtatawanan malapit sa mga tindahan. Nakasabit na ang mga malilit na pandera sa mga poste dahil malapit nang mag August.
May nadaanan kaming magbababalot at magchichitcharon nagkukwentuhan habang naghihintay ng bibili. Nagpapagod kahit walang kasiguraduhang may maibebenta ba sila.
Sa mga nakita ko ay talaga palang may masaya sa mga barangay kumpara sa nga subdivision, ligtas nga sa subdivision pero wala kang makikitang mga taong nakapulong habang nagkukwentuhan sa ilalim ng buwan.
The darker the night, the brighter the moonlight, I can see their smiles through the starlight.
Agad akong umakyat sa kwarto ko pagkauwi namin. Nagpasalamat lang ko kay Xavier at pumasok na. Ang tahimik ng bahay pero maliwanag, mukhang nasa loob ng kwarto si yaya, wala rin naman si mommy dahil kung narito siya ay sigurado akong nasa sala siya at naghihintay sa 'kin.
Hindi na 'ko nag abalang hanapin sila, ramdam ko agad ang pagod at antok, hinahanap ng katawan ko ang kama at ang tulog.
Nung makarating ako sa kwarto ay agad na naagaw ng isang katamtamang laking kahon ang atensiyon ko, hanggang tuhod ko siguro ang taas no'n at mga dalawang ruler ang haba niya.
Nagtaka ako kung ano 'yon kaya agad akong lumapit do'n, bubuksan o ba o hindi? May note na nakadakit sa kahon.
"I hope you liked it, I know these stuff are you're favorite, Heira Yakiesha. Take care always. Hope I see you soon."
— Anonymous.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 59
Start from the beginning
