"Kayo na ni Elijah 'no?" Nanghihinalang tanong ko.
"Ofcourse not!"
"Talaga ba?" Naghimig sarkastiko na 'ko.
Tumango siya at nag iwas ng tingin. "Oo naman."
"Si Elijah na lang ang tatanungin ko."
Akmang hahakbang ako pero agad niyang hinila ang kamay ko dahilan para mapatigil ako.
"Huwag naman, Isha naman ih!" Sabi niya tsaka napakamot sa batok.
Pinanliitan ko siya ng mata, tinuro ko ang dalawang mata ko gamit ang dalawang daliri ko tapos yung mata niya naman ang dinuro ko. Napalunok siya at nilagok ang tubig na hawak niya.
Ubos.
Nakita kong lumabas mula sa karinderya si Alexis, naka simpleng shorts at blue t-shirt siya, may hawak siyang eco-bag, pupunta na siya siguro sa hospital, kinawayan ko siya, ngumiti naman siya sa 'kin. Tinignan ko lang siya sumakay ng tricycle hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
"Heira... wala na tayong fishball, pakuha naman ng bago oh." Pakiusap ni Xavier.
Tumango ako. "Eiya, ikaw muna dito." Sabi ko, tumayo naman siya tsaka kinuha ang syanse sa kamay ko.
Nagmadali akong pumasok ulit sa karinderya dahil kahit alas onse pa lang ng umaga ay marami ng bumibili sa 'min, maganda naman 'yon pero nakakapagod at nakakabaliw dahil sa dami ng boses na umaalingawngaw kahit saan ka tumingin.
Kami lang naman ang nagtitinda ng street food sa buong bario nina Alexis, hindi na 'ko nagtataka kung bakit maraming costumers, halos hindi na nga nawawalan ng laman ang kawali, laging may nakasalang. Panay lagay din namin ng sauce at suka sa lalagyan, mas nasarapan pa nga yata sila do'n kesa sa mga pinipirito namin eh.
Lakad takbo na ang ginawa ko para makapasok agad sa kusina, kailangan naming mapaubos ang mga paninda namin, kailangang makuha namin ang quota at hindi dapat kami matalo sa team ihawan dahil may deal 'no.
Pumasok ako ng kusina, medyo madulas pa nga dahil nakatiles 'yon, nakita kong naghuhugas ng plato si Maurence, naka-airphones pa ang lalaki, feel na feel niya pa ata ang kanta dahil inaalog alog niya ang ulo niya, kumekembot kembot pa siya.
Umiling na lang ako tsaka lumapit sa may ref. Kinuha ko na ang dapat na kuhanin, dinagdagan ko na ang mga 'yon para hindi na kami pabalik-balik.
Binitbit ko ang mga 'yon gamit ang dalawang braso ko. Napangiwi ako nung maramdaman ko ang lamig na galing sa mga plastics.
Nagmadali akong lumabas ng kusina, hindi na alintana ang sahig pero...
"AAAAAHH!"
Nakakaisang hakbang pa lang ako palabas nang may nakabungguan ako, naihagis ko sa ere ang mga hawak ko, akala ko talaga babagsak na na naman ang balakang ko sa sahig, buti na lang... buti na lang talaga at may humigit sa bewang ko.
Lucas...
Nagkatinginan kami, may kung anong kuryente ang bumalot sa katawan ko, pumupungay ang mga mata niya, mga matang nag aalala. Nakakalusaw... nakakatunaw ang mukha niya.
"I'm sory, are you okay?" Tanong niya sa 'kin tsaka tinulungan akong tumayo.
Muntik pa akong matumba dahil nangangatog... nanlalambot ang tuhod ko. Ikaw ba naman saluhin ng crush mo, sinong hindi manlalambot?Lumunok muna ako bago sumagot, feeling ko nag iinit ang pisngi ko.
"Oo, ayos lang ako." Bahagya pa 'kong nautal.
"Be careful next time." Aniya. "I gotta go." Paalam niya, napasimangot tuloy ako.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 50
Start from the beginning
