"Ah, she texted me and the other presidents earlier morning, ngayon ko lang sinabi sa inyo." Sagot niya.

Ngumiwi ako. Ano bang klaseng presidente ng room na 'to, kung hindi nagsama-sama ngayon hindi niya sasabihin?  Hindi muna nag isip bago pinairal ang katamaran, malay niya baka pumunta kami bukas, tapos wala naman pala. Eh 'di napahiya kami. Iresponsable.

"Teka nga, akala ko pa naman tuloy, then, pinapunta na rin ako kanina do'n, bakit hindi pa nila sinabi sa 'kin 'yon?" Nagtatakang tanong ni Eiya. Yung dean's office ang tinutukoy niya.

"Tsk, common sense, pinapunta ka do'n, tapos pinabunot ka ng pwedeng performance natin. Sa tingin mo magagawa natin agad 'yung performance na 'yon kung bukas na agad ang acquittance party?" Nakangiwing sabi ni Vance, inirapan pa niya si Eiya, natawa tuloy ako sa kaniya, mukhang bading.

"Pa'no pala ang performance natin?" Tanong ni Hanna.

"Oo nga, wala pa tayong napag uusapan tungkol do'n." Ani Timber.

"Sino bang kakanta?" Tanong ni Mavi.

"Maglalagay ba tayo ng back up? I mean back up dancer o kaya naman banda na pwedeng tumugtog." Sabi Maurence.

"Teka lang, hinay-hinay lang, mahina ang kalaban." Sabi ko, hinawi ko pa ang hangin sa ere gamit ang dalawang kamay ko, napahawak na lang ako sa sentido ko dahil sa dami ng tanong nila.

Teka nga, bakit ako ang namomoblema dito, haler?! May president kami, he can handle it.

"Then let's talk when we all have time.  Tapusin muna ang dapat tapusin." Serysong sabat ni Elijah, nakasandal siya sa harap ng kotse niya tapos nakacross arm pa.

Nagkibit balikat kami. "Let's go? Naggagabi na." Aya ni Adriel.

Hindi na lang kami sumagot, nakita ko ring papalapit na sa 'min sina Trina, mukhang malalim ang iniisip niya, nakatingin siya sa baba habang naglalakad. Weird.

Sumakay na kami sa mga kotseng sinakyan na 'min, dating pwesto pa rin. Umalis na rin kami no'n

Shete! Malas! Sarado na ang gate ng parking lot ng school, nasaraduhan na yata kami. Pa'no na yung mga sasakyan namin?

Bumaba kami ng kotse, kaming lahat. Nakatingala lang kami sa gate na prenteng nakalock. Nakapewang ang iba, napapakamot ulo na lang kami.

"Pa'no na 'yan?" Tanong ko, ako na ang bumasag sa katahimikan. Problemado lahat ng mukha nila.

"Hindi naman mawawala ang mga 'yan, huwag kayong mag alala." Sabi ni Xavier.

"Pa'no mo naman nasabi 'yan?" Tanong ni Trina.

"Gamit ang bibig." Sagot niya.

"HA HA HA, nakakatawa, pwede ka ng kunin ni satanas." Sarkastikong sabi ni Trina sa kaniya.

"Ang sama mo naman!"

"Tama si Xav, may security guards na nagbabantay d'yan buong gabi." - Jharylle.

"Maraming nagbabantay d'yan, pati multo." Sabi naman ni Vance, binatukan nga siya ni Aiden.

"No choice, umuwi na lang tayo, tignan na lang natin kung nakabukas ang parking lot bukas." Sabi ni Timber.

"Abnoy! Wala akong sasakyan bukas." Sabi ko. Alangan maglakad ako? Mas malayo pa nga ang bahay nina Alexis kesa sa B.U.A eh.

"Sa'n ba ang bahay mo?" Tanong ni Lucas.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now