"Wala na." Sumenyas pa siya. "Ubos na."
"Sumakit sana tyan mo!" Sagot ko tsaka ko kinalibit si Asher, nasa kabilang table sila, katabi nung sa 'min.
"Why?"
"Penge." Nahihiyang sabi ko.
Teka nga! Ano bang nakakahiya do'n eh pagkain naman 'yon, kakainin ko naman hindi ko naman itatapon 'yon.
Tumawa siya ng mahina saka umiling. Kinuha niya ang isang kanin na hindi pa nabubuksan, pati yung isang mangkok ng kare-kare ay inabot niya sa 'kin.
"Sure kang ibibigay mo sa 'kin 'to?" Paninigurado ko.
"You can have it, hindi ko naman mauubos 'yan, pero ikaw mauubos mo."
"Ang sama mo ah!" Tumawa lang siya sa sagot ko.
Kumain na lang ako, hindi ko na pinansin ang mga nag iingayang kasama ko, walang salitang namutawi sa bibig ko. Busy ako ngayon, wala munang manggugulo.
"Pupunta na ba tayo sa palengke?" Tanong ko kay Asher habang nagpapahinga, tapos na kaming kumain.
"Yes, mamayang konti."
"Anong oras?"
"Anong oras ba ang gusto ko?"
"Sabi ko nga mamayang konti na."
"Sama ako!" Sabat ni Kenji, nakapatong sa lamesa si Maren, siya ang nagbabantay.
"Huwag na, ang lapit lang naman no'n, laruin mo na lang si Maren." Si Trina ang sumagot. "Diba, baby?" Baling niya kay Maren, tumango naman ang bata.
"Sasama ako sayo, Yakie!" Pagpupumilit niya.
"D'yan ka na lang, tumulong na lang kayo sa 'min." Sabi ni Alzhane.
"Ano ka? Sinusweeeeerte?" Masamang tingin na sagot ni Kenji.
"Para tulong lang eh, kahit tagapaypay lang." Pangungulit ni Hanna.
"Ayoko, Hannamiloves, baka mangamoy usok ako."
"Sira! Malamang ihawan 'yon eh." Pambabara ko.
"Sasama mo 'ko diba? Diba, 'ate'? Madiing sabi niya.
"Basta ba ikaw ang taga bitbit ko, pwede na." Sagot ko.
"Sige ba! Basta sasama ako!" Masiglang sabi niya.
Kinuha ko ang bag ko tsaka nilabas ang cookies na para kay Maren, pati yung dalawang chuckie, tig-isa kami. Binaba ko ulit ang bag ko sa tabi ko, halos mapatalon ako nung makita kong nakatingin silang lahat sa 'kin.
Bumaba ang tingin nila sa hawak ko. Maling ideya yata ang paglabas ko ng pagkain dito.
Napalunok ako, "Maren, halika dito dali." Utos ko, gumapang naman siya sa lamesa papunta sa 'kin. "Gusto mo neto?"
Hindi pa siya nakakasagot, may nakauna na sa kaniya.
"Ako, gusto ko!" Sabi ni Mavi saka Kenji in unison.
"Hindi kayo ang tinatanong ko."
"Hindi mo man lang kami bibigyan?" Nagmamakaawang sabi ni Xavier.
"Bili ka."
"Kunin niyo ang bag niya, nando'n ang kayamanan." Utos ni Eiya, pinanlakihan ko siya ng mata.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 52
Start from the beginning
