"Bakit, hindi niyo nakita yung pharmacy?" Si Eiya ang nagtanong.
"Nahanap namin!" Sagot ni Kenji, nagtutumba-tumba pa sa wheelchair.
Sakit aabutin neto.
Tumikhim si Vance. "Bakit hindi kayo nakabili?" Tanong niya.
"Kasi... uhm.. kasi ano—!"
"Wala siyang pambili!" Pinutol ni Kenji ang sasabihin ko.
"Gaga!" Natatawang sabi ni Eiya. "Tara na nga! Ako na ang magbabayad, baka mapano ka pa." Prisinta niya tsaka tumayo.
"Sama ako," Nagsalita ulit si Kenji. "Yakie, tulak!"
Minadali niya pa 'ko para itulak siya. Ginawa ko na lang ang gusto niya gaya ng ginawa ko kanina, ihuhulog ko na lang siya kapag may nakita akong hagdan.
Nakasunod lang si Eiya sa 'kin, sigurado akong hindi niya rin alam kung nasa'n ang pharmacy, ako nga muntik ng maligaw eh.
"Ano bang gamot ang bibilhin mo?" Tanong niya.
Sumulyap ako sa resetang binigay ni doktora. Nagkibit balikat ako dahil hindi ko naman mabasa kung ano ang nakasulat.
"Basta pain reliever," na lang ang sagot ko.
"Gusto mong dagdagan natin yang sakit mo sa likod?" Sarkastikong tanong niya.
"Gusto mo ikaw na lang lagyan ko."
Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa, si Eiya nga talaga ang nagbayad ng lahat ng binili ko, nagtataka lang ako pa'nong nabasa nung nurse yung nakasulat sa papel, puro guhit at kurba-kurba lang naman ang nakasulat do'n.
Special powers.
"Baka gusto mong ibili na rin kita ng yelo para sa cold compress mo?"
"Kahit hindi na, yung freezer na lang ang ipapahid ko sa likod ko para damang-dama."
Tumawa kami. Pati si Kenji nakitawa na rin, hindi niya yata alam na nangangawit na 'ko kakatulak sa kaniya.
Nagkatinginan kaming dalawa nung nasa entrance na kami ng hospital, nginuso ko ang wheelchair, nagkibit balikat lang siya dahil hindi yata maintindihan ang sinenyas ko. Nagsnap fingers naman si Eiya sa mukha ko.
"Huwag kang ngumuso d'yan, kamukha mo si Donald duck sa ginagawa mo." Sabi niya. Bumaling siya kay Kenji. "Baba na, hindi ka naman namin itutulak hanggang kina Alexis."
Ngumuso ang matsing. "Ay hindi ba?" Sagot niya.
"Asa!" Inirapan siya ni Eiya.
"Ayoko! Itulak niyo ko hanggang do'n!" Turo niya sa mga kasama namin.
"Kung ayaw mong bumaba, maiwan ka d'yan." Sabi ko tsaka hinila si Eiya. "Tara na, Eiya, isumbong natin siya kay Hanna, sabihin natin ayaw niyang iwan yung mga nurses dito." Dagdag ko.
Panay kasi ang pacute niya sa mga nurses kanina, kumakaway pa siya tapos papasadahan ng palad ang buhok niya tsaka nagpopogi sign yata.
"Sabi ko baba na, tara na nga, ang baho dito, ang bagsik ng amoy!" Aniya tsaka nagpaunang naglakad sa 'min palabas.
Wala kaming nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya habang tatawa-tawa.
"Teka, nasa'n yung mga pinamili na 'tin?" Tanong ko nung makalapit kami sa kanila.
"Ampota, nahospital na lahat-lahat yung fishball pa rin ang hinahanap." Sagot ni Vance.
"Alangang hanapin ko yung mga isaw eh hindi naman namin paninda 'yon." Pambabara ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 58
Start from the beginning
