"Ji..." Tawag ko. Tumingin naman siya. "Samahan mo 'ko, bili tayo ng gamot."
"Sige! Let's go!" Excited na sabi niya.
"Sa pharmacy tayo pupunta hindi sa park, huwag kang magsaya."
Naglakad kami papasok ulit sa hospital, ang laki pala netong hospital na 'to, kabi-kabila kasi ang mga rooms, tapos may mga wheelchair din na available sa bawat sulok.
Ang daming nurse, hindi ko tuloy alam kung saan kami pupunta. Sabi ni doktora, sa tabi raw ng nurse station ang pharmacy.
"Ji, alam mo ba kung nasa'n yung— teka sa'n mo makuha 'yan?!"
Nagulat ako nung lingunin ko ang kasama ko na ngayon ay nakasakay sa wheelchair. Aliw na aliw pa sa pagpaalikot sa gulong no'n para umusad.
Ni hindi ko man lang siya nakitang huminto at kumuha ng wheelchair dahil panay ang paggala ng mata ko sa loob ng hospital.
"Do'n lang." Turo niya sa may mga benches.
"Bumababa ka d'yan, baka kailanganin nila 'yan!" Sita ko.
"Hindi 'yan, itulak mo nga ako."
Pinandilatan ko siya, inutusan pa 'ko.
"Ayoko nga, kaya mo na 'yan ikaw nakaisip niyan eh." Sagot ko sa kaniya.
"Tamad!" Singhal niya sa 'kin at pinaandar na ang wheelchair. "Itulak mo na kasi ako!" Pakiusap na ulit nung nahihirapan siyang paandarin 'yon.
Tinulak ko na lang siya na parang pasyente para tumahimik na sa kakadaldal.
"Yakie, nagugutom ako."
"Ako rin." Sagot ko.
"Bili tayo ng pagkain tapos ikaw magbabayad." Sabi niya kaya naman naitulak ko ng pabigla ang wheelchair kaya nahulog siya mula do'n.
Agad naman akong lumapit sa kaniya at tinulungan siyang tumayo. "Hehe, pasensya na, nambibigla ka eh."
"Nagugutom na kasi ako!" Sabi niya at hinimas ang tyan niya.
Nakagat ko na lang ang balat ko sa hintuturo ko dahil naalala kong wala pala akong dalang pera ngayon. Ni singkong duling wala, sabi kasi ni Asher ay siya ang magbabayad ng binili namin kaya hindi ako nagdala ng kahit ano.
Iniwan ko naman kasi ang bag kong walang laman kung hindi ang cellphone ko at yung mga pinagbalatan ko ng pagkain, kung may pera man siguro bente pesos na lang din ang nasa bag ko.
"Hala, sa'n tayo pupunta, Yakie?" Tanong niya.
Niliko ko kasi pabalik ang wheelchair, aano pa kami sa pharmacy kung wala akong dalang pera? Pwede bang umutang do'n tapos next year na lang bayaran?
Nagpakahirap pa naman ako kakahanap ng pharmacy tapos kamalas malasang wala akong pambili tapos nung tumingala ako sa dingding do'n ko lang nakita yung sign kung saan pwedeng makita ang pharmacy, nalampasan na pala namin.
May balat yata sa pwet 'tong kasama ko eh.
Napalingon naman agad ang mga kasama namin sa 'min ni Kenji, nagtataka silang tumingin sa 'kin. Si Trina ang unang nagsalita nung makalapit kami.
"Oh, nakabili na kayo ng gamot?" Tanong niya.
"Hindi eh." Sagot ko.
Sayang lang ang paglakad namin sa hospital, sayang ang energy. Umupo na lang ako sa lupa, sementado naman 'yon, kaysa naman sa lamesa ako umupo, mapagkalan pa nila akong lechon.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 58
Start from the beginning
