Lumapit silang dalawa sa 'kin, lumuhod pa sila para magpantay ang mga paningin naming tatlo.

"Yakie, o-okay ka lang?" Tanong ni Kenji, gumagaralgal na ang boses niya, nilagay niya ang palad niya sa likod ko at marahang hinagod 'yon, alam kong gusto niya 'kong icomfort pero...

"Aray!" Daing ko, natamaan niya kasi ang parte ng likod ko kung saan nila ako pinuruhan.

"Hala... s-sorry..." Tinanggal niya ang palad niya sa likod ko.

Hindi pa rin ako tumingin sa kanila pero alam kong nakatitig silang dalawa sa 'kin at nag aalala.

"What happened?" Tanong ni Asher, mas yumuko pa siya, nilagay niya ang takas na buhok ko sa likod ng tenga ko dahil natatakpan no'n ang mukha ko.

"Sorry... Yakie..." Pag uulit ni Kenji.

Umiling ako, hindi ko alam kung bakit siya nag sosorry eh hindi naman niya kasalanan ang nangyari, siya pa nga ang tumulong sa 'kin.

Hinawakan ni Asher ang baba ko para iharap ako sa kaniya, sandaling nagtama ang paningin namin pero agad din akong pumikit dahil nga nahihilo ako!

"Are you okay? Dadalhin ka namin sa hospital. Anong nangyari?" Sunod-sunod na tanong niya.

Dahan-dahan akong tumayo, sinubukan nila akong alalayan pero tumanggi ako, sumenyas akong 'wag na' para pigilan ang mga kamay nilang handang umalalay sa 'kin kung may mangyari man.

Iika-ika akong naglakad habang hawak ko ang tyan ko, pakiramdam ko ay naduduwal ako sa sakit no'n.

Nasa limang hakbang pa lang yata ang nagagawa ko ay mas tumindi ang pagkahilo ko, nagdilim ang paningin ko at kasunod no'n ay siyang magbagsak ko sa lupa.

"HEIRA!"

"YAKIE!"

       ———————————————

ASHER'S POV

Fuck...

"HEIRA!" I screamed when I saw Heira faint. Tuloy-tuloy siyang bumagsak sa lupa.

We immediately approached her, she was pale and her hair messy. I keep wondering what happened to them while I was not here.

"Buhatin mo..." he begged, he looked like he was going to cry because his voice was rasping. "Dahil natin siya hospital." He added.

I carefully lifted Heira, mukhang pagod siya at latang-lata na.

Ano bang nangyari dito?

Sandali lang akong nagpaalam sa kaniya para bumili ng miryenda, maayos ko silang iniwan dito kanina.

It took me a while because I helped an old saleswoman who was having a hard time carrying her onion and garlic goods.

And then, gan'to na ang madadatnan ko, may nakasalubong lang akong grupo ng mga nakaitim kanina, ang iba ay duguan ang mukha, may sugat at yung iba naman walang malay.

Nung lumapit ako ay nakita ko na lang na nakaupo na si Heira sa lupa, mukhang may iniinda nang sakit sa katawan.

Nagmadali kaming pumunta sa terminal ng mga tricycle, pinagtitinginan kami ng mga taong nadadaanan namin. Halos itulak na nga ni Kenji ang mga taong nakaharang para lang makadaan kami.

I called the tricycle driver, we immediately rode there, I also told the driver where we were going.

We took Heira to the hospital, we were worried about her condition, she didn't have too many wounds but she was pale and unconscious.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now