Traydor!
Kumuha lang kami ng apron at lumabas na, siya na rin ang nagbitbit ng paninda, buti na lang talaga ay may sauce at suka pang nakatimpa dahil kapag nagkataon na wala na ay wala kaming ilalabas pang sawsawan.
Pwede bang tubig na lang?
Nakasalubong namin si Eiya na may dalang puting galon na lalagyan ng inumin.
"Ako na ang nagtitimpla ng juice." Prisinta niya.
"Huwag mong lalagyan ng lason." Hindi ko alam kung tatawa ba 'ko sa anas ni Adriel na 'yon, hindi kasi siya nagtonong biro, ni wala nga siyang expression sa mukha niya.
Napa'no ba 'to?
"Hindi ako mamatay tao, pero kung gusto mo, unahin na kita." Sabi ni Eiya at umalis na.
Pinagtawanan ko na lang sila hanggang makalabas kami. Inayos ko ang mga gamit bago sindihan ang kalan. Si Xavier naman ang nagsalin sa mga lalagyan, tapos si Kenji naman ay gumigiling na ngayon gaya ng ginagawa niya kanina.
Parang tanga.
"Sa'n kayo galing?" Tanong ni Timber na may hawak na baso. "Iniwan niyo ko dito ah! Para akong saling pusa sa kabila."
Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Araw ba ng kadramahan ngayon? Parang nagiging emosyonal na ang mga tao ngayon ah.
Narinig ko ang pagtawa ni Xavier. "Galing kaming hospital, gusto mo bang pumunta do'n 'dre, pwede naman kitang ipamigay sa mga nurses do'n." Aniya at binunggo ng bahagya ang braso ni Timber.
"Ayoko nga! Isasaksak ko na lang sa'yo ang mga antibiotics no'n sa'yo, gago!"
Gan'to ba talaga mag asaran ang mga 'to, bakit brutalan ang banta nila? Parang handang patayin ang isa't isa ah.
Bumuntong hininga na lang ako at naglagay ng kung ano-ano sa kawali, hinayaan kong maluto ang mga 'yon dahil deep-fried naman kaya sure akong luto 'yon hanggang sa loob.
Ilang saglit lang ay lumabas na si Eiya na may dalang plastic soup ladle. Aanhin niya 'yon? Kasunod niya si Elijah na may buhat na dalawang galon, ang isa ay kulay tsokolate at ang isa naman ay kulay berde.
Mukhang pagod na si Elijah, haggard na kasi siya. Tinitignan lang siya ni Eiya na may matang nag aalala. Inalalayan niya itong ipatong ang mga galon sa lamesang nakalatag sa tabi ng cart.
"Yung mga niluluto mo malapit nang mangitim." Do'n pa lang ako napakurap, nakanguso si Asher sa mga niluluto ko. Dark brown na pala ang mga 'yon. Malapit ng masunog.
Mga sampong minuto lang ay dumami na ang mga bumibili, kahit na minsan ay kumikirot ang likod at tyan ko pero hindi ko na lang pinapansin 'yon.
Mukhang naggagala ang halos lahat ng costumers namin, mukhang bata lahat eh. Kung kasi dito lang sa malapit ang mga 'to ay sigurado naman akong iilan lang sila dahil maliit lang naman 'tong barangay nina Alexis. Dayo gano'n.
Ngayon ay parang bumaligtad ang sitwasyon, kanina ay si Timber ang nasa kabilang grupo ngayon naman ay nasa 'min si Elijah. Kung anong dahilan niya ay hindi ko alam.
Siya ang nagtitinda ng mga juice, mukhang malamig ang mga 'yon dahil may pausok effect pang nakikita. Si Eiya ay kasama na ni Kenji, todo effort talaga sila para sa benta.
"Footlong po lima."
Tumango ako at ni-prepare ko ang binibili, mabenta ngayon ang footlong namin dahil may cheese kaming nilalagay, nakita ko lang sa ref 'yong cheese, hindi pa nakabukas kaya ginamit ko na, papalitan na lang bukas.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 59
Start from the beginning
