Xavier?!
Lumaki ang mata ko, nagulat akoeh, bakit nandito 'to? Wala naman 'to kanina ah. Nag teleport kaya siya?
Binatukan siya ni Vance. "Hm! Gago, pati sa gan'tong sitwasyon dala mo 'yang kasiraan ng ulo mo."
"Ano ba?!" Hinimas niya ang batok niya. "Akala mo naman hindi ka siraulo! Parehas lang tayo 'dre, tsaka kinokomfort ko lang si Zycheia, baka sumunod siya kay Heira eh."
"Ya!"
"Hoy!"
"Siraulo!"
Sabay-sabay na saway nina Kenji, Asher, at Vance nung sabihin niya 'yon, napatingin ako kay Zycheia na ngayon ay parang gusto ng sakalin ng mahigpit na mahigpit si Xavier, ang sama ng tingin niya sa kaniya, parang pinipigilan niya pa ang sarili niyang dakmain si Xav dahil nakakuyom ang mga kamay niya.
Natahimik muna kami saglit, nakaupo si Kenji sa tabi ni Asher at Zycheia, kami naman ay nakatayo sa harap ng tatlo, nakaharang pa nga kami sa daraanan buti na lang walang masyong bumadaan dito sa pwesto namin.
"What happened?" Si Adriel ang bumasag ng katahimikan.
Nagkibit balikat lang si Asher, parang walang alam sa nangyari.
Bakit wala siyang alam eh magkasama silang tatlo kanina?!
"Putangina ano nananamang nangyari?!" Galit na tanong ni Zycheia.
Napatalon ako sa gulat. Lutong no'n.
Do'n ko pa lang siya nakitang gano'n, madalas kasi umiiyak siya kapag may nangyayaring masama kay Heira, ngayon naman walang luhang pumapatak sa mata niya pero may galit naman do'n
Galit na nakakapaso, nagliliyab. Pwede ng magluto ng itlog.
"Kenji... kayo ang kasama niya, so anong nangyari?" Tanong ni Vance sa bata.
"Hindi ko rin alam." Natatakot na sagot ni Kenji, pinaglalaruan niya ang mga daliri niya sa kamay habang nakayuko.
"Kayong dalawa lang ang kasama niya, pa'no hindi niyo alam? Hinayaan niyo siyang mag isa? O iniwanan niyo?!" Tanong ulit ni Zycheia, nakakuyom talaga ang mga palad niya.
Nilapitan ko siya, umusog naman si Kenji para makaupo ako sa tabi ni Zycheia. Inagod ko ang likod niya, baka sakaling mapakalma ko siya.
"Kalma lang, magiging okay din siya." Sabi ko, hindi ko alam kung gagana ang pang aalo ko sa kaniya pero sinubukan ko pa rin.
Bumukas ang pintuan ng E.R, hindi ko alam kung gaano na katagal nandito 'tong tatlo na 'to. "Okay na po siya, she just need to rest." Aniya.
Wow, english. Spokening dollars.
"Talaga?!" Napapatayong tanong ko, napaatras naman siya dahil sa pagkabigla, napahawak pa siya sa dibdib niya.
"Y-yes... p-po, pwede n-niyo na p-po s-siyang p-puntahan." Sabi niya at agad na umibis.
Bahagyang tinulak ni Vance ang ulo ko. "Ayan, sira ka, nabigla tuloy, buti na lang hindi siya naatake." Sabi niya at tumawa.
Tinaasan ko siya ng isang kilay, pinagkrus ko ang mga kamay ko sa harap niya at inirapan niya, nagflip hair ako tsaka maarteng tumalikod na.
Hinila ko si Zycheia papasok ng E.R, sumunod naman yung mga boys sa 'min. Nasa pangalawang higaan si Heira, tulog na tulog siya.
Puyat yata?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 56
Start from the beginning
