Pero nagbago yata ang pananaw ko nung ilipat kami, hindi ko inasahang gan'to pala sila kasaya kasama, gan'to pala sila kaayos at kaayos na kasama. Inaasahan ko no'n ay 'yong mga lalaking basagulero at hindi marunong rumespeto pero nagkamali ako.
Sabi nga nila, "the best thing happen unexpectedly." They're my unexpected claasmates in twenty-third section.
Wala naman silang sinabing kaibigan ko sila, wala rin naman akong sinabi sa kanila kaya ang alam ko ay magkakaklase lang ang turingan namin. Kakaibang magkakaklase.
Nakarating kami ng karinderya nina Alexis, ang dami ng bumibili sa ihawan, kaniya-kaniyang upo sa tabi ng kalsada at nagkukuwentuhan habang hinihintay ang mga binili nila.
Hindi pa 'ko nakakababa ay nakita ko na si Alzhane na panay ang pagbuka ng bibig ng napakalaki, mukhang sumisigaw, panay din ang turo niya sa mga kasama niya habang todo paypay siya. Sumusunod naman sila sa kaniya.
Bumaba kami ng sasakyan, kasabay no'n ay ang pagkalanghap ko sa amoy ng iniihaw nila, alam na alam mong malasa dahil amoy pa lang ay nakakatakam na.
Hindi ko alam kung sinong nagtimpla ng mga 'yon pero alam kong isa kina lola ang gumawa no'n, napakaingay sa paligid. Grupo-grupo ang mga bumibili, puro mga kasing edad namin. Napatalon ako ng may maramdaman akong hininga sa may tenga ko.
"Ano na? Maiwan ka na lang d'yan?" Tanong ni Eiya.
Natanawan ko si Kenji na kumakaway sa 'min. Kakababa niya lang ng kotse, kakamadali niya ay halos mahulog na siya nung bumaba siya, kumapit lang siya sa likod ni Xavier.
"Yakie!" Pagtawag niya at tumakbo papapit sa 'kin. "Bakit ‘di mo sinabi sa 'kin na d'yan ka pala sasakay!" Turo niya sa sasakyan ni Vance. "Iniwan mo 'ko." Dagdag niya, ginulo ko ang buhok niya at nginitian siya.
"Huwag ka ng madrama, tara na, magiging tindera muna tayo." Sabi ko tsaka hinawakan ang siko niya pati ang siko ni Eiya, hinila ko sila papasok sa loob ng karinderya.
Pasalampak akong umupo sa upuan ko kanina. Nando'n pa naman ang bag ko, mukhang nando'n pa rin naman siguro ang laman no'n.
Napatingin ako kay Asher na lumapit sa 'kin may dala siyang mga supot, kung hindi ako ay 'yon ang mga pinamili namin.
"Here." Aniya at inilapag niya ang mga 'yon sa lamesa. "Sure kang kaya mong magtinda? It's okay if you can't, we can sell those tomorrow." Dagdag niya.
Umiling ako. Kaya ko naman, tsaka maaga pa naman, alas kwatro pa lang at alas otso ang pagsasara ng karinderya, baka isabay na lang namin ang pagsasara sa fishballan.
At isa pa, anong gagawin ko dito? Tutunganga na lang at papanoorin ang mga nag iihaw, ayoko nga! Baka matalo pa nila kami.
"Kaya ko naman." Ngumiti ako para iassure siya na totoo ang sinasabi ko. "Hindi tayo nakabili ng siling pampaksiw pa'no tayo gagawa ng dynamite niyan?" Tanong ko, puro kasi tinapay, juice at mga processed streetfood.
Kakahila kasi sa 'kin kanina ni Kenji ay nakalimutan kong bumili ng mga kakailanganin namin para sa dynamite. Sabik pa naman akong gumawa no'n tapos papapakin ang cheese habang nanghihiwa.
Yum-yum!
"Bukas na lang natin gawin 'yon, ako na ang bahala do'n, don't worry." Sabi niya at ngumiti.
"Naks, talaga?" Tumango siya. "Oh, edi tara na, mag apron na tayo tapos buksan na natin yung fishballan, kawawa naman si Timber naiwang mag isa."
Pa'no ba naman kasi lahay kaming nakatoka sa fishballan ay magkakasama sa hospital kanina. Nung nakita ko lang si Timber kanina ay do'n ko lang napagtantong wala siyang kasama sa 'min. Yan tuloy ay tumulong na lang siya sa ma nag iihaw.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 59
Start from the beginning
