"Sinuot mo na pala! Tapos ipapasuot mo pa sa 'kin, yung mga germs ng pawis mo baka lumipat sa 'kin."  Ani ko.

"Ay tanga lang?" Tanong niya, hinila ko naman ang patilya niya dahil sa sinabi niya.

"Ansabe mo ha?" Inis na tanong ko.

Ang bata niya para pagsabihan ako ng gano'n, hindi man lang niya 'ko nirespeto bilang mas matanda ako sa kaniya.

Binitawan ko siya nung nakita kong umiiyak na siya. "Aw.." Aniya tsaka niya 'ko tinalikuran.

"Nalabhan na 'yan, sabing malinis na 'yan, ayaw mong mahiwala." Basag ang boses niya ng sabihin niya 'yon.

Napalunok ako dahil do'n. Lumingon ako sa iba, lahat sila hinaharap sa 'kin ang hintuturo niya, parang sinasabi nila na "hala ka". Ang akala ko, sinuot niya na tapos hindi pa nalalabhan, yung bang pinagsuotan na kaya marumi na gano'n.

"Ji..." Nilapitan ko siya tsaka kinalbit ang likod niya. Hindi niya 'ko pinansin. I heard his sobs . It's like my heart is being stabbed because of that.

Kinalbit ko ulit siya. "Kenji... sorry na." Pero hindi niya ulit ako pinansin.

Nagpapasuyo lang siya, baka sumama ang loob niya dahil sa ginawa ko. Wala akong alam na pwedeng panuyo sa kaniya kung hindi ang...

Pagkain.

Kinuha ko ang bag ko at nilabas ang isang pack ng cookies, pinagtinginan naman ako ng iba, yung mga mata nila parang nagsasabing "gusto ko rin, pahingi." Ang kaso dalawa lang 'yon, para kay Maren at para sana sa 'kin, may kasalanan ako kaya ibibigay ko na lang kay Kenji.

Tinignan ko na lang sila ng may nagpapahumanhin na mata tsaka umiling, nakita ko ang pagbagsak ng mga balikat nila, hindi ko na sila pinansin, lumapit na lang ako kay Kenji tsaka kinalbit ulit.

"Hoy!" Sabi ko tsaka tinulak ng bahagya ang braso niya.

"Ayaw mo naman akong paniwalaan, sige na, aalis na 'ko." Sabi niya, akmang maglalakad na siya pero agad akong pumunta sa harap niya tsaka inabot sa kaniya ang hawak ko. "Ano 'yan?" Pumiyok ang boses niya, namumula ang mata niya. Napalunok ako.

"Cookies."

"Para sa 'kin?" Tumango ako sa tanong niya, agad niya namang hinablot sa 'kin 'yon.

Nagliwanag na ang mukha niya tsaka nagtatalon, hinagis niya sa 'kin ang damit niya dahilan para mapunta rin sa mukha ko 'yon gaya ng nangyari sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin, nagpeace sign lang siya tsaka kumaripas ng takbo. Sinundan naman siya ni Maren.

Tsk! Magkasundo talaga ang mga bata.

Tumingin ako sa iba, lahat sila nakaupo na at nag iiwas ng tingin. Narinig ko ang mga hinanakit nila.

"Ang daya, kami wala."

"Favoritism."

"Friendship over na."

"Hindi ka namin bati."

"Magtampo rin kaya tayo? Baka sakaling suyuin niya tayo."

Inirapan ko na lang sila, kinuha ko ang bag ko tsaka tumingin kay Alexis.

"Sa'n ang c.r niyo? Magpapalit kang ako."

"Ah, do'n." Turo niya sa isang parte ng karinderya, nakita ko ang isang kulay puting pinto.

Pumunta ako do'n tsaka nagpalit ng damit. Black yung damit tsaka may tatak na anime characters. Medyo malaki sa 'kin pero pwede na, mahilig kasi si Kenji sa malalaking damit kaya hindi na 'ko nagtaka.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now