Linta ba 'to?

"Sa'n naman 'yon?"

"Do'n!" Turo niya sa dulong parte ng palengke. "Nakita ko kanina 'yon, maganda do'n!"

"Mainit!" Reklamo ko.

"E 'di do'n tayo sa may puno! Malimlim do'n." Pagpipilit niya.

Tumingin ako kay Asher, tumango siya. "Saglit lang tayo, may ititinda pa tayo!" Sang ayon ko, agad naman niya 'kong hinila.

Kawawa naman 'tong isa kong kasama, siya na nga ang nagbayad ng pinamili namin tapos siya pa ang nagbitbit, buti na lang talaga mahaba ang pisi ng pasensya neto.

Naglakad kami papunta sa park na sinasabi netong lalaki na 'to. Bandang likuran na 'yon ng palengke, halos mga pwesto na lang ng mga boutiques.

"Yakie, dito tayo... dito... dito." Panghihila ni Kenji, nagpatianod na lang ako sa kaniya.

Children's park yata 'tong pinuntahan namin eh, puro kasi chikiting ang naglalaro tapos lahat ng mga pwedeng paglaruan ay maliit. Gaya na lang ng swing na pwedeng sumayad ang pwet mo kapag sumakay ka at yung monkey bars na kahit itaas mo ang paa mo sasayad naman ang tuhod mo.

Umupo kami sa ilalim ng puno ng nara, malimlim, mahangin. Umupo rin si Asher sa tabi ko, sa damuhan lang kami nakaupo.

"Wooopieeee!" Sigaw na agad ni Kenji, tuwang-tuwa sa pagsakay sa swing, pinakalakas niya pa 'yon halos umikot na ang swing sa kaniya, at ang sira, may sarili siyang taga tulak.

Kawawa naman yung batang nagtutulak sa kaniya hindi makapaglaro ng maayos, sa postura niya parang napipilitan lang siya. Baka tinakot lang siya.

"Gusto mong mag slide?" Mahinang tanong ni Asher maya-maya, nakatungkod ang dalawang palad niya sa lupa habang nakaindian sit siya.

"Ayoko nga! Baka bumigay lang 'yan." Tanggi ko, limang maliliit na hakbang lang yata ang meron ang slide, singtaas lang no'n ang height ni Asher, pang bata lang talaga, kahit gusto ko namang magslide natatakot akong mawasak 'yon.

Baka umiyak yung mga bonakids.

"Sure ka? Baka naman masama ang loob mo dahil hindi ka nakapaglaro." Saka siya tumawa ng malakas.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "Paliparin kaya kita do'n sa swing?" Banta ko.

Mas lumakas ang tawa niya, umiling pa.

Naalala ko ang nangyari kanina. Kung paano na lang ang sama ng tingin ni Asher kay gwapong kargador, at ang tigas ng pagbanggit ni gwapong kargador sa pangalan ni Asher.

Parang magkakilala na sila ng matagal, parang may nakaraan sila tapos hanggang ngayon hindi pa rin natatapos. Parang may alitan na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaregluhan.

"Magkakilala pala kayo ni gwapong kargador?" Tanong ko, pinirmi ko na lang ang paningin ko sa kaniya, nakakahilo pala panoorin ang mga batang nagtatakbuhan, ang lilikot.

"What? Gwapong kargador? Who's that?" Takang tanong niya.

Magtatanong na lang, mag eenglish pa. Papahirapan talaga ako ng taong 'to eh. Huwag mo 'ko ng subukan, kaya ko rin niyan.

"The man who hit my forehead earlier." I answered.

And I thank you. Bow.

Teka, nahilo yata ako dahil sa biglang pag eenglish ko, nagkagulo yata ang mga braincells ko, hindi yata nakayanan.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now