♫♪ Relasyon iyong tinigel pagibig mo'y pinigel. Kaya ako ay miserable sa pagiging single. Akala mo ba masaya ako? Male. Nakangiti kunyare ngunit puso ko'y sawe.♫♪ Pagrarap ko, mabilis kasi ang mga 'yon.
Ano bang kasunod no'n? Aish! Iba na nga lang. Makapagrap na lang.
♫♪ Hindi ko ginusto ang ilayo ako sayo mahal. Ngunit ito ang desisyon ng tadhana at may kapal. Alam ko din ako'y magtatagal sa lugar na to. Na kung saan wala ka kaya kulang kulang ako. Hindi lang araw hindi lang buwan kundi ilang taon. Tayo ay di magkikita makakaya ko ba yon. Sa tingin ko hinde hindi ko kaya. Dahil ako'y mamamatay kapag wala ka. Wala ka na dito sa aking tabi kaya di na mapigil ang luha.♫♪ Madramang pagkakanta ko.
Hinawakan ko pa ang dibdib ko tapos ginamit kong microphone yung cellphone ko. Nakita kong umiiling-iling na lang 'tong lalaking kasama ko.
♫♪Gusto kitang makapiling mayakap mahalikan yun lang di ko pa makuha
Dahil ilang kilometro at milya ang ating distansya at ating pagitan
Pangungulila ko sa iyo yan ang resulta ng aking biglaang paglisan
Di ito madali para sayo ngunit mas hindi madali to para sakin
At alam kong hindi tayo magkakalapet kahit sa isang libong dalangin. Nadadama ang lungkot at puot hinagpis at ang pagkabigo at pasakit. Ngunit gaano ka man kalayo saking puso palagi ka ditong malapit.♫♪ Pag rarap ko sa kanta, buti na lang talaga memorize ko ang lyrics kahit wala ako sa tono.
Nilingon ako ni Xavier tsaka niya 'ko pinaningkitan ng mata, binigyan ko niya ng nagtatakang itsura. Nag iwas din siya ng tingin.
Nasisiraan na yata 'tong lalaking 'to.
♫♪ Inisip ko kung bakit ganito ang langit. Nilayo ako sayo. Hindi ko matanggap mahirap magpanggap
Na ako'y hindi bigo, ngunit di ko rin inaasahang mangyayari to. Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako. ♫♪ Nagme-make face ako habang kinakanta ko 'yong chorus.
Mas sumama ang tingin ni Xavier sa 'kin matapos kong kantahin 'yon. Para bang may nasabi akong hindi maganda. Halos lumubog na nga ako sa kinauupuan ko.
♫♪ Tatakbo, tatalon, sisigaw ang pangalan mo. Iisipin na lang panaginip lahat ng ito. O, bakit ba kailangan pang umalis. Pakiusap lang na wag ka nang lumihis. Tayo'y mag usap teka lang ika'y huminto. Wag mo kong iwan aayusin natin 'to. Daling sabihin na ayaw mo na. Pero pinag-isipan mo ba?. Lapit nang lapit, ako'y lalapit Layo nang layo, ba't ka lumalayo
Labo nang labo, ika'y malabo
Malabo,tayo'y malabo. ♫♪ Pag iiba ko sa kanta kahit pababa ako ng pababa sa upuan ko dahil sa sama ng tingin niya.
"Stop it!" Inis na sabi niya.
"Inaano kita?" Natatawang tanong ko.
"Tagos kasi yang mga kinakanta mo!"
"Ay, affected ka?"
"Ay, hindi."
"Okay. Sabi mo eh." Tumango ako.
At sa wakas, matapos ang 34729 years, nakarating din kami kina Alexis. Bumaba kami ng kotse niya tsaka pumasok sa karinderya.
Nando'n na lahat sila, nakaupo, nagkukwentuhan, may hawak na tasa ang iba. Mukhang nagkakape sila.
"Good morning." Nakangiting bati ko sa kanila.
Naglingunan naman sila sa 'min.
"You're late." Sabi ni Kayden.
Himala.
"Yeah right, ten minutes late lang 'dre." Sabi ni Xavier tsaka lumapit sa mga kaibigan niya, nagtapikan lang sila ng balikat.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 48
Start from the beginning
