Bumalik ako sa mga kasama namin, habang nagkukwentuhan sila ay humihigop ako ng kape. Nung matapos ay lumabas si lola sa kusina, may dalang tray, may mga stick 'yon kaya alam kong pang ihaw ang mga 'yon.

"Tara na!" Excited na aya ni Kenji.

"Marinated na ang mga ito, may nabili na rin kaming uling, nakaset up na ang pang ihaw, halos kumpleto na, customers na lang ang kulang." Sabi ni Alzhane.

"Tara, Yakie!" Aya ni Kenji.

"Sa'n?"

"Sa kusina, haler?! Kunin natin yung mga ibebenta na 'tin."

"Tara!" Sabi ko.

Pumunta kami ng kusina, hinila ko na rin ang mga kasama ko sa fishballan, nakaref pa ang mga 'yon, pero halatang bago pa. Nailaga na ang mga itlog ng itik tsaka may nakatimplang harina rin para sa kwek-kwek.

Nakasabay ko sa paglabas sa karinderya si Kayden, napahinto kaming pareho. May dala rin siyang tray ng isaw na siyang ititinda nila. Ngumisi siya!

"Let the battle begin. Tch, back off, hindi naman kayo mananalo." Aniya, naghahamon.

Pagkatapos no'n ay iniwan niya 'kong tulala sa nakapako sa kinatatayuan ko. Napapadyak ako dahil sa inis dahil sa kayabangan niya. Laban ba 'kamo? Sige ibibigay ko sa 'yo.

Lumapit ako sa mga kasama kong nakaapron, ako lang yata ang hindi, pinaghandaan talaga nila 'to, bet na bet talaga nilang maging tindera't tindero.

Malinis ang cart ng fishballan. Walang alikabok, walang dahon, at walang bakas na ginamit na, parang bagong gawa. May tatlong layer 'yon, ang unang layer na nasa pinakababa ay pinaglagyan namin ng mga disposable cup.

Ang pangalawang layer naman ay pinagpatungan namin ng mga itinitinda namin, mga reserba gano'n. Nakapatong sa yelo ang mga reserbang fishball, kikiam, chickenball, squidball, hotdog, french fries tsaka cheese sticks para hindi masira at para hindi umasim.

Ang huling layer ay yung mismong pinaglulutuan, may kawaling nakapatong sa kalan at may cooking oil na, nakadisplay na rin yung walong mga tuperware na may laman na iba't iba, may sauce at suka rin sa kabilang banda.

Mga alas diyes ng umaga nung magkaro'n kami ng mga costumers, wala namang pasok kaya halos mga teenager ang bumibili. Dagsa rin ang mga bumibili sa ihawan.

Napangiti na lang ako dahil sa simpleng paggawa namin nito, matutulungan namin ang mama ni Alexis at the same time nakakapagbonding din kaming magkakaklase.

"Ate! Dito po! Masarap po ang sauce na ginawa namin!" Nanghila na ng customer si Eiya, sapilitan niya ng hinihila tsaka magiliw na pinapapili sa mga tinitinda namin. Tumatawa lang ang mga customer dahil sa kaniya, bumibili naman ang mga 'yon.

"Hay nako! Ate! Dito! Bili na kayo! Marinated ang mga barbecue namin, masarap ang suka at sauce dito! Pati ang mga nagtitinda masarap!" Sabi ni Vance habang nagpapaypay.

"Fresh pa po ang mga fishball namin dito! Lahat ng tinitinda namin fresh kaya 'wag na kayong magtaka kung pati ako fresh!" Sigaw ni Xavier, siya ang nagbibilog sa kwek-kwek.

"Huwag po kayong maniwala dito sa katabi ko, palabiro po talaga siya!" Pambabara ko sa kaniya, ako ang nakatoka sa pagluluto.

Natawa naman ang mga costumers namin dahil sa pambabara namin sa kaniya.

"Ilan pong fishball ang sa inyo?" Tanong ni Asher sa isang dalagita. Panay pacute ng babae sa kaniya, nakacrop top siya tapos maliit ang short, kita tuloy ang nagdidilim na langit.

Nilagay muna ng babae ang buhok niya sa gilid ng tenga niya bago sumagot. "Limang pisong kikiam." Inipit niya pa ang boses niya nung sabihin niya 'yon, boses daga tuloy, kaya nga natawa kami ni Xavier sa kaniya pero hindi namin pinahalata.

"Okay." Sabi na lang ni Asher, kumuha siya ng baso tsaka nilagyan ng limang kikiam 'yon, inabot niya sa babae, inabot naman nung babae ang bayad niya, halos panlakihan siya ng mata ni Abo nung hindi na halos bitawan nung babae ang kamay niya, padarag niyang hinablot 'yon tsaka lumapit kay Timber.

Ako at si Xavier ang nakatoka sa pagluluto, si Asher ang nagtutuhog at nagbibigay sa mga customer, si Kenji at Eiya naman ang nanghihila ng customer, at si Timber ang siyang nagbabantay sa kaha.

"French fries nga po twenty pesos."

"Fishball po, ten pesos."

"Tatlong hotdogs po."

"Squidball po tsaka kwek-kwek."

"Cheese sticks po, fifteen pesos!"

'Yan na halos ang narinig ko, nilakasan ko na nga ang kalan para maluto agad ang mga binibili nila. Nagsasalitan din kami ni Xavier sa pagluluto, buti na lang at nabalatan na ang mga nilagang itlog ng itik, nilulubog na lang namin 'yon sa mixture na kulay orange, deretso na sa kawali pagkatapos no'n.

Tinignan ko sina Kenji at Eiya sa ginagawa nila, parehas na may towel ang isang balikat nila. Lumalampas na sila sa gilid ng daan, hinaharang nila ang mga taong dumadaan tsaka nila kinakausap, nakikita ko pang sinasayawan nila ang mga 'yon, kahit ako natatawa sa kanila, pagtumawa na ang customer, matik na na lalapit sila sa 'min tsaka bibili.

Marketing strategy 101 by the team fishballan.

"Hoy! Aiden! Manghila rin kayo ng customers, madadaya sina, Yakie!" Narinig kong utos ni Vance.

"Bakit hindi ikaw? Madaldal ka naman diba?" Pambabara ni Aiden sa kaniya, inabutan niya ng baso na may ilang isaw ang isang bading na customers.

Sayang naman ang gwapo pa naman no'n.

"Magtinda na lang kayo! Huwag puro dada!" Sigaw sa kanila ni Xavier tsaka tumawa.

Lumingon sa gawi namin si Kayden, pinagtaasan niya ako ng isang kilay tsaka ngumiwi, binelatan ko na lang siya tsaka inirapan.

"Bili na po kayo! Whew! Free sauce and suka po kami dito!" Nanghila na rin siya ng mga customer na nakatambay malapit sa isang tindahan.

Humalakhak kami, free sauce ba raw, malamang free 'yon.

"Hoy! Yung limang stick ng betamax ko, nasa'n na?" Sigaw ng isang customer.

"Calm down, lady." Ani Elijah, siya na ang nagpapaypay ngayon.

"Ate, inhale! Exhale!" Utos ni Alzhane. Alam kong pinapagaan niya lang ang sitwasyon, siguradong magtataray ang customer kapag hindi nila binigay ang kaniya. "Eto na po." Inabot niya ang isang styro bowl na may lamang inihaw.

Nakita kong sumulyap si Elijah kay Eiya na ngayon ay gumigiling-giling sa harap ng isang nanay. Pagkatapos no'n ay tumingin ulit siya sa ihawan at pasimpleng ngumiti at umiling.

Nanlaki ang butas ng ilong ko dahil do'n, may hindi sinasabi si Eiya sa 'kin, nararamdaman ko 'yon.

"Hey, ang sabi namin, balatan mo lang ang mga hotdogs tsaka hiwain, hindi naman namin sinabing durugin mo." Sabi ni Asher tsaka tumawa, pati tuloy si Timber at Xavier tumawa.

Nakita ko ang hotdog na hawak ko, nabalatan na 'yon, hihiwain ko na sana para maluto ang loob niya, pero dahil yata sa kakalingon ko sa kabilang tindahan, yung ihawan ang tinutukoy ko, sumobra yata sa higpit ang hawak ko kaya eto durog na.

Kawawang hotdog, nalamog na, hindi pa maibebenta.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now