Umupo ako sa bakanteng upuan, sa tabi ni Eiya. Hindi pa ako nakakaupo nung lumapit sa tabi ko si Kenji, nauna pa siyang umupo sa 'kin, napapagitnaan nila akong dalawa.

"Yakie." Pangangalbit ni Kenji sa 'kin.

"Oh?"

"Ate..." rinig ko mula sa tagiliran ko, hinihila niya ang laylayan ng damit ko.

Hindi naman kasi talaga magkakadikit ang mga upuan, may mga space 'yon kahit papa'no.

"Uy, Maren!" Sabi ko tsaka ko siya kinandong. Humagikgik lang siya tsaka yinakap ang kamay ko.

Naramdaman ko na lang na hinihila niya ang plastic na hawak ko, yung mga marshmallows na hindi ko naubos.

"Gusto mo ba 'to?" Tanong ko, inosente naman siyang tumango.

"Ako rin!" Sabi ni Kenji, sinunggaban niya pa ang mukha ko kaya napaatras ako, pinagdidikit niya ang dalawang hintuturo niya tsaka nag puppy eyes.

"Huwag mo ng agawan ang bata." Sabi ko, ngumuso naman siya.

"Damot mo!" Asik niya tsaka tumalikod sakin.

"Hoy! Ayan na si actor!" Tawag ni Alzhane sa kaniya.

"Huwag niyo 'kong kausapin!" Nagmamaktol na sabi ni Kenji, nakatalikod siya kaya nakikita ko ang paggalaw ng balikat niya.

"Lapit ka kay unggoy ay este kay Kuya Kenji, hati kayo, okay?" Bulong ko kay Maren, tumango naman siya tsaka pumalakpak.

Binaba ko siya, napangiti ako nung makita kong lumapit siya kay Kenji, ang kaso hindi siya pinapansin, nainis yata ang bata ang ginawa niya kumuha siya ng stick tsaka pinalo ang legs ni Kenji.

Natawa naman kaming lahat sa ginawa niya, napa 'ouch' na lang si Kenji, akala ko iiyak siya dahil do'n kasi namumula na ang mata niya, pero pumalakpak ang tenga niya nung inabot ni Maren sa kaniya yung mga marshmallows.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ni Trina, galing siya sa kusina, may hawak pang sandok tsaka naka apron pa siya.

"Kanina pa kaya kami!" Sagot ni Xavier.

"Anong oras?"

"Kaninang 8:10." Sagot ko.

"Wow ah, samantalang kami, kanina pa kaming alas syete dito." Sabi ni Aiden.

"Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo, sinundo kami agad eh, hindi ba nila kayo sinabihan?" Tanong ni Hanna tsaka sumimsim sa iniinom.

"Hindi. Dre bakit hindi mo 'ko tinext?" Tanong ni Xavier kay Vance.

"Malay ko bang hindi niyo alam." Sagot nito.

Bahagya kong sinabunutan si Eiya. "Bakit hindi mo 'ko sinabihan?"

Nagkibit balikat siya. "Same as his answer."

"Teka, bakit late pala kayo?" Alexis asked. Nakaapron din siya.

"Tsaka bakit gan'yan ang itsura niyo?" Pinalalakihan kami ng mata ni Mavi. Pati butas ng ilong lumalaki.

"Bakit ang gulo ng buhok mo?" Natatawang tanong ni Hanna.

"Bakit parang basa ka? Pawis ba 'yan?" Turo ni Timber kay Xavier.

"Pati ikaw! Basa rin yata ang damit mo, oh," pinakaduro pa ni Eiya ang kwelyo ng damit ko, yung kaninang nabasa nung uminom ako.

"Mukhang napagod yata kayo sa byahe ah?" Nakangising usal ni Maurence.

"Pawis, magulo ang buhok, pagod." Sambit ni Trina. "May ginawa ba kayong hindi namin alam? At hindi namin pwedeng alamin?" Nanghihinalang dagdag pa ni Trina.

"Rawr!" Sabi ni Mavi.

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi nila, alam kong iba ang pagkakaintindi nila sa mga 'yon. May iba pang ibig sabihin yung mga 'yon.

"Hoy!" Pag aalog ni Vance kay Xavier. "May ginawa kayo 'no?"

"Ano?! Sira na ba ang ulo?" Asik ni Xavier, binatukan pa si Vance.

"Eh, anong ginawa niyo at bakit gan'yan ang itsura niyo?" Alexis asked.

Bumuntong hininga na lang ako bago sila sagutin, sandamakmak na panghihinala ang sasabihin nila kung hindi ako makukuwento. Sinabi namin lahat sa kanila, pati nga yung tubig na na 'preserved' daw na ininom ko sinabi ni Xavier sa kanila kaya pinagtawanan nila ako, ang ganti ko naman sa kaniya eh yung tungkol sa lalaking kasama ni Shikainah. Sumama ang mukha ni Xavier matapos kong sabihin 'yon, pinagtripan naman siya ng mga kaibigan niya.

"Road trip pala eh 'no?" Sabi ni Eiya tsaka tumawa.

"Kaya pala ang tagal niyo." - Asher.

"Do you want coffee?" Alok sa 'kin ni Adriel.

Tumango ako. "Sige, wag sanang masyadong matamis."

Lumakad siya papuntang kusina nina lola.

"Woi! Ako hindi mo aalukin?" Sigaw ni Xavier sa kaniya pero hindi niya na pinansin.

"So.. gaya ng pinag usapan natin kahapon, kaniya-kaniya tayo ng toka ha?" Pagpapaalala ni Kenji.

"Akala mo naman tutulong ka eh." Panggagatong ni Hanna sa kaniya.

"Dapat may deal para exciting!" Parang bata na sabi ni Mavi.

"Oo nga." - Lucas.

Sumang-ayon naman sila sa gusto ni Mavi.

"So.. what's the deal?" Tanong ni Elijah.

Oh, nandito pala 'to? Sa sobrang tahimik niya hindi ko na napansin na nandito pala siya.

Gaya ng madalas na expression niya, seryosong seryoso. Sumulyap pa siya kay Eiya bago ibalik sa 'kin ang paningin.

"Yung team fishballan at team ihawan ang magkalaban, pumusta na lang ang mga nasa karinderya, lugi kami kung sasali sila. Paramihan ng benta." Ani Alzhane.

"May dare ang mga natalo." Nakangising sabi ni Vance tsaka tumawa ng pang demonyo.

Nakakatakot at makakakilabot naman 'yon, alam na alam kapag may hindi magandang gagawin eh, alam mong may gagawing kalokohan.

"Heira..." Tawag ni Trina sa malayo. Nagbalik pala siya sa kusina kanina. Unti-unti siyang lumapit sa 'kin, may dala siyang mangkok. "Tikman mo nga kung ayos na ang lasa ne-! Huk!"

Hindi kasi siya nakatingin sa dinadaanan niya, sa mangkok siya nakatingin, nung malapit na siya sa 'kin, hindi niya napansin ang paa ni Timber na busy'ng busy sa pakikipagdaldalan kay Alexis.

Wait...

"ANG INIT!"

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora