Agad niyang pinaandar ang kotse.

"Hinayupak ka! Bakit do'n ka huminto?!" Tanong ko, napasabunot na lang ako sa ulo ko dahil sa ginawa niya.

"Anong gusto mo? Humanap ako ng pagpaparkingan, eh halos mamatay kana kanina. Para kang asong nakalunok ng buto ng baboy." Sagot niya, nandilim ang paningin ko, gusto kong iumpog ang ulo niya sa manibela ng sasakyan pero hindi ko ginawa, baka maaksidente kami 'no.

"Ha! Ang galing mo do'n, kung binangga nila tayo do'n, pa'no 'yon ha?" Inis na tanong ko.

Pwede naman kasi niyang ihinto muna sa isang gilid ang sasakyan niya, pero mas pinili niyang magpreno ng biglaan. Tatlong pasulong na daan at tatlong pabalik na daan ang hati ng highway na 'to.

Ah, oo nga pala, sinabi ko lang ang pangalan ni Shikainah, nagkagano'n na siya, nakakabigla naman pala 'tong lalaking 'to kapag si Shikainah ang pinag uusapan.

"Huwag kang magpepreno ng biglaan ah." Paalala ko.

"Bakit?" Tanong niya, nasa daan ang paningin niya.

"Basta!"

"Okay."

"Hindi mo ba natanong si Shikainah, baka gusto niyang sumama sa 'tin."

"As if naman kung kakausapin ako no'n."

Kumunot ang noo ko. "Why?"

"Long, long, long, complicated and sad story." Sagot niya.

"Kahit sa cellphone, hindi ka sinasago?"

"As if naman kung sasagutin niya ang mga texts and calls ko, himala na lang kung mangyayari ulit 'yon." Papahinang sabi niya, parang malungkot na siya.

"Ay gano'n? Kaya siguro siya nagtataray kasi-!" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil sa pangalawang pagkakataon, biglaan siyang nagpreno. Buti na lang talaga nakaseat belt ako kung hindi sigurado akong bukol ang aabutin ko.

"Ano ba?! Biglaan ka na lang nagpepreno, siraulo ka ba?"Binato ko siya ng isang marshmallow. "Ang lawak-lawak ng daan oh!" Tumuro ako sa harap.

Hindi siya sumagot, nakita kong humigpit ang hawak niya sa manibela, bumalatay ang galit sa mukha niya, sobrang sama, madilim at matalim ang tingin niya sa kung saan.

"Hala, nasasaniban ka na ba?" Tanong ko.

Tumingin din ako sa tinititigan niya, at napahawak ako sa bibig ko nung makita ko si Shikainah na may kayakapang lalaki sa may park. Ang sexy nang suot ni Shikainah. Sa 'min nakaharap ang mukha ni Shikainah, habang yung lalaki naman nakatalikod.

Lumingon ulit ako sa kasama ko, tinitignan ko kung buhay pa ba siya dahil wasak ang kaniyang puso. Malamang buhay pa 'to, humihinga pa.

Walang emosyon ang mukha niya habang pinapanood ang dalawa. Makikita mo sa mata niya 'yong selos, inggit, galit, hinanakit, at lungkot.

Kung titignan mo siya, parang may sinusumpa o kaya may pinapatay na siya sa isip niya. Parang binubugbog niya na yung lalaki sa utak niya.

Saglit lang kami do'n tsaka niya pinaandar ulit ang sasakyan niya. Nainip ako sa byahe, kung tutuusin dapat ten minutes lang nando'n na kami kina Alexis eh, ang kaso sobrang bagal magpatakbo neto mula kanina.

Kinuha ko ang cellphone ko, gusto kong kumanta, masyadong tahimik, hindi ko bet ang aura sa paligid.

Kahit anong pag iisip ko wala akong naiisip na pwedeng kantahin, walang matino! Naaalala ko lang ang mga tugtugin ng kapit-bahay naming maingay kaya 'yon na lang ang kinanta ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now