Ngumisi siya at nagkagat labi bago sumagot. "Natatakot na ba kayong matalo?" Tanong niya.
Imbis na sumagot ako ay tumawa lang ako, mukha kasi siyang nastroke sa ginawa niya.
"Asa ka namang matatalo niyo kami." Mayabang na sabi ni Xavier, inilapit pa ang mukha niya sa mukha ni Vance.
Agad namang tinampal ni Vance ang palad niya sa mukha ni Xavier at tumayo.
"Bading ka! Bading! Dapat paghandaan niyo na ang pagkatalo niyo." Nanghahamong sabi niya.
"Anong bading?! Gusto mong ipakita ko sa 'yo yung mga chicks ko ha?!"
"Sige ba." Tsaka may binunot sa bulsa, cellphone pala 'yon. "Sinong may number ni Shikainah sa inyo?" Tanong niya.
"Chicks, 'dre, mga sisiw 'yon." Biglang nag iba ang pananalita ni Xavier, naging mahinahon pero may kaba.
"Sisiw naman pala eh!" Panggagatong ni Trina at hinampas pa ang lamesa. "Aray!" Daing niya, mukhang napalakas ang hampas niya, bato pa naman 'yon. Tinatawanan siya ni Vance.
"Ayan, tanga!" Sabi niya bago tumawa ulit.
"Mas tanga ka!" Umirap siya.
"Loyal na loyal ka pala kay Shikainah 'no?" Pang aasar ni Eiya, namula naman ang lalaki.
"Aba syempre!" Sagot niya, taas noo pa.
"Loyal siya kay Shikainah pero si Shikainah loyal sa iba!" Pambubuyo nung tatlong abnoy, sabay-sabay pa sila.
Nagpractice siguro ang mga 'to.
Umasim naman ang mukha ni Xavier, inambahan niya pa yung tatlo pero agad silang umiwas, ang laki pa naman ng palad niya.
"Sumusobra na ang bunganga niyo ah!" Inis na sabi niya. Nagmake face si Vance sa kaniya.
"Move on na 'dre!" Sabi niya.
"Hindi uso sa 'kin 'yon, anong move on, nakakain ba 'yon?"
"King inang 'to napakarupok!"
"Lagi, basta sa kaniya lang!"
Natigil sila sa kakatawa nung sumabat si Adriel.
"Can we go now?" Tanong niya, nakapoker face siya habang nakacross arm habang nakatingin sa 'min, nainip na yata. Tinaasan siya ng kilay ni Xavier.
"Wala 'to, 'dre kj!" Aniya tsaka dinuro-duro yung isa.
"If you don't want to leave, then stay here. Pwede kitang ipaadmit kung gusto mo."
"Joke lang, tara na nga, baka mamaya pagkaguluhan pa 'ko ng mga nurses dito."
"Hangin." Pagpaparinig ni Trina.
"Ang kapal naman ng mukha mo." Natawa ako nung sabihin 'yon ni Kenji.
"Hoy!" Agad naglakad si Xavier kay Kenji, tumakbo naman ang hapon, pumagitna pa si Vance sa kanila. "Ikaw bata ka! Titirisin kita!"
"Nyeh nyeh nyeh nyeh!" Pagmamake face nung isa, bumelat pa habang yung dalawang ka kamay niya ay nasa sentido niya.
Tumayo sina Trina, "Tara na nga!" Pang aaya niya bago bumaling sa dalawang hindi ko alam kung ano sila. "Ang pangit niyong dalawa!"
"Mas pangit ka!" Bawi nung dalawa.
Lumakad kami papalayo ng hospital, kung saan sila nagparking ay hindi ko alam, basta sumusunod lang ako sa kanila.
Kumapit sa braso ko ang hapon na matsing.
"Yakie, nagugutom na 'ko." Aniya, nagkunwari pa siyang umiiyak dahil nagpupunas siya ng pisngi kahit wala naman siyang luha.
"Ih, Ji, saan naman ako kukuha ng pagkain?"
"Palibre tayo!"
"Sige, pero kanino?"
Nginuso niya si Vance na ngayon ay hinagis-hagis ang susi sa ere. Nagkatinginan muna kami ni Kenji at tumango bago patakbong lumapit at umakbay kay Vance.
"Vance Warren my friend." Sabi niya, at tumango-tango.
"Aray ko naman! Ang bigat niyong dalawa!" Reklamo niya, pilit kaming nilalayo sa kaniya.
"Ji, bitaw, I can handle this." Sabi ko, sumunod naman siya.
Huminto kami sa paglalakad pero nakaakbay pa rin ako kay Vance. Nakangiwi siyang tumingin sa 'kin.
"Ehem." Pekeng pag ubo ni Eiya kaya napunta sa kaniya ang atensiyon namin.
"Sasakay kayo sa kotse o magaganyanan na lang kayo?" Sabay turo sa braso ko.
Pero hindi ko inalis ang braso ko, nakatingkayad na nga ako dahil mas matangkad siya sa 'kin.
Pwede na 'yon, atleast abot ko... teka! Hala!
Bigla na lang hinapit ni Vance ang bewang ko at kinabig dahilan para mas mapalapit ako sa kaniya. Dikit na dikit ang kalahati ng katawan ko sa kaniya.
"Anong kailangan mo?" Tanong niya mismo sa tenga ko kaya naman nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Wait a minute kapeng mainit!
Lumunok muna ako. "Libre mo ko este kami!" Sabi ko.
"Yon lang pala." Sabi niya tsaka niya 'ko tinulak papalayo sa kaniya. Muntikan pa 'kong madapa dahil do'n.
"Ang gentleman mo grabe!"
"Hahahaha, tara na nga! Baka iwanan tayo ni Adriel dito."
"Sa'yo kami sasakay ni Eiya." Sabi ko at hinila si Eiya. "Diba?"
"Oo! Wag kang magrereklamo, bubutasin ko yang gulong mo."
"Yes ma'am, this way ma'am." Natatawang sabi niya tsaka sumenyas na lumapit kami sa kotse niya.
Wow, honda civic.
Sumakay kami do'n, amoy na amoy mo yung scents uy, ang bango. Walang kalat, puro black nga lang ang gamit, may mga throw pillows sa backseat. Kinuha ko ang isa sa mga 'yon at nilagay sa hita ko.
"Your dirty hands, don't touch my things." Bulyaw nung may ari sa 'kin pero hindi ko siya pinakinggan.
Ginaya naman ako ni Eiya, hayaan niyo siya, gaya-gaya 'yan. "Ang arte mo naman!" Singhal niya.
Woah!
Hindi na sumagot si Vance, inirapan niya lang kami bago paandarin ang kotse. Sigurado akong nagkukumahog na si Kenji dahil hindi siya nakasabay sa 'kin, nasa kabilang sasakyan siya.
Ayaw pa naman no'n na hindi ako kasama tapos yung kaaway niya kasama niya. Isali mo pa yung dalawang bipolar, minsan matino madalas seryoso.
Nasa shotgun seat ako, nasa backseat naman si Eiya. Gusto ko kasing makita yung mga dadaanan namin dito sa bandang kaliwa, eh gusto rin daw ni Eiya, ayaw ayokong pagbigyan kaya napunta ako dito sa harap.
Alas kwatro na ng hapon, nakita ko lang ang oras sa kotse ni Vance. Ang tagal ko naman yatang natulog? Isa... dalawa?
Eissssh!
Tirik pa ang araw, miryenda time, sigurado akong marami ng bumibili ngayon sa 'min kung nakapagtinda kami.
Maalinsangan kahit pa nakabukas na ang aircon ni Vance.
Wala sa sariling binuksan ko ang bintana, pumaspas agad sa mukha ko ang preskong hangin.
"Hoy! siraulo ka! lalabas ang aircon!"
Ano raw...?
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Novela JuvenilPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 58
Comenzar desde el principio
