"Hoy! Babae! Gumising ka d'yan!" Utos ni Zycheia sa tulog na Heira, inalog-alog niya ang paa nito. "May utang kang paliwanag sa 'kin." Dagdag niya tsaka sinampal si Heira.
Hindi ko alam kung maawa ako, magagalit ako, o matatawa ako sa ginawa ni Zycheia kaya naman hindi na 'ko nag react, kinagat ko na lang ang ibabang labi ko.
Pinindot-pindot niya ang pisngi ni Heira habang nakaupo siya sa tabi niya, pilit niyang ginigising ang babaeng knocked out.
"Hey, stop that, she needs to rest." Saway ni Adriel sa kaniya. Hinawakan pa niya ang braso nito.
Binawi naman agad ni Zycheia ang braso niya tsaka pinaningkitan ng mata si Adriel. "Gusto mo ikaw samapalin ko? Back to back, front to front, side by side." Banta niya, natatawang umatras naman si Adriel habang nakataas ang dalawang kamay niya na parang sumusuko.
"Hintayin na lang natin siyang magising, 'wag mong gisingin." Sabi naman ni Vance.
Prenteng nakaupo ang tatlo sa unang kama, parang sila ang pasyente ah, nakataas pa ang isang paa sa kama habang ang isa naman ay nakalaglag.
Sina Adriel naman ay nasa harap namin, nanonood.
"Bakit hindi siya nakaswero?" Inosenteng tanong ni Kenji.
"Tanong mo sa doctor." Napaamang ako nung sabay kami ni Vance na sumagot. Nag iwas na lang ako ng tingin.
Bahala kayo d'yan.
"Baka pwede na kayong magsabi kung anong nangyari 'no?" Sarkastikong sabi ni Zycheia.
Mukhang suko na siya sa kakaalog dahil ni hindi man lang gumalaw si Heira sa kinahigigaan niya.
"She fainted." Sagot ni Asher.
Dalawang salita lang 'yon pero parang nagising ang utak ko. Nahimatay siya? Bakit? May sakit ba si Heira?
"Bakit?" Bago ko pa namalayaan ay 'yon na ang nasabi ko.
"Basta tumayo lang siya tapos biglang natumba tapos wala na siyang malay." Singit ni Kenji.
"Tumayo?" Tanong ni Zycheia, tumango sa kaniya yung dalawa. "So, ibig sabihin no'n ay natumba na siya, naulit lang?"
Oo nga 'no, ang talino talaga ni Zycheia. Ang taba-taba ng utak, kaibigan ko 'yan uy!
"Yes."
"Anong ginawa niyo sa kaniya? May ginawa ba kayong masama ha?!" Nagbibintang agad ang boses ni Zycheia.
Tumayo siya at nagpamewang sa harap namin. Dinuro niya si Asher, wala namang reaction ang mukha nung isa. Nakatingin lang siya sa babae.
Tuloy ay gusto kong matawa, para silang mag asawa na nag aakusahan kung sino ang may kasalan o sinong nangangaliwa.
"Wala ah, makapagbintang ka naman d'yan." Si Kenji ang sumagot. Nginangatngat pa ang mga kuko niya sa daliri bago humiga ng tuluyan sa kama.
"Tulog na beybi." Sumakay na si Xavier sa kalokohan ni hapon.
Ngumiwi ako dahil tinatapik-tapik niya pa ang pwetan ni Kenji habang nakatagilid. Si Vance naman ay pinagtitripan silang dalawa. Kung nandito pa siguro si Mavi neto ay hindi ko na alam ang gagawin ko.
"We did nothing to her." Seryosong sagot ni Asher.
Ke tagal-tagal naman netong sumagot, para oo o hindi lang naman ang sagot sa tanong ni Zycheia.
"Siguraduhin mo lang, dahil kapag talaga! Yayariin kita!" Banta niya.
"Hintayin niyo siyang magising tapos siya ang tanungin niyo." Sabat ni Adriel.
"Pwede naman ka—!"
Natigilan ako sa pagsasalita nung marinig namin ang pagdaing ni Heira.
———————————————
HEIRA'S POV
Panay ang takbo ko sa isang hindi ko malamang lugar, lugar na puro estudyante lang ang nagkalat, isang lugar kung asan pamilyar na pamilyar pero hindi ko alam kung saan nga ba ang lokasyon na 'to.
"Takbo, Sylvia! Takbo!"
Natakpan ko ang dalawang tenga ko dahil sa boses na narinig ko. Boses na walang ginawa kundi ang takutin ako.
Tumakbo ako ng tumakbo, lumapit ako sa mga estudyante pero para bang hindi nila ako nakikita o nararamdaman man lang, pumasok ako sa faculty room, nando'n ang mga teacher na kaniya-kaniya ang mundo. May gumagawa ng presentation, may nagbabasa, may natutulog, may nagsusukalay, may nagchecheck ng papers at kung ano-ano pa.
"Sige pa! Sylvia! Tumakbo ka lang hanggang mapagod ka, Heya!"
Tumagundong ulit iyon sa pandinig ko, mas hinigpitan ko pa ang pagkakatakip ko sa tenga ko, namalayan ko na lang ang sarili kong umiiyak, panay ang pag agos ng luha sa pisngi ko.
Sinubukan kong lumapit sa mga teachers ngunit gaya ng mga estudyante ay parang hindi rin nila ako nakikita. Panay ang hila ko sa mga kamay nila, nakikiusap, nagmamakaawa na, ngunit wala pa rin, para bang hindi nila ako maramdaman.
"Ma'am, tulong po!" Pagmamakaawa ko, lumuhod na 'ko sa harap nila.
"Alam mo, sir, masyadong mahirap ngayon ang mga lesson, eh 'no?" Yon lang ang narinig kong sagot.
Humagulgol na lang ako dahil sa kawalan ng pag asa na makaalis ako dito at makatakas sa mga demonyong umaaligid sa 'kin.
"Wala kang katakas sa 'min. Gawin mo ang nararapat gawin kung ayaw mong masaktan." Naroon ang mga lalaki sa pintuan, pawang mga walang mukha at malalaki ang mga katawan.
Nasinghap ako sa hangin bago tumakbo, dumaan ako sa kabilang pinto, kung saan malayo sa kinatatayuan nila.
Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para tumakbo at lumayo hanggang sa makarating ako sa dulo ng pasilyo, panay ang patay sindi ng mga ilaw, walang tao, maraming kalat, amoy sigarilyo at nakakatakot.
Nung muli kong nilingon ang likod ko para sana ay bumalik na lang ako at maghanap ng ibang daan ay isang iglap ay parang nagbalik kami sa ibang dimensyo. Nawala na sa paningin ko ang lugar na aking tinahak. Napalitan 'yon ng pawang madilim na lugar. Nakakapangilabot na lugar, pumaspas ang malamig na hangin sa katawan ko.
Kasabay ng paghakbang ko ay siyang panghihina ng tuhod ko dahil sa malakas na hampas sa likod ko.
"Ang sabi ko naman sayo, Sylvia, wala kang katakas." Aniya tsaka ako hinampas ulit.
"AAAAAAAH!" Daing ko. Ayan na na naman ang mata kong parang gripo kung maglabas ng luha. Lumapit ang napakaraming lalaki sa gawi namin. Napailing na lang ako, alam kong wala na 'kong pag asang makawala rito pero kailangan kong sumubok.
Walang ibang tutulong sa'yo kung hindi sarili mo, Heira. Kailangan mong sanayin ang sarili mo na mag isa dahil hindi sa lahat ng oras ay may kasama ka.
"TULOOOOOONG!"
Huling katagang naisigaw ko bago pa mawala ang mga taong iyon sa paningin ko. Napalitan iyon ng isang maliwanag, puti at maingay na lugar.
Salamat...
"HEIRA!"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 56
Start from the beginning
