"Kanino?!" Napalakas ang boses niya kaya naman napatingin ang ilang nurse sa 'min.
"Wala. Hindi ko kilala."
Binatukan niya ko ng pagkalakas-lakas. "Sira na ba ulo mo? Nakikipag away ka sa hindi mo kilala, really huh?!" Inis na sabi niya.
Marahas kong kinamot ang ulo ko. "Eh, sa hindi ko kilala eh, anong magagawa ko." ngumuso pa 'ko. "Di'ba, Ji?" Tawag ko kay Kenji, naghahanap ako ng kakampi para paniwalaan ako ni Eiya.
Totoo naman ang sinabi ko, hindi ko naman talaga alam kung sino ang mga 'yon, hindi ko alam ang mga pangalan nila pero alam ko ang pagmumukha nila. Si amoy tabako, si Goliath na kulang sa sunblock, si mamang may toothpick at si kuyang may hawak na electric mosquito killer.
"Ha?" Nagtatakang tanong niya, mukhang lutang si Kenji ngayon dahil hindi siya nakakasabay sa chismis ko. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya napilitan siyang tumango. "O-oo... h-hindi namin kilala."
"Ano na na naman yang pinasok mo? Isusumbong kita kay tita!" Banta ni Eiya, agad naman akong umalma sa kaniya.
Hinawakan ko ang kamay braso niya kahit pa nanlalambot pa 'ko. Muntik pa 'kong mapasigaw nung biglang kumirot ang likod ko dahil sa paggalaw ko ng biglaan.
Hindi ko na lang pinahalata ang sakit no'n, huminga ako ng malalim. "‘Wag naman..." Pakiusap ko.
Sigurado na kasi akong papagalitan ako ni mommy at ni Kio kapag nalaman nila 'to tapos si daddy naman magsosona siya sa harap ko kahit sa screen lang. Ayoko nun.
"Pumasok ka na naman sa gulo."
"Hindi n mauulit."
"Buti naman, kasi kung gusto mo ng mamatay, ako nang gagawa no'n, ipapadagan kita sa pison!" Inis na banta niya, lumalakas ng lumalakas ang boses niya.
Tumayo siya sa harap ko at nagpamewang. Narinig ko ang bungisngisan ng iba, nagpipigil sila ng tawa dahil sa ginagawang panenermon ni Eiya.
Pinandilatan ko sila at inambahan kaya naman biglang lumakas ang tawanan nila, sabay-sabay 'yon, gusto ko ng lumunog sa kinauupuan ko dahil sa kahihiyan. Ako ang nahihiya sa kanila eh!
"Akala ko ba ay titigil kana sa kakaganyan mo?" Pinagtaasan ako ng isang kilay ni Eiya.
Ayan na nag uumpisa na si armalite. Tiklop na 'ko dito.
"Trip mo talagang maging basagulera 'no? Nung nasa Sta Luiciana tayo ay ayos pa kasi halos lahat ng estudyante do'n ay natatakot sa'yo, may kakampi ka din do'n minsan kasi hinahangaan ka nila. Pero ngayon!" Pasigaw na sabi niya sa huling litanya niya, napatalon pa do'n at napataas ang balikat ko ng biglaan.
"Pero ngayon, iba na, nasa ibang lugar kana, nasa ibang school na tayo, iba na ang mga tao."
Bakit? aliens na sila?
"Iba na ang mga estudyante."
Syempre kaya nga transferees tayo eh.
"At higit sa lahat iba ang pagtingin nila sa'yo."
Bakit? Bakla ba 'ko sa paningin nila?
"Hindi sila natatakot sa'yo, Isha. Hindi sila mag aatubiling saktan ka, kaya please lang!" Frustrated na sabi niya, napahilamos pa siya ng mukha at kinumpas-kumpas pa niya ang kamay niya sa hangin.
Natawa ako ng bahagya pero agad ko ring binawi 'yon dahil tinignan niya 'ko ng masama.
"Please lang iwasan mo na ang kakaganyan mo!"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 57
Start from the beginning
