"Ayos lang 'yan, Van, may bukas pa." Kunwaring pang aalo ni Timber sa kaniya, hinahagod niya pa ang likod ni Vance, pinalo naman siya ni Vance.

"Mauubos din ang amin! Matatalo kayo! Paramihan ng benta ang usapan, hindi paramihan ng naubos na tinda! Just wait." Pagbabanta niya tsaka bumalik sa pwesto nila.

"Sira ulo talaga, ay." Sabi ni Timber.

"Ano na, Timber? Sa tingin mo, mas marami tayong benta kesa sa kanila diba?" Umaasang tanong ni Eiya.

Nagkibit balikat lang ang lalaki. "I don't know, baka nga dayain lang tayo ng mga 'yon."

"May listahan ng mga pinamili kanina, dahil nga sa deal kaya pinalista nila, nakaestimate na rin ang amount na pwede nating kitain ngayon."

"Buti naman! Ayokong maparusahan 'no!" Sabi ni Kenji.

"Kaya pa 'yan! Paubos na oh! Umaga pa lang 'yan, pa'no pa kaya mamayang hapon, eh miryenda na 'yon?" Pagpapagaan ko sa loob nila.

"Kapag mapaubos na natin ang mga 'to, kain na tayo, lunch time na rin." Sabi ni Asher.

"Kaya pala nagugutom na 'ko." Sabi naman ni Kenji.

"Lagi kang gutom, Ji. Wala nang bago do'n." Sabi ko, sumimangot naman siya.

"Sa karinderya na lang tayo kumain." Suggestion ni Xavier.

"Malamang! Alangan namang lumayo pa tayo? Eh, eto nga ang tinutulangan na 'tin 'no!" Sabi ni Eiya.

"Oo nga 'no, ang bobo mo talaga, Tim." Pagpapasa niya kay Timber.

Binatukan siya, "isasali mo pa 'ko sa katangahan mo eh! Mas bobo ka nga sa 'kin!"

"Ang sakit mo magsalita ah! Tinawag mo na nga akong tanga tapos may bobo pa." Madramang sabi ni Xavier.

"Talaga naman ah! Kahit nga sa pag ibig ay ta—."

"Sige ituloy mo, ‘dre, sasapakin ko yang matangos mong ilong! Tignan na 'tin kung hindi ka mapapango." Banta ni Xavier.

"Ate, fishball po, ten pesos!" Tawag nung isang lalake, kung hindi lang ako nakapagpigil baka lumipad na ang syanse sa mukha niya, nasa harap ko lang siya kung makasigaw akala mo naman isang kilometro ang layo namin.

Si Xavier ang lagay ng fishball sa kawali, bilang na bilang niya pa ang mga 'yon.

"Eiya, palagay naman ng twenty pieces na cheese sticks 'to oh." Pagsuyo ko kay Eiya.

"Ate ganda may kwek-kwek pa po?" Tanong ng batang lalaki nasa gilid ko, kinakalbit pa 'ko.

"Oo, kaso dalawang piraso na lang eh." Sagot ko.

"Sige po, magkano po 'yon?"

"Five."

"Eto po." Abot niya sa bayad niya.

Ako na mismo ang kumuha ng baso at nilagay ang dalawang pirasong kwek-kwek do'n.

"Sauce ba o suka?"

"O."

"Ha?"

"Wala po, okay na po 'to." Sagot niya tsaka umalis.

Gaya ng sinabi nila, pinaubos na lang namin ang mga natitirang paninda, unti-unti na ring nawala ang mga costumers pati ang mga dumadaan, maiinit na kasi masyaso at oras na ng pagkain, pangtanghalian.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now