Kaya ayokong pinapaalam sa kaniya na pumasok ako sa gulo eh! Daig niya pa si mommy kung manermon at magbunganga, and take note, mas mahaba ang litaniya niya kaysa sa kay mommy. Kapag siya na ang nanermon ay paniguradong tiklop ka, wala ka ng magaga kung hindi pakinggan at sundin ang mga sinasabi niya.

"Kung gusto mo ng boxing halika—."

"Ah, ma'am nakakaistorbo na po kayo, kung pwede po ay sa labas na lang po kayo mag usap, bawal din po ang marami rito." Pagpuputol ng nurse sa sinasabi ni Eiya.

Mukhang naingayan na kay Eiya, konti lang ang pasyente dito sa E.R dahil sigurado akong nasa kani-kanilang room at ward na ang mga naunang pasyente.

Teka... kinapa ko ang dalawang kamay ko. Nagtataka lang ako. Bakit wala akong swero? Hindi ba 'ko naadmit? Akala ko kanina ay nacofine na 'ko dahil nandito ako sa hospital.

"Sorry, nurse." Napapahiyang sabi ni Eiya, tumango lang yung nurse at umalis na.

Nagpipigil naman kami ng tawang lahat dahil sa nangyari. Parang pulang kamatis ngayon ang mukha ni Eiya, alam kong nahihiya siya kaya gan'yan. Hindi na na'min napigilan ang sarili namin at tumawa na kami ng malakas.

Mas natawa pa kami nung sumama ang itsura ni Eiya at isa-isa kaming hinampas. Gusto ko ring mahiya kaso walang hiya 'tong tawa ko eh kaya wala akong magagawa.

"Labas na po kayo, ma'am, sir, nakakabulabog na po kayo." Sa pangalawang pagkakataon ay may lumapit na nurse sa 'min. Ramdam ko ang inis sa loob-loob ni nurse pero tinatago niya 'yon sa mga pilit na ngiti niya.

"Eh nurse—!"

"Labas!" Sigaw nung nurse tsaka itinuro ang pinto. "I mean, makakalabas na po kayo ma'am, sir, yung patient na lang po ang maiiwan..." Tumingin siya sa 'min, "kung meron man."

Ngumiwi ako. Hindi man ako nakaswero, pasyente pa rin ako. Alangan namang tumatambay lang kami dito, kerami-raming pwedeng pagtambayan bakit hospital pa?

"Gusto niyo po bang tumawag pa po ako ng—!"

"Nurse pwede na po ba 'kong umuwi?" Pagsabat ko, ayoko na dito.

Ang bagsik kasi ng amoy ng mga gamot, masakit sa ilong tapos isabay mo pa ang aircon. Nakakatakot yung mga syringes, pati yung dextrose. Isama mo pa yung puting mga dingding, basta ayoko dito.

Iuwi niyo na 'ko! Nagugutom na 'ko.

"Oo nga, pwede na ba siyang lumabas?" Tanong ni Vance, kunwaring inosente pero alam kong may bahid ng kalokohan ang tanong niya.

"Itatanong ko lang sa doctor." Sagot ng nurse at lumabas.

Natatawa akong bumaling sa kanila. "Ayan, tawa pa."

Tumawa kami pwera kay Asher at Adriel na biglang nag seryoso. Pinapanood lang nila kami. Bahala kayo, dapat be happy everyday.

"Eto kasi eh, ang lakas ng tawa." Pambibintang ni Trina kay Xavier.

"Teka, eh bakit ako?" Madrama pang tinuro ni Xavier ang sarili.

"Para kang bakla." Pang aasar ko, ang lambot kasi ng pilantik ng kamay niya.

"Anong bakla, gusto mong halikan kita ha?!" Banta niya tsaka tumalon sa kama.

Agad ko namang sinalag ang mga unan sa harapan ko. Lalapit na sana siya sa 'kin habang nakanguso nang magsalita si Adriel.

"I'll tell Shikainah if you do what you said."

Napatras naman agad si Xavier at tumalon ulit sa kama kanina, kinamot niya na lang ang batok niya tsaka sumimangot. "Sabi ko nga hindi na."

"Bakit pala ako nandito?" Pag iiba ko sa usapan dahil pinagtatawanan at inaasar na nila si Xavier, kesyo marupok daw siya, kesyo under daw siya kay Shikainah, halata namang under siya.

"Aba malay ko sa'yo, bakit mo sa 'min tinatanong." Sagot ni Trina.

"Itanong mo sa frog." Sagot ni Kenji na nasa side ko na pala, hindi na 'ko nagulat dahil sanay na 'ko sa kaniya.

Ninja yan.

"Hanap ka nga ng palaka, Vance." Utos ko.

"Bakit?"

"Ipapalunok ko lang sa lalaking 'to."

"Ang sama mo, Yakie!" Agad na sumimangot ang bata tsaka ako hinampas sa braso.

"Aray!" Napasigaw ako dahil kumirot ang likod ko dahil do'n.

"Ay, sorry, masakit?" Natatawang tanong niya. Inirapan ko na siya tsaka minamasahe ang braso ko.

Kapag ako nakuha, pipilayan kita.

Pumasok ang isang doctor at lumapit sa 'kin. Ang ganda pa ng ngiti niya sa 'kin.

"I am Dra. Valdez." Pagpapakilala niya. "Wala ka namang masyadong sugat na natamo, mukhang pagod ka kaya ka nahimatay, kung may masakit sa'yo ay sabihin mo sa 'kin para maagapan natin."

"Yung likod lang po, doc." Sagot ko, huli na nang maisip ko ang sagot ko, nagsilingunan ang mga kasama ko sa 'kin, mapasapo na lang ako sa noo ko at hinilamos ang mukha ko.

"Lumabas na muna ang ilan sa inyo, isa na lang ang maiiwan."

"Ako na ang maiiwan," prisinta ni Eiya.

Lumabas lahat sila at si Eiya na lang ang naiwan na ngayon ay pinapatay na 'ko sa isip niya dahil sa sama ng mukha niya.

May kung ano-anong ginawa sa 'kin yung doctor, pinataas niya pa ang damit ko, pati mga braso ko ay pinaangat niya, pinindot-pindot niya pa ang likod ko, panay daing lang nasagot, minsan ko pa ngang nahampas si doktora dahil sa sakit. Hindi ko naman 'yon sinasadya.

May kung anong sinulat siya sa bitbit niyang papel. Nakahinga ako ng maluwang ng matapos na ang mga ginagawa niyang torture sa 'kin.

"Wala ka namang pilay, mukhang hinampas ka ng malakas kaya nagpasa ng ganyan ang likod mo."

Hindi lang malakas, kundi ilang beses nilang ginawa 'yon, doktora. Teka, hampas ba yung ginawa nila sa 'kin? Parang hindi eh, parang siniko.

"Don't worry, hindi naman siya gano'ng malubha, may ibibigay lang ako sa 'yong gamot, pain reliever 'yon, inumin mo ng ilang araw hanggang mawala ang sakit. Kapag wala na ang sakit ng likod mo ay tigilan mo na ang pag inom."

Malamang doktora, alangan namang habang buhay ko yon na inumin.

"Magcoldcompress ka rin para maibsan ang sakit." Tumango ako sinabi niya.

"Sige po, doktora."

"At isa pa, ipahinga mo 'yang likod mo, huwag mong biglain, mabaya pa iyan kaya masakit."

"Opo."

"Sige." May sinulat siya sa hawak niya. "Eto ang reseta, sa pharmacy ka bumili, d'yan lang malapit sa nurse station. Maaari ka ng umuwi, wala ka ng babayaran para sa bill."

"Okay po."

"Take care of yourself." Aniya tsaka umalis na ng E.R.

"Kailangan 'tong malaman ni tita..."

Patay na!

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang